Sa kabila ng pagkaka-link kay Angel Locsin sa CNN Hero na si Efren Peñaflorida at sa lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, consistent ang aktres sa pagsasabing pagkakaibigan lamang ang namamagitan sa kanya at sa mga ito.
Unti-unti ring namatay ang isyu tungkol sa pagpapalitan daw ng sweet messages nina Angel at ang ex-boyfriend na si Luis Manzano sa kanilang mga Twitter accounts.
SOFTENED STANCE. When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Angel noong press visit sa Imortal set last week, kinumpirma ng aktres na matapos makipag-break kay Luis ay hindi pa siya muling nag-e-entertain ng suitors. Pero di niya ikinaila na hindi pa rin nawawala ang espesyal na nararamdaman niya para sa ex-boyfriend.
"Wala naman akong ibang dineyt, di ba? Di ko alam sa kanya, hahaha! Sa akin naman kasi, kung may nilabas man siya o wala, wala na ako dun kasi wala na naman kami. Gusto ko rin naman na maging masaya siya. Naging usapan namin yun dati. Sabi ko sa kanya, "Labas ka sa ibang tao, baka makita mo yung happiness mo dun.' Siyempre, mahal ko si Luis, gusto ko siyang maging masaya. Ewan ko nga kung bakit napunta siya sa akin uli.
"Di ko naman ito pinili, ayoko lang magsayang ng oras. Kung wala ka namang nakitang spark, first time mo pa lang nakita, bakit mo naman sasayangin ang oras ko at ang oras niya? Ayoko kasi mang-trip ng tao, parang date-date lang. Puwede akong makipagkaibigan pero ayokong magpaasa."
Tinanong namin si Angel kung ano ba ang ginawa ng ex para lumambot uli ang loob niya.
"Sa akin kasi, di importante ang mga malalaking bagay or big suprises. Kung ano ang maliliit, yun ang nagma-matter sa akin. Yung maliliit kasi na yun, pag nag-ipon-ipon, lumalaki. Pero siyempre... 25 na ako, ayokong lokohin ang sarili ko, 'Heto na yung guy!' Kailangan ko rin namang pakiramdaman ang lahat."
"Basta tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari. Kung maging kami, okay, pero kung hindi naman, at least naging magkaibigan kami."
SWEET TWEETS. Nalaman sa pagpapalitan nila ng messages sa Twitter na lumabas na pala silang dalawa, pero kasama ang mga kaibigan nila.
"Oo, lumalabas na kami, I won't deny that. Di naman siyempre naging ganun kadali sa akin yun, di ba? Lalo na iba ang iniisip ng tao sa amin. Walang-walang nakakaalam kung bakit kami nag-break. Ayoko na ring pag-usapan yun, tapos na yun. Pero siyempre, pag ganung breakup, kahit sabihin mong may pakialam ka sa isang tao o mahal mo, siyempre may pagkabitter-bitter ka rin talaga, di ba? Di ako magpapaka-plastic—medyo nawala na yun. Wala nang babalikang mga issues, di na namin pinag-uusapan yung mga dati.
"Sobrang na-miss ko yung mga friends niya kasi napamahal sa akin ang mga yun, sobrang close sa akin ang barkada niya. Nag-dinner kami minsan kasama ang mga friends niya, natuwa ako, sobrang happy ako.
"Ang sa akin lang, pag nagkikita kami, napapangiti ako. Pero ayoko pa ring magsalita nang tapos kasi mahirap. Basta ngayon, I'm happy kung anuman ang sitwasyon namin. Kung kami naman, aaminin ko. Pero sa ngayon, dito na muna ako, steady lang, relax lang."
Sa magandang nangyayaring ito kina Luis at Angel, tiyak daw na isa sa sobrang matutuwa ay si Gov. Vilma Santos na botong-boto sa aktres para sa anak.
INTRIGUING SEQUEL TO LOBO. Abala ngayon sa taping ng Imortal si Angel, kunsaan kasama niya si John Lloyd Cruz. Ayon sa aktres, dapat abangan ng publiko itong fantaserye dahil kahit sequel ito ng Lobo (2008) ay kakaiba daw ito.
"Ako dito si Liya Ortega, anak ako dito nila Lyka at Noah. Continuation ito ng Lobo pero kung akala n'yo alam na ninyo ang istorya kung nasubaybayan ninyo ito before, magugulat kayo kasi bago ang ipapakita namin sa inyo.






idolet mo war freak pala.
Siempre sa Mosbeau ako kasi mahal ang worth kesa jan sa maxi peel na binibili ng mga tsimay like you para pumuti kasi walang mga pera......
Apo daw ni ali sotto, yan rumor mongering, pero ang anak na 5 years old na tinatago sa gen. trias, cavite, anong tawag jan... The Hidden Factor???????????? hihihih.... si karung, pilit binubuhay ang patay na isyu, yung buhay dapat ang buhayin mo hihihi.....ano ka ulyanin?
Kung sikat ang idolet nyo, wala na sanang flop na show...box office sana lahat ang movies pero never na nangyari...kacheapan talaga!!!
mina-murder nyo c angel...gumaganti lng kami!!! gantihan lang yan pipol!
mamatay na ang may multi-username d2 sa pep...
aminin mo na kasi na endless flop ang show ng idolet mong psychotic!!!
pano c Marian kc:
1. palengkera
2.mang aagaw ng bf
3.hindi marunong mag english
4.napakaselosa
5.bully;remember bela?
6.mayabang, akala mo hihinto ang buhay shobis pag nawala sya
7.sobrang sama ng ugali nya;may nanay bang itinatatwa ang sariling anak?
8.violent
kulang na lng basagulera c Marian...
hinahanap ni inday ang kalinga mo ngayon...