Sa presscon ni Billy Crawford para sa 25 B.C. concert niya last Wednesday, August 25, sinabi niya na babalikan niyang muli ang kanyang international singing career, partikular na sa France at iba pang parte ng Europe. Pansamantala muna siyang mawawala sa bansa at iiwan ang kanyang career dito sa Pilipinas.
Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Billy kung na-miss ba niya ang international scene?
"Ang habol ko naman actually is not fame, it's actually the accomplishment," sabi niya. "You know, when you try something and it works, you go with it. And when you're at the top, you can only go down. When you're No. 1, wala kang ibang pupuntahan, e. So, it's a start program again.
"Pero ako, never akong nagsabi na I stopped my international career. There's always the right time and the right moment to actually do something outside of the Philippines.
"Napansin ko minsan, when I was in France, yung support ng Pilipinas, nandun. When I came back the first time, sobrang grabe! Tapos one time na bumalik ako sa Pilipinas, sabi nila, 'Alam mo, bumalik ka na doon, ipakita mo sa kanila.' So, by next year, promise ko, I will do something outside the Philipppines again.
"Mahirap mag-continue ng career kapag wala ka sa bansa. But, babalik ako within next year. March, pabalik-balik ako. May priorities din ako dito, so lalabas ko yung album ko, magpo-promote ako ng album."
Dagdag ni Billy, "Saka from what I hear sa mga kakilala ko dun, kilala pa rin ako. I went there nang nag-tour kami ni Sarah [Geronimo], nilalapitan pa rin nila ako. Actually, mas maganda nga yung nawala ka kasi masasabik sila, e. Tinatanong nila kung ano ba ang ginagawa ko ngayon. Updated sila sa Pilipinas Got Talent na nabalitaan nila na, 'Uy, he's hosting in the Philippines.'
"Sa kanila, iba yun. Sa akin, it was like 'andito ako sa bahay ko, di ba? So, sa awa naman ng Diyos, tingnan na lang natin siguro, pag-usapan natin pag lumabas na ang album ko pagbalik ko dito."
Marami ang nagsasabi na kapag naging successful ang isang artist abroad ay maaari namang tumamlay ang career niya sa bansa. Napaghandaan na ba ni Billy ang posiblidad na ito?
"I think sa Philippines, susuportahan ka pa rin naman, e. Malaki naman ang Pilipinas. Si Arnel [Pineda], matagal ding nawawala minsan because he's with Journey. Pero pagbalik niya dito, mainit pa rin ang pagtanggap ng mga Pinoy sa kanya just like Charice. So, it's the same thing.
"I think dito, pag nakuha mo naman ang puso ng mga Pinoy, nandun yung assurance na hindi ka nila papabayaan at kakalimutan."
LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Sa balak ni Billy na balikan ang kanyang international music career, ibig ding sabihin nito ay panasamantalang iiwan ni Billy ang kanyang girlfriend na si Nikki Gil. Sa palagay kaya ng Fil-Am singer ay magwu-work ang long-distance relationship sa kanila ni Nikki?
"It will be still going strong like people in love. Dalawang buwan akong nawala na kasama si Sarah, pero never naman siyang nagreklamo," sabi ni Billy.
Parehong busy sina Billy at Nikki sa kani-kanilang TV and singing careers. Hindi ba nagiging problema sa kanila ang oras na siyang kadalasang rason kung bakit nanlalamig at nauuwi sa hiwalayan ang isang relasyon?
"Kung mahal mo ang isang tao and you really love your relationship, gagawa at gagawa ka ng paraan na mag-work ang oras ninyo para magtagpo kayo and para mag-work yung relationship."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
48 kapams_saks
good luck na lang!
47 firebird
46 hannah007
45 hannah007
44 sakanalovelife
43 syetedos
I think you did not understand my comment. Please read again. AT bakit ako pinuntirya mo eh halos lahat dito nagsasabing wala naman siyang international career?
At totoo rin naman na si Christian Bautista and Gary V. may album na sumikat abroad, sikat pa sa pinas pero di nag-claim na may international career sila. Sikat ba si Billy sa Pinas? I don't think so. Cguro sumikat sandali noong alaga ni German Moreno.
Hindi rin crab mentality tawag dun kasi nagsasabi lang ng totoo ang mga pepster.
42 showbizdak
41 darkman501
40 darkman501
pilipino800
August 31, 2010
22:41 PM mas ordinaryo siya sa kung sa GMA kaya pinili nya ang ABS kasi may class. GMA puro was dating parang wala lang
--------
Toinks! Mabuti pa nung nasa GMA sya,going back and forth sya sa ibang bansa for some commitments while doing shows in GMA at may karay karay pa syang magaling na choreo from abroad nun. E ngayon, asan na sya? Sa jEBS na lang sidekick ni babalino luis mansano...
39 cindyx
Medyo matanda na rin si Billy to revive his career..At dapat ay meron syang fairy godmother like si Tsareeeez na sinwerte kay Madam Upraj. Obviously hindi lang talent and kailangan mo to breakthrough sa international scene, kailangan mo ng isang makapangyarihang backer!!! AT mataba si Billy super taba nya, parang si Mickey Ferz na sayaw ng sayaw na parang talbog ng talbog AT parang nakakalbo na rin sya sa NOO just like Dyan Luyd!
38 orentia
37 john_lim86
36 john_lim86
35 kylakapuso
34 BSB_n_Beyond
33 phillymom2010
32 BSB_n_Beyond
31 wallflower
30 chichi_larue
29 syetedos
You have not even reached half of what Gary has achieved and you have the nerve to claim 'international career'? Geez, who is your publicists?
more comments