In Albert Martinez's full-length directorial debut, Jennylyn Mercado portrays a liberated woman in the 1920s who revels in her many affairs. "Mahirap na masarap" is how Jennylyn describes the role.
Jennylyn Mercado plays a woman ahead of her time in period film Rosario
Sunday, September 5, 2010
05:31 PM
Rating
Parang bumalik ang entertainment press, kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 1920s, nang dalawin nila ang set ng period movie na Rosario, sa isang malaking mansyon sa Forbes Park kahapon, September 4.
Isang party scene iyon sa pagbabalik ng bidang si Rosario (Jennylyn Mercado) mula sa Amerika, at costume to the max ang lahat ng mga characters, ang buong cast at ang kanilang mga special guests.
Sa aming palagay, ang Rosario, na produced ng Cinemabuhay at first full-length directorial job ng actor-producer na si Albert Martinez, ang unang matatapos sa eight entries ng darating na Metro Manila Film Festival. Two shooting days na lang at tapos na sila.
LIBERATED WOMAN. Tumanggi pala muna sa mga offers si Jennylyn Mercado habang ginagawa niya itong Rosario, na original ang screenplay isinulat ni Elmer Gachalian.
"Nang tanggapin ko po ito, nag-decide akong huwag munang tumanggap ng bagong soap, after ng Gumapang Ka Sa Lusak namin ni Dennis [Trillo] sa GMA-7, at mag-concentrate muna sa movie," sagot ni Jennylyn, nang makausap namin habang nagpapahinga siya sa isang malaking receiving room ng mansion.
"Kahit po ang Party Pilipinas ay hindi ko na rin napupuntahan kahit every Sunday lamang iyon. Thankful nga po ako sa kanila na pinayagan nila akong hindi muna mag-report. Pero ngayong matatapos na kami, makababalik na po ako sa show."
Gaano ba kahirap ang role ni Rosario para ipagpalit muna niya ito sa bagong project niya sa GMA?
"Mahirap po na masarap," nakangiting kuwento ni Jennylyn. "Hindi po naman ako basta kinuha nila, nag-audition din ako, nag-script reading. Alam ko pong malaki ang expectations nila sa akin, kaya po inihanda rin nila ako sa role ko.
"Nag-attend ako