Sarah Geronimo advises dad to exercise caution in dealing with strangers


 
The alleged kidnap attempt on her father has prompted the singer-actress to hire a bodyguard. "Si Daddy kasi napakasimple at madaling lapitan, 'yon din siguro ang dahilan kaya si Daddy ang naisipan nilang gawan ng ganun," said the Pop Princess.
 
 
 
 
 

Sarah Geronimo advises dad to exercise caution in dealing with strangers

Bong Godinez

Rating

Malayo na talaga ang narating ng singer-actress na si Sarah Geronimo. Magmula nang manalo siya sa primetime singing search show na Star For A Night noong 2002, tuluy-tuloy na ang naging suwerte niya.

 

To date ay nakapaglabas na si Sarah ng pitong studio albums under Viva Records: Popstar: A Dream Come True (2003), Sweet Sixteen (2004), Becoming (2006), Taking Flight (2007), Just Me (2008), Your Christmas Girl (2009), at Music and Me (2009).

 

Pero hindi lang sa pagkanta pumatok si Sarah kundi maging sa pag-arte.

 

Naging certified box-office star ang dalaga matapos tumabo nang husto sa takilya ang dalawang pelikula niya—A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009)—na parehong ginawa niya with award-winning actor John Lloyd Cruz.

 

Noong Hulyo ng taong ito ay napanood naman si Sarah kasama ang premyadong drama actress na si Judy Ann Santos sa pelikulang Hating Kapatid.

 

Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, hindi pa rin nakakalimutan ni Sarah ang panahong hindi pa siya nakikilala ng publiko.

 

FOND MEMORIES. Nitong Huwebes, August 26, ay mistulang bumalik sa kanyang much younger days si Sarah sa launching ng kanyang bagong TV commercial for Jollibee para sa produktong Jolly Hotdog.

 

Teen fair ang tema ng launching event na ginawa sa SMX Convention Center sa Pasay City. Naging game si Sarah na subukan ang ilang pakulo na inihanda ng mga organizers, kagaya ng pagpapakuha sa photo booth kasama ang mascot at pagsusulat sa memory wall na ipinuwesto malapit sa entablado.

 

Nagsilbing judge din si Sarah sa dance at videoke game na sinalihan ng ilang invited guests, kasama ang mga media representatives na galing sa magkakaibang TV networks.

 

Naikuwento ni Sarah sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters na dati daw ay nililibre lang siya ng kanyang mga high school friends tuwing kakain sila sa Jollibee.

 

"'Eto, walang bola, minsan kasi kulang ang pera ko kaya nililibre lang nila ako," natatawang pagbabalik-tanaw ng 22-year-old showbiz superstar.

 

Kung minsan naman daw ay sumasama siya sa kanyang mga kaibigan sa Jollibee pero hindi para umorder. "Dala ko lang po 'yong baon ko 'tapos dun ko kakainin," kuwento niya.

 

Hanggang ngayon ay may communication pa rin daw si Sarah sa kanyang mga high school friends. Limited na nga lang ang kanilang interaction dahil sa kanyang busy showbiz schedule at most of the time ay through "text [messaging] at Facebook" lang sila nakakapagkumustahan at kuwentuhan.

 

Pag-amin ni Sarah, "Nami-miss ko 'yong paglabas namin ng mga kaklase ko... Isa sa mga matagal ko nang wish ay makapag-out of town kami para makapag-bonding ulit."

 

EXTRA PRECAUTION. Bilang artista ay hindi na siyempre ganoon kadali para kay Sarah ang basta lumabas para mamasyal. Bukod sa mga showbiz commitments na kailangan niyang tuparin tulad ng recording, shooting, shows, events, at marami pang iba, ay nandiyan na rin ang pag-alala sa seguridad, di lang para sa kanya kundi pati na rin sa mga malapit sa kanya.

 

Noong August 8, araw ng Linggo, ay lumabas ang balita na muntik nang makidnap ang ama ni Sarah na si Mr. Delfin Geronimo, 55, sa parking area ng ABS-CBN's ELJ Building sa Quezon City.

 

Ayon sa ulat na inilabas ng mga pulis, bandang ala-una ng hapon nang imbitahan ang ama ni Sarah ng isang nagngangalang Paulino "Paul" Mercado sa basement parking area dahil may iaabot daw itong regalo para sa singer. Galing daw ang regalo sa kumpanya na may hawak ng isang shampoo brand na ineendorso ni Sarah.

 

Pinilit diumano ng 43-taong-gulang na suspect na sa loob ng Hyundai van pirmahan ng ama ni Sarah ang isang receiving document, ngunit agad na nagduda ang nakatatandang Geronimo kaya mabilis din itong nakapalag. Lumalabas rin sa initial investigation na tinangka pa diumano ni Mercado na paralisahin ang ama ni Sarah sa pamamagitan ng isang stun gun.

 

Agad nakahingi ng saklolo si Mr. Geronimo sa mga security personnel na naka-deploy sa paligid ng gusali noong mga oras na iyon. Kasalukuyang nakakulong ang suspect na si Mercado at hindi ito pinayagan ng assistant city prosecutor ng Quezon City na makapagpiyansa. (CLICK HERE to read related story.)

 

Kidnapping ang isinampang kaso ni Mr. Geronimo laban sa suspect.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
24 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement