"Napansin ko minsan, when I was in France, yung support ng Pilipinas, nandun. When I came back the first time, sobrang grabe! Tapos one time na bumalik ako sa Pilipinas, sabi nila, 'Alam mo, bumalik ka na doon, ipakita mo sa kanila.' So, by next year, promise ko, I will do something outside the Philipppines again," says Billy Crawford.

Photo: Nerisa Almo

Sa presscon ni Billy Crawford para sa 25 B.C. concert niya last Wednesday, August 25, sinabi niya na babalikan niyang muli ang kanyang international singing career, partikular na sa France at iba pang parte ng Europe. Pansamantala muna siyang mawawala sa bansa at iiwan ang kanyang career dito sa Pilipinas.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Billy kung na-miss ba niya ang international scene?

"Ang habol ko naman actually is not fame, it's actually the accomplishment," sabi niya. "You know, when you try something and it works, you go with it. And when you're at the top, you can only go down. When you're No. 1, wala kang ibang pupuntahan, e. So, it's a start program again.

"Pero ako, never akong nagsabi na I stopped my international career. There's always the right time and the right moment to actually do something outside of the Philippines.

"Napansin ko minsan, when I was in France, yung support ng Pilipinas, nandun. When I came back the first time, sobrang grabe! Tapos one time na bumalik ako sa Pilipinas, sabi nila, 'Alam mo, bumalik ka na doon, ipakita mo sa kanila.' So, by next year, promise ko, I will do something outside the Philipppines again.

"Mahirap mag-continue ng career kapag wala ka sa bansa. But, babalik ako within next year. March, pabalik-balik ako. May priorities din ako dito, so lalabas ko yung album ko, magpo-promote ako ng album."

Dagdag ni Billy, "Saka from what I hear sa mga kakilala ko dun, kilala pa rin ako. I went there nang nag-tour kami ni Sarah [Geronimo], nilalapitan pa rin nila ako. Actually, mas maganda nga yung nawala ka kasi masasabik sila, e. Tinatanong nila kung ano ba ang ginagawa ko ngayon. Updated sila sa Pilipinas Got Talent na nabalitaan nila na, 'Uy, he's hosting in the Philippines.'

"Sa kanila, iba yun. Sa akin, it was like 'andito ako sa bahay ko, di ba? So, sa awa naman ng Diyos, tingnan na lang natin siguro, pag-usapan natin pag lumabas na ang album ko pagbalik ko dito."

Marami ang nagsasabi na kapag naging successful ang isang artist abroad ay maaari namang tumamlay ang career niya sa bansa. Napaghandaan na ba ni Billy ang posiblidad na ito?

"I think sa Philippines, susuportahan ka pa rin naman, e. Malaki naman ang Pilipinas. Si Arnel [Pineda], matagal ding nawawala minsan because he's with Journey. Pero pagbalik niya dito, mainit pa rin ang pagtanggap ng mga Pinoy sa kanya just like Charice. So, it's the same thing.

"I think dito, pag nakuha mo naman ang puso ng mga Pinoy, nandun yung assurance na hindi ka nila papabayaan at kakalimutan."

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Sa balak ni Billy na balikan ang kanyang international music career, ibig ding sabihin nito ay panasamantalang iiwan ni Billy ang kanyang girlfriend na si Nikki Gil. Sa palagay kaya ng Fil-Am singer ay magwu-work ang long-distance relationship sa kanila ni Nikki?

"It will be still going strong like people in love. Dalawang buwan akong nawala na kasama si Sarah, pero never naman siyang nagreklamo," sabi ni Billy.

Parehong busy sina Billy at Nikki sa kani-kanilang TV and singing careers. Hindi ba nagiging problema sa kanila ang oras na siyang kadalasang rason kung bakit nanlalamig at nauuwi sa hiwalayan ang isang relasyon?

"Kung mahal mo ang isang tao and you really love your relationship, gagawa at gagawa ka ng paraan na mag-work ang oras ninyo para magtagpo kayo and para mag-work yung relationship."