news

Luis Alandy explains his decision to get a new manager

by Rose Garcia posted on September 1, 2010  STATS: 15242 Views | 14 Comments

 

"Parang nakita ko lang na it's not really growing. Hindi na kami magkasundo sa direksiyon na pinupuntahan," says actor Luis Alandy about his decision to change his manager.

Photo By: Paul Mata

Nagulat ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang members of the press nang makita si Luis Alandy kasama ang talents ni Noel Ferrer papuntang Enchanted Kingdom noong Linggo, August 29. Ang pagkakaalam kasi ng lahat ay nasa pangangalaga pa rin siya ng talent manager na si Arnold Vegafria.

Pero paliwanag ni Luis, "It's been a year na I've been talking to Arnold. For finding a way na, you know, parang tinatanong ko sa kanya, 'What are the plans that you have?' Nagbigay naman siya ng plans. Although very thankful ako sa kanya sa mga nabigay niya for the past five years. Pero in-explain ko naman sa kanya, nag-usap naman kami nang maayos that I want to be released under his management, and okay naman sa kanya. 

"Nag-usap naman kami. Sinabi ko sa kanya na, 'Thank you for everything. Lahat ng naitulong mo.' Kung hindi rin dahil sa kanya, wala rin ako. Parang hindi rin ako mabibigyan ng ganoong project sa GMA. So, yun lang. Parang nakita ko lang na it's not really growing. Hindi na kami magkasundo sa direksiyon na pinupuntahan."

Kuwento pa niya, "Mga June yata, nagpunta ako sa office niya. Sabi ko, 'Is it possible if we could end the management?' Sabi naman niya, 'Of course.' Tinanong niya, 'Bakit?' Ini-explain naman. Yun, nagkasundo naman kami and we had a very good talk about it."

Maayos ba ang naging paghihiwalay nila ng dating manager?

"I believe so, I believe so. Maayos naman," sagot ni Luis.

More on verbal agreement lang daw sila ni Arnold from the start at wala silang written contract. Para kay Luis, due respect lang na magkausap sila nang maayos kahit wala silang written contract.

Nilinaw rin ni Luis na noong nagpaalam siya sa dating manager ay wala pa siyang kausap na bagong manager na hahawak sa kanya.

"Si Noel naman kasi, I've known him since ABS days. Tapos yung isang friend ko, si Joaquin Valdez, he's the manager also. Si Marco [Alcaraz] naman, parang kapatid ko rin. So, nag-usap kami. Parang second wind na rin. It's a new direction for me under Noel. Parang thankful ako na yung trust na ibinigay niya sa akin."

Hindi kaya isiping si Marco ang nag-influence sa kanya na umalis sa poder ng dating manager at magpa-manage kay Noel?

"A, hindi!" sambit ni Luis. "Actually, yung kay Sir Noel, tinanong lang niya kung gusto akong tulungan. But at that time, may mga kinakausap na rin akong iba. Pero yun nga, sabi ko, parang kapatid na rin since magkakasama na rin kami nila Marco at saka si Joross [Gamboa]. In a way, naisip ko rin na maganda rin na magkakasama, parang pamilya."

Yung pag-alis niya sa dating manager, walang influence yun ni Marco?

"A, hindi. Actually, ako yata ang mas nauna na nagsasabi... Sobrang nagulat lang din ako noong nauna pa si Marco," nakangiti niyang sagot .

VILLAIN ROLES. Lately, mga kontrabida roles ang madalas naibibigay kay Luis sa mga nagdaang teleserye niya sa GMA-7. Now that he's under Noel's management, ano naman ang mga plano nito para sa kanya?

"Right now, medyo naging stagnant ang career ko dahil nga sa change of management," pag-amin niya. "Ang hirap ng transition, e. Of course, sanay na sila na si Kuya Arnold ang kokontakin siyempre.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  aleyah

    09/03/2010 | 11:49 AM
    I like Luis... he is a very good actor.... sana bigyan sya ng good roles and more projects ng GMA 7.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  sakanalovelife

    09/03/2010 | 07:36 AM
    basta may work at dika nasisira bilang tao,,ok na iyon,mag ipon at malalim na relasyon sa dyos,,,yun lang iyon,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  sakanalovelife

