Nadine Samonte will side with Marian Rivera if rumored rift with Endless Love co-star Bela Padilla is true

Nora V. Calderon
Friday, September 03, 2010 @ 02:44PM  |  55266 views

 

"Hindi ko po alam kung nagagalit na sila sa akin. Hindi po kasi ako lumalabas ng bahay kapag nakauwi na ako mula sa taping. Ang nararamdaman ko lang, may mga hindi na namamansin sa akin!" says Nadine Samonte about the reaction she gets to her role as Shirley in Endless Love.

Photo By: Noel Orsal













"Close ako kay Marian dahil matagal na talaga kaming magkasama, simula pa nung Super Twins. Nasundan pa ito ng Marimar at Darna. Bale ito [Endless Love] na ang fourth project naming magkasama."

Si Marian, may naikukuwento ba sa kanya?

"Meron din, pero between friends na lang 'yon," sagot ni Nadine.

Kung sakali ba na magkaroon talaga ng issue kina Marian at Bela, sino ang papanigan niya?

"Siyempre kay Marian ako kasi mas kilala ko siya. Wala kaming problema, mabait siya sa akin," diretsong sagot niya.

Hindi ba niya puwedeng maging friend si Bela?

"Puwede, pero hindi ko pa kasi siya masyadong kilala. Sa eksena lang kami nagkakasama."

NADINE'S LOVELIFE. Kinumusta rin kay Nadine ang lovelife niya.  Kailan ba sila magpapakasal ng non-showbiz boyfriend niyang si Emerson Chua?

"Hindi pa rin namin napag-uusapan ang kasal. Pero totoo po, sa akin, na gusto ko by 2012, magpakasal na kami," sabi niya.

Nagpapatayo na raw ng bahay si Emerson para sa kanila?

"Hindi po, wala pa pong ganoon," tanggi ni Nadine. "Ako po,  tinatapos na ang condo unit ko sa may Ortigas Center. Kapag natapos na 'yon, lilipat na kami doon. Mahirap din po sa akin kapag nasa Sta. Rosa ako, tapos nasa Manila ang trabaho ko.

"Wala po kasi akong driver, ako ang nagda-drive ng car ko. Every Wednesday lang ako may driver dahil libre ang driver ng boyfriend ko at ipinahihiram niya sa akin."

Bakit nga ba hindi siya kumukuha ng driver?

"Ewan ko po ba. Kapag may driver po ako, lagi akong naaaksidente. I feel safe po kapag ako ang nagda-drive," paliwanag ng young actress.

INHERITANCE. Biniro rin si Nadine kung natanggap na niya ang kanyang mana mula sa grandparents niya sa Germany, at magkano ba ang aabutin nito. Iyon ba ang dahilan kaya siya pumunta ng Germany last year?

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

77 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name