Hindi itinanggi ni Gretchen Barretto na alam niyang may nagaganap ngayong hidwaan sa pagitan ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine at ang maituturing niyang bagong kaibigan na si Angelica Panganiban.
"Of course, I'm aware because alam mo naman ang show business, napakaliit," panimula ni Gretchen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Magkaribal noong Miyerkules ng gabi, Agosto 25.
Pagpapatuloy ng aktres, "Every news sa bawat artista, malalaman at malalaman mo, dahil nagte-tape kami three times a week...and wherever I go, meron isang katulad mo na magkukuwento! [laughs]
"Saka, lalo na yung Twitter, I don't have [an account], hindi ako nagtu-twit, hindi ako marunong. But then, ewan ko ba, every time may lumalabas, talagang nakakarating sa akin. E, di ba, yung akin nga [Angelica's tweet entry about her and Derek Ramsay]...everybody knows!
"Kahit hindi ako marunong mag-twit, may magkukuwento na, 'Oy, eto ang twinit kay dito o sa akin, or sa ibang tao. Siyempre malalaman...I don't want to be plastic and say na hindi ko alam. Siyempre, alam nating lahat 'yan."
Nagsimulang magduda ang showbiz press na may kahidwaan si Claudine nang mapadalas ang pagtu-twit niya ng mga maaanghang na mensahe nitong mga unang bahagi ng Agosto.
Bagama't hindi pinapangalanan ni Claudine ang taong pinasasaringan niya sa kanyang mga twits ay naging paboritong usap-usapan ito sa mga umpukan ng showbiz press.
Sa ganitong paraan ay tila napagtagni-tagni na rin ng press na ang pinatutungkulan ni Claudine ay si Angelica Panganiban, na minsan na niyang nakasama sa teleseryeng Iisa Pa Lamang noong 2008, nang si Claudine ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN.
Sa naunang panayam ng PEP kay Claudine na lumabas dito kahapon (CLICK HERE to read related story) ay hindi na itinanggi ni Claudine na si Angelica nga ang kahidwaan niya.
Ayon kay Claudine, si Angelica ang nagkakalat ng mga masasamang balita laban sa kanya. Kabilang dito ang diumano'y pagkakaroon niya ng affair sa isang nagngangalang Martin Castro, isang bagong kaibigan ng asawa ni Claudine na si Raymart Santiago at best friend naman ni Derek Ramsay na boyfriend ni Angelica.
Sinabi ni Claudine na dagdag pa sa ikinagalit niya kay Angelica ay ang diumano'y pagkakalat din ni Angelica ng mga paninira laban sa nakatatanda niyang kapatid na si Gretchen. Bagama't hindi raw sila nag-uusap sa kasalukuyan ni Gretchen ay hindi raw niya maiwasang hindi ito maipagtanggol.
Nilinaw ng PEP ang mga ito kay Gretchen mismo. Sinimulan ng PEP ang panayam kay Gretchen sa paghingi ng kanyang reaksyon sa anggulong tila nagsimula ang hidwaan nina Claudine at Angelica nang tangkain daw ni Claudine na sitahin si Angelica sa pagsasalita laban kay Gretchen sa isang party sa bahay ni Castro noong Hulyo.
Matatandang nagkaroon din kasi ng maiksing alitan sina Gretchen at Angelica. May kinalaman ito sa diumano'y pagseselos ni Angelica kay Gretchen dahil sa pagiging close nito sa boyfriend ni Angelica na si Derek, ang co-star ni Gretchen sa fashionserye ng ABS-CBN na Magkaribal.
Narito ang kabuuang interview ng PEP kay Gretchen:
Ang umiikot ngayong balita, ang root diumano ng war ni Claudine kay Angelica can be traced sa pagtatanggol ni Claudine sa 'yo sa isang party, where Angelica was maligning you to other guests daw. Ano ang reaksiyon mo rito?
"No, no, no...that's not true! Walang ganyang kuwento na ipinagtatanggol ako... Yung away ni Angelica Panganiban and Claudine, wala akong kinalaman sa away na 'yon at all—walang kinalaman.
"There's no truth to that. Kasi, kami ni Angelica, nung may nangyari sa amin, sandaling-sandali lang 'yon. And nung kinausap kami ng management ng ABS-CBN na tumigil, pareho kaming disente na tumigil.





Claudine, help yourself, ACCEPTANCE is key. This will only destroy you. Depressed ka na masyado. NEGA.
Super agree. Napakalabong ipagtanggol ni Claudine ang Ate Greta niya. Eh kelan lang gumagawa siya ng ingay para siraan ang kapatid niya. But did we ever hear Greta retaliate? NO. Greta even got emotional on one of her press conference sa Eastwood when she was asked on the status of her relationship with Claudine eh. Sobrang iniintindi niya ang kapatid niya despite all her ka-malditahan.
Malabo yatang magtanggol ng hindi alam ang totoong story.
and this gretchen w h o r e will always chose flimsy over substance...
ipagpalit mo ba naman ang buong pamilya mo over a shaky friendship??!!
speaks evil of her...trulily