Hindi itinanggi ni Gretchen Barretto na alam niyang may nagaganap ngayong hidwaan sa pagitan ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine at ang maituturing niyang bagong kaibigan na si Angelica Panganiban.
"Of course, I'm aware because alam mo naman ang show business, napakaliit," panimula ni Gretchen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Magkaribal noong Miyerkules ng gabi, Agosto 25.
Pagpapatuloy ng aktres, "Every news sa bawat artista, malalaman at malalaman mo, dahil nagte-tape kami three times a week...and wherever I go, meron isang katulad mo na magkukuwento! [laughs]
"Saka, lalo na yung Twitter, I don't have [an account], hindi ako nagtu-twit, hindi ako marunong. But then, ewan ko ba, every time may lumalabas, talagang nakakarating sa akin. E, di ba, yung akin nga [Angelica's tweet entry about her and Derek Ramsay]...everybody knows!
"Kahit hindi ako marunong mag-twit, may magkukuwento na, 'Oy, eto ang twinit kay dito o sa akin, or sa ibang tao. Siyempre malalaman...I don't want to be plastic and say na hindi ko alam. Siyempre, alam nating lahat 'yan."
Nagsimulang magduda ang showbiz press na may kahidwaan si Claudine nang mapadalas ang pagtu-twit niya ng mga maaanghang na mensahe nitong mga unang bahagi ng Agosto.
Bagama't hindi pinapangalanan ni Claudine ang taong pinasasaringan niya sa kanyang mga twits ay naging paboritong usap-usapan ito sa mga umpukan ng showbiz press.
Sa ganitong paraan ay tila napagtagni-tagni na rin ng press na ang pinatutungkulan ni Claudine ay si Angelica Panganiban, na minsan na niyang nakasama sa teleseryeng Iisa Pa Lamang noong 2008, nang si Claudine ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN.
Sa naunang panayam ng PEP kay Claudine na lumabas dito kahapon (CLICK HERE to read related story) ay hindi na itinanggi ni Claudine na si Angelica nga ang kahidwaan niya.
Ayon kay Claudine, si Angelica ang nagkakalat ng mga masasamang balita laban sa kanya. Kabilang dito ang diumano'y pagkakaroon niya ng affair sa isang nagngangalang Martin Castro, isang bagong kaibigan ng asawa ni Claudine na si Raymart Santiago at best friend naman ni Derek Ramsay na boyfriend ni Angelica.
Sinabi ni Claudine na dagdag pa sa ikinagalit niya kay Angelica ay ang diumano'y pagkakalat din ni Angelica ng mga paninira laban sa nakatatanda niyang kapatid na si Gretchen. Bagama't hindi raw sila nag-uusap sa kasalukuyan ni Gretchen ay hindi raw niya maiwasang hindi ito maipagtanggol.
Nilinaw ng PEP ang mga ito kay Gretchen mismo. Sinimulan ng PEP ang panayam kay Gretchen sa paghingi ng kanyang reaksyon sa anggulong tila nagsimula ang hidwaan nina Claudine at Angelica nang tangkain daw ni Claudine na sitahin si Angelica sa pagsasalita laban kay Gretchen sa isang party sa bahay ni Castro noong Hulyo.
Matatandang nagkaroon din kasi ng maiksing alitan sina Gretchen at Angelica. May kinalaman ito sa diumano'y pagseselos ni Angelica kay Gretchen dahil sa pagiging close nito sa boyfriend ni Angelica na si Derek, ang co-star ni Gretchen sa fashionserye ng ABS-CBN na Magkaribal.
Narito ang kabuuang interview ng PEP kay Gretchen:
Ang umiikot ngayong balita, ang root diumano ng war ni Claudine kay Angelica can be traced sa pagtatanggol ni Claudine sa 'yo sa isang party, where Angelica was maligning you to other guests daw. Ano ang reaksiyon mo rito?
"No, no, no...that's not true! Walang ganyang kuwento na ipinagtatanggol ako... Yung away ni Angelica Panganiban and Claudine, wala akong kinalaman sa away na 'yon at all—walang kinalaman.
"There's no truth to that. Kasi, kami ni Angelica, nung may nangyari sa amin, sandaling-sandali lang 'yon. And nung kinausap kami ng management ng ABS-CBN na tumigil, pareho kaming disente na tumigil.





hindi matimbang sa kanya ang dugo...
pera lang at ginto
kaya hayan dalhin mo hanggan hukay...hindi ba it's a thing to seriously consider IF YOUR WHOLE FAMILY IS AGAINST YOU???
matapang ka lang kasi may pera ka gretchen
pero WALA ka...WALANG-WALA
Magkaribal yata si Clau and Gretchen ngayon, LOL.
eh ano ang tawag mo sa hitad na katulad mo???
Careful lang si Greta sa interview na to pero halata naman sa kapatid niya siya kampi. Kahit magpatayan pa yan silang 2 ni CB ate siya siyempre sila parin magkakampihan.
Greta puro world peace at pagtatangol
kay Angelica ang ginawa nya dahil ba
may MAgkaribal sya? MAjor major
Remember Ghia Apelo na ex ni Raymart? Diba pinasabugan nitong si Claudine ang labas ng bahay ni Ghia ng fireworks sinturon ni Hudas yata. Maldita talaga. Tapos gumawa naman ng issue nung naging successful yung isang MMK episode ng Ate Greta niya. Hindi ba niya nabasa na kasama sa cardinal sins ang Envy?
palibhasa kasi si Greta walang permanenteng pamilya kaya nakikipamilya na lang sa iba at ginagamit lahat ng pera nya para mahalin sya. poor again girl!
ewan na lang kapag dumating na yung time na kailanganin mo na parents at mga kapatid mo, sana tanggapin ka pa nila.