    09/02/2010 | 05:59 PM
    tama yan luis,,trabaho at trabaho lang,mag ipon,,at focus,,wag kan pasisira,,,sa dami ng stars naman,,natural may mga bago at higit sa kanya,,,basta stay humble,nice at sincere sa tao,at magandang relasyon sa dyos,,yun ang importante,,,like ko din sina,TJ TRNIDAD,JOHN LOPEZ,EJ FALCON,JAKE RXOAS,ONEMIG BONDOC,KEVIN SANTOS,DEX QUINDOZA,VIVO QUANO,PRINCE STEFAN.TROY MONTERO,KC MONTERO,JON AVILA,WILL DEVAUGHN,RAFAEL ROSEL,JOVIC SUSIM,IVAN DORSCHER,JAMES REID,MIKEL CAMPOS,SERGIO GARCIA,TOM RODRIGUEZ,JAMES BLANCO,JAMES UY,,JOSE SARASOLA,MAT MENDOZA,ROBIN DAROSA,etc,..just work proffesionalyy,yun lang yun,,,i think,nega ang image ng manager mo,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  sakanalovelife

    09/02/2010 | 05:54 PM
    sabi ko na ang showbiz di para sa laha,,di lahat pweding sumikat ng major major,..nsa tao at stars ang pag angat nila,nasa ato ang pasya,,kung may star apil at talents ka,,saka if kung hindi ka magpapakasira,m...anumang pilit ng manage mo na pasikatin ka,kung ayaw ng tao sayo waal din,,saka,itong si arnold na ito parang unproffesional na manager ha,,parang mga talents nya nagkakawalaan,,dapat kase proffesionalism lang,,trabaho lang at dun lang yun,,walang anupaman,,kase magkakapera lang ang manager if gusto po ng tao ang stars,.ok,,nasa starr din yan,kaya umayos at maging role mdoel sa tao,.we love luis naman,,basta mahalaga jn mayw ork at nakakapg ipon ka,at inaayos mo ang life mo,,yun lang,,godbless..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  javakula

    09/02/2010 | 12:58 PM
    lenlenlen - luis is a very good actor. he has graced the tv screen with his great performance. he has a lot to offer but he was not being managed properly. kung magaling ang actgor, kahit gano katagal pa siyang walang project, pag binigyan yan eh kikinang at kikinang ang talent dahil meron siya nito at hindi lang pinipilit. I am sure na given the right projects under the new management, Luis will shine. Hindi siya ningas kugon dhil napakatagal na niya sa industriya. Go Luis....I am so proud of you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tagaamparoako

    09/02/2010 | 12:12 AM
    good actor. cute pa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shellphone

    09/01/2010 | 10:23 PM
    I like him magaling syang actor hindi

    lang nabibigyan more exposure.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lenlenlen

    09/01/2010 | 10:01 PM
    no need to explain,man. laos actors do that all the time. come on! we cant even remember who u are.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinaysausa

    09/01/2010 | 04:46 PM
    ...like this guy..magaling siyang umarte...i must say a good actor... pero ayaw bigyan ng lead roles ng GMA..hmmmmp!...good looking pa at may appeal huh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MARKY2000

    09/01/2010 | 04:32 PM
    He has good looks.Magaling na aktor.Pwedeng leading man pero mali lang yata ang manager na humawak sa career nya.Nag start sya sa youth oriented program sa GMA tapos nagmadaling sumikat kaya lumipat sa ABS pero wala ding nangyari kaya bumalik sa bakuran nang GMA.At least ngayon nabibigyan sya ng projects hindi katulad nung nasa ABS pa sya na itinengga lang sya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shobizaddict

    09/01/2010 | 03:37 PM
    sharonbruha:

    dati syang artist ng ABS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sharonbruha

    09/01/2010 | 03:28 PM
    sayang itong guy na ito. he has good looks. mahusay manamit. maganda ang taste sa mga isusuot. mahusay umarte. pero bakit walang projects. baka may attitude ka hijo. pakabait ka at huwag suplado. ayaw ng mga fans ang mga pa-sosyal sa showbiz. kahit sosyal ang gamit, huwag pa-sosyal ang ugali para dumami fans. ang GMA7 di masyado magaling mag-pasikat sa artista. ayaw masyado gumastos. sayang you could have been one of the prime leading men. pwede ka rin naman sa roles ni Mark Anthony Fernandez. dapat noon mo pa napansin na you're going nowhere.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • javakula

    09/01/2010 | 02:56 PM
    good luck Luis...nandito lang kami for you. hope to see you when you have a chance to visit cali with you mom and dad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • keepondreamin

    09/01/2010 | 02:47 PM
    tama.. good luck
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About