On our way to Enchanted Kingdom last Sunday, August 29, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marco Alcaraz.
Isa si Marco sa mga alaga ni Noel Ferrer na nagpunta sa theme park sa Sta. Rosa, Laguna upang maghatid ng kasiyahan sa ilang mga bata sa pamamagitan ng storytelling.
Kuwento ni Marco, "Mag-i-storytelling kami sa mga children. Alam naman natin na ilang days na lang, ber na, papunta sa Christmas. Sa ibang malls nga raw sa ibang bansa, meron na nga raw mga Christmas decoration. So, it's our own way na makatulong sa mga bata. Ang alam namin, pipili rin kami ng foundation na gusto namin."
CAREER PATH. Isa si Marco sa mga bagong alaga ni Noel. Happy naman daw siya with his new manager.
"Medyo nag-iiba na rin ang career path ko ngayon," banggit ng aktor. "I am enjoying hosting at nakakailan na rin ako with GMA-7. Tapos, marami pang naka-lineup na regional events ng GMA. Yung una noon sa Pangasinan, parang trial lang. Sabit lang kami ng ilang cast ng Endless Love.
"Nag-e-enjoy ako. At siguro, nakitaan naman nila ako ng potential. Sana magdire-diretso. Siyempre, ang idol natin is Paolo Bediones. Hopefully, kahit man lang mag-co-host sa Binibining Pilipinas."
Naimpluwensiyahan ba siya ng kapatid niya sa manager na si Paolo sa pagho-host?
"Hindi naman. Dati pa rin, dream ko rin ang makapag-host. Si Noel naman kasi, may Paolo siya, may Ryan Agoncillo siya na nagho-host. So, kung may client siya na hindi ganoon kalaki ang budget, ako na lang!" biro niya.
"But seriously," patuloy niya, "sana nga po mag-lead into something like sports show, game show. Hopefully po, dahan-dahan."
STILL A KAPUSO. Kung ang karamihan ng mga kasamahan niya kay Noel ay mas napapanood sa TV5, siya raw ay nanatiling Kapuso. In fact, may kontrata pa rin daw siya sa GMA-7 hanggang September 2011.
"It's up to Sir Noel din naman po kung ano ang gusto niya sa career path ko. So far, okay naman. Pero siyempre po, sana mabigyan pa rin po ng more exposures lalo na sa hosting aside sa acting.
"Sa Endless Love naman, okey naman po, enjoy naman po ang samahan do'n. Bukod sa Endless, may isa pa akong ginagawa, yung Sex Ejokecation with Direk Leo Martinez. Ipapalabas siya sa Metro Bar sa September 9 naman. Aside sa teleserye, hosting, may konting sexy-comedy rin po na parang play po na more on green jokes po."
A CHANGED MAN. Pagdating sa kanyang lovelife, walang-duda na masayang-masaya si Marco sa department na ito sa piling ng kanyang girlfriend of more than one year na si Precious Lara Quigaman.
"Baduy man pakinggan, kaka-twit nga lang ni Ruffa Gutierrez sa kanya. Kasi, tinatanong ako kung sino ang showbiz crush ko, ang sagot ko, wala. Hindi na ako tumitingin sa ibang babae mula nang maging kami," sabi ni Marco.
Seryosohan na ba talaga kung anuman ang meron sila ngayon ng Miss International 2005?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
23 keepondreamin
MY DD ba naka sulat sa article? my Marian ba? bwahahah talaga naman basta sikat kahit saan at kahit kaninong article nandoon ang mga pangalan..
salamat sa mga bitters lalo nyo silang pina pa sikat..wweeeeee
22 sakanalovelife
21 tagaamparoako
for the nth time pep, pls dont erase my comment
20 lenlenlen
19 sakanalovelife
18 sakanalovelife
17 lolame
16 tagaamparoako
15 tagaamparoako
14 misswa
13 am0
lalake.
12 iza_marian7
sA Endless Love, punong-puno ng emosyon kagabi dahil sa pag-iyak nina Catherine at Yumi. Nakakatuwa na din si Suzy dahil nagmamalasakit na sya kay Jenny. Si Andrew di nya hahayaang magkatuluyan sina Jenny at Johnny. Sa pagpunta nya sa pinagtataguan nina Jenny at Johnny, anong eksena ang mangyayari? Kakampi na ba si Yumi kay shirley para sa kanilang masamang balak kay Jenny? Matutuloy nga ba sa kasalan ang proposal ni Johnny kay Jenny? Natutuwa naman kami na maraming nagmamahal kay Jenny like Catherine na malawak ang pang-unawa para kina Jenny at Johnny. Buti nga kay Shirley at mas naalala pa ni Catherine ang b-day ni Jenny kesa sa kanya. We loved that scene. Ang ganda ganda ganda talaga ng Endless Love! Very impressive, yung music backround at yung themesong na Ikaw Lang by Rachel Ann Go ay excellent na eh, lalo na yung story, cast at acting!
Hala magkakasakit na si Jenny.
__________________
11 iza_marian7
Dance w/ the Steel Bar of Dingdong Dantes coming soon. A hollywood film.
Super Inday and The Magic Bibe of Marian, Maricel Soriano, Jillian Ward, etc. this Dec. 25 for MMFF 2010.
Rosario of Jennylyn and Dennis this MMFF 2010.
Agimat Ni ENteng of Vic and Ramon Bong this MMFF2010.
10 lanalang08
9 humandynamics
8 chili44
7 alexmosher
6 dulcinea
5 bani
4 diamondboy
more comments