Mylene Dizon on second reconcilation with Ira Cruz: "I've always known na mahal ko naman talaga siya."

Mell T. Navarro
Thursday, September 02, 2010 @ 02:13PM  |  117238 views

 

 

"Ay naku, para kaming getting to know each other. Nakakatawa! Kasi, marami nang nagbago since naghiwalay kami five years ago. I'd like to believe na nag-mature ako, and I know na napansin ko kay Ira, he has matured a lot... So many things have changed and I think it's all good," says Mylene Dizon about reconciliation with Bamboo's Ira Cruz.

Photo By: Courtesy of TV5













"Wala pa kami sa stage na 'yan," sagot ni Mylene. 

Papaano naman papasok sa buhay niya si Paolo Paraiso, ang ama ng dalawa niyang anak?

"Once a month, may pumapasok na tseke!" tawa nito. "No, no, I'm just kidding... It's all part of, you know..."

Paano si Paolo kung may Ira na sa puso niya?

"Paolo will always be a part of our lives. Siya ang kalahati ng mga anak ko. Meaning, hindi siya mawawala and hindi ko siya dapat tanggalin.

"Gusto kong lumaki ang mga anak ko na kilala si Paolo as their dad and pinu-push ko talaga lagi na magkaroon ng relasyon ang anak ko sa ama nila. I'm not the kind of yung tipong, 'Ay, you can only see your kids once a month!' Yung mga ganyan, or 'MWF lang.' Walang gano'n. 

"Anytime you want! Magulang ito, e. Hindi mo puwedeng limitahin ang pagmamahalan ng mag-aama," saad niya.

Sa loob ng limang taong paghihiwalay at pagbabalikan nitong January 2010, sa palagay ba ni Mylene ay sila na talaga ni Ira ang itinadhanang magsama habambuhay?

"Ano sa palagay mo?" tawa nito. "Ako, masaya lang ako ngayon, e. Masaya lang talaga ako, yun lang ang masasabi ko."

Kay Ira na ba siya magpapakasal?

"Hindi ko nga masabi yung mga ganyang bagay, e. Mahirap magsalita ng mga ganyan. Ano, basta ngayon, masaya ako lang ako. Yun lang ang masasabi ko, ine-enjoy ko ito.

"Saka getting to know each other uli, e. After five years, alam mo, ang dami talaga nagbago. Akala ko dati, nung nagkabalikan kami, katulad ng dati na to be continued lang. Hindi. Parang bago kami."

Paano ang pakikitungo ni Ira sa dalawang anak nila ni Paolo?

"Si Ira, he loves kids. Gusto niya ang mga bata, so mahal na mahal niya ang mga anak ko. Maski na out of town ako at may trabaho ako somewhere, siya pa ang kusang magtse-check sa mga bata."

Ano ba ang kaibahan ng pagmamahal niya kay Pao at kay Ira?

« Prev  1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

43 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name