Nag-sorry si Nadine Samonte sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa pocket interview na ipinatawag para sa kanya ng GMA Artist Center kahapon, September 2, sa Executive Lounge ng GMA Network Center. Na-late kasi nang dating ang young actress dahil sa sobrang traffic sa EDSA.
Galing pa raw siya sa kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna. Nag-freshen up lang daw siya mula sa taping niya ng Endless Love sa Nasugbu, Batangas.
Sa Endless Love ay ginagampanan ni Nadine ang role ni Shirley, ang karibal ni Jenny (Marian Rivera) sa pagmamahal ng kanyang mga magulang (Tirso Cruz III at Sandy Andolong). Kaya biro agad sa kanya ay kung may nagalit o nanakit na sa kanya dahil sa labis na "pang-aapi" niya kay Marian sa soap.
"Hindi ko po alam kung nagagalit na sila sa akin. Hindi po kasi ako lumalabas ng bahay kapag nakauwi na ako mula sa taping. Ang nararamdaman ko lang, may mga hindi na namamansin sa akin!" natatawa niyang sabi.
Ibig sabihin, effective ang pagganap niya bilang Shirley, sabi namin. Nagpapasalamat naman si Nadine.
Kahit si Marian, nakakatikim na rin ng pananakit niya. Hindi ba nagagalit si Marian sa kanya?
"Nagsasabi naman ako bago kami mag-take kung ano ang gagawin ko at okey lang sa kanya. Pero minsan, 'yong eksena namin sa may swimming pool, bigla ko siyang binatukan na hindi ako nagpaalam sa kanya. Nag-sorry ako sa kanya pagkatapos. Hindi siya nagalit, kasama raw 'yon talaga sa eksena," saad ni Nadine.
Anong mangyayari sa character niya sa Endless Love?
"Lalong sumasama ang character ko!" natatawang wika ni Nadine. "Sana hindi magalit sa akin ang mga fans ni Marian. Ginagawa ko lang kung ano ang hinihingi ng script at sa ipinapagawa sa akin nina Direk Mac [Alejandre] at Direk Andoy [Ranay].
"Ngayon, tinuturuan ko po si Yumi [Bela Padilla] kung paano magpakamatay para mabaling ang atensiyon ni Kuya Johnny [Dingdong Dantes] sa kanya."
Biniro rin si Nadine dahil sa kissing scenes nila ni Dennis Trillo sa Endless Love. Nagpaalam ba siya sa girlfriend ni Dennis na si Jennylyn Mercado, na kaibigan at ka-batch ni Nadine sa StarStruck?
"Naku, friend ko si Jen, hindi na ako kailangang magpaalam!" nakatawang sagot ni Nadine. "Na-take two nga ang eksenang 'yon na hinahalikan ko siya. Noong una kasi, dinadaya-daya ko, pero ayaw ni Direk Mac. Kailangan daw totoo, kasi ako ang nagse-seduce kay Andrew [Dennis]. Ngayon, ako naman ang ginagamit ni Andrew para pagselosin si Jenny."
Nasa week nine na raw ang tini-taping nila, pero tatagal ang Endless Love hanggang week 14, at matatapos ito sa October 15.
MARIAN VS. BELA. Naging maingat naman sa pagsagot si Nadine nang tanungin siya kung may tension nga ba sa set ng Endless Love dahil sa issue kina Marian at Bela Padilla, na gumaganap bilang Yumi, girlfriend ni Johnny (Dingdong). (CLICK HERE to read related story.)
"Actually, sa lahat naman ng set, nagkakaroon talaga ng tension," sabi ni Nadine. "Hindi ko nga alam kung may issue nga sa kanila.Kung mayroon man, wala akong pinaniniwalaan sa mga issue sa kanila.





On this starlet Bela - she is doing a wrong move and should advise her manager, Claire dela Fuente - not to use Marian as a stepping stone para lang pagusapan dahil kukuyugin siya, hindi ni Marian, but all the millions of fans of Marian all over the world, hindi lang sa Pinas.
I learned that when she was with Kapamilya, dami rin niyang nakabangga doon, at ngayon naman sa Kapuso at si Marian pa ang pinili nilang gamitan.
May kayabangan itong isang ito. Palibhasa may pagka duling---di ba may kasabihan: ang taong duling, walang gawang magaling!
Umayos ka Bela, kung di sa kangkungan ka dadamputin...di ka pa sikat, lulubog ka agad!
I'm not a fan of Bea pero if I am, nakakainsulto na kino- compare sya sa isang baguhan na manggagamit at mas maganda naman si Bea Kay Bela dahil makinis ang mukha nya kaysa sa huli at Hindi makapal magmake up si Bea...
Sino nga ba ang mukhang 19 and 26? Di ba Marian.... heheheheh
I'm very proud of Marian, hindi pinapatulan ang isang katulad ni Bela....
kasi ang october 11 ang 16th week nya at ang october 15 na pagtatapos nila ay friday...week 16.....
Aping-api naman sa iyo si marian hindi mo naman talaga sya kilala para husgahan mo sya. Bakit johnkarlo masama bang maging totoong tao sa mundong kanilang ginagalawan? Ang pagiging totoong tao ba eh katumbas ng pagiging masamang ugali? Wala atang laman ang utak mo lagyan mo naman ng kahit konting laman ng hindi umaalog?
IF there's any hint of truth in this Marian-Bella kerfuffle ie. it's all about jealousy, then this is inexplicably annoying. Jealousy over a man? It equates to low self-esteem. Not a good trait to have.