Carmina Villarroel prefers civil wedding over church wedding


 
"Hindi namin siya gagawin para sa amin. Parang matapos na lang talaga. Kasi, okey naman kami with or without. We feel na parang mag-asawa na kami," says Carmina Villarroel about her upcoming civil wedding with longtime partner Zoren Legaspi.

Carmina Villarroel prefers civil wedding over church wedding

Rey Pumaloy

Rating

Limang taon na ang reality show ni Carmina Villarroel sa QTV11 na Day-Off. Humahataw rin sa ere ang morning show nila ng partner niyang si Zoren Legaspi sa GMA-7, ang Love ni Mister, Love ni Misis. Bukod dito, kasama rin siya sa reality sitcom ni Michael V na Pepito Manaloto.

 

Ito ang dahilan kaya hindi maiwasang tanggihan ng TV host-actress ang offers sa kanya na gumawa ng mga teleserye.

 

Pero nami-miss ba niya ang paglabas sa mga soap?

 

"Nami-miss siyempre," sagot ni Carmina sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero pag mag-soap pa ako, wala na akong buhay. Kasi ang soap, di ba, three times a week? E, yung Love ni Mister, Love ni Misis, twice a week kaming nagte-taping, tapos meron pa akong Day-Off, tapos may Pepito Manaloto pa ako. So, four times a week. Hindi ko na alam kung saan ilalagay ang soap kung tatanggap pa ako."

 

MISSES DOING MOVIES. Ayon kay Carmina, ang paggawa ng pelikula ang isa sa gustong balikan niya.


"Movies, yun ang sobra kong nami-miss!" sambit niya. "Given a chance, talagang... Normally, mabilisan nang gumawa ng movies ngayon kapag kinomit mo ang sarili mo na three months, four months, whatever. Siguro kaya kong mag-sacrifice na ibigay ko yung Monday sa kanila and yung Saturday. 

 

"Yun ang gusto ko. Wala lang, nami-miss ko lang. Parang nami-miss ko ang sarili kong makita sa screen. Basta, gusto kong gumawa ng movie, period. 

 

"Tapos, may mga plano-plano pa lang. Sana matuloy. Merong offers kaya sana matuloy. Kasi palaging gano'n, hanggang doon lang.

 

"Siyempre, if ever na gagawa ako ng movie, gusto ko namang may something na ikatutuwa naman no'ng mga tao. At saka gusto ko, hindi naman yung parang sinabi lang na 'Oy, may pelikula ako!' 'Pero nasaan ka? Hindi kita nakita.'

 

"Hindi naman gano'n kadali tapos naging busy rin naman TV, sa commercial. So, hindi ko masyadong naintindi yung sa movies ko. Ngayon, ang balita ko, may offer. Sana, sana matuloy."


Wala pang maibigay na detalye si Carmina sa sinasabing movie project dahil nabanggit lang daw ito sa kanya ni Zoren.

 

"In passing lang na nakuwento sa akin ni Zoren. Kasi, di ba, si Zoren magdidirek ng isang episode ng Shake, Rattle & Roll? Yun yata ang pang-filmfest. Tapos, may na-mention nga sa kanya sina Mother [Lily Monteverde] sa Regal. Hindi ko sure kung pang-filmfest. Alam mo naman si Mother, di ba? Hanggang hindi nagsu-shoot, hindi pa sigurado," saad ni Carmina.

 

ELEVEN YEARS. Mabanggit lang ang pagiging okey nilang dalawa ni Zoren sa morning show nila ay napapangiti na nang husto si Carmina.

 

"Kasi nga, nakakatawa siya, di ba?" paliwanag niya. "Parang karakter na nga ako, e. Kasi nga, importante yung nag-start kaming magkaibigan. So, magkaibigan kami. Kaya no'ng naging mag-dyowa kami, hindi naman nawala yung friendship na yun, e. Hindi na ako yung, 'Ay, hello!' Hindi naman ako pa-girl at hindi rin naman siya pa-cute. 

 

"At kahit artista kami," patuloy ni Carmina, "hindi namin napi-feel na artista kami. Pag wala kaming trabaho, normal lang kaming tao, ordinaryo lang."

 

Hindi rin itinatanggi ni Carmina na may mga tampuhan at diskusyon silang dalawa ni Zoren.

 

"Ay, dysuko!" bulalas niya. "Kung ano yung napapanood mo sa TV, ano kami, we argue a lot. Bickering kaming dalawa, pero hindi kami nag-aaway. Yun ang akala ng mga tao... Pag hindi mo kami kilala at pag narinig mo kaming nagkakaroon ng argument, akala mo nag-aaway kami.

 

"Pero wala sa amin yun. Tapos nun, tapos na. Walang nangyaring hindi kami nagpansinan? Wala. Wala talaga. Kasi nga, sa sobrang kakilala namin ang isa't isa, let say mainit ang ulo ko, nabuwisit ako sa kanya... May mga times na gano'n na nabuwisit ako sa kanya, ganundin siya sa akin. Tatahimik lang siya o kaya magti-tennis muna siya. Pagbalik niya, okey na ulit.

 

"Kasi feeling namin, unang-una, it's just a waste of time to fight. Kung mababaw naman, huwag n'yo munang pag-aksayahan ng panahon. Ngayon, kung naiirita ako, shut up ka na lang muna."

 

May 11 years nang nagsasama sina Carmina at Zoren, na hindi pa halos matandaan ng actress-TV host.

 

"Oo 'ata... Basta, lahat-lahat na yun ng buong relationship... Oo nga, ano? Eleven years na pala kami! Kasi, wala kaming anniversary. 

 

"Kasi, hindi naman niya ako niligawan. Hindi siya yung type of guy na typical na dadaanin ka sa ligaw, best foot forward, ganun-ganun. Kasi nga, hindi siya naniniwala doon na tama naman. Kasi kita mo, bigla na lang nangyari na, ay, naging kami na at wala kaming anniversary. 

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
45 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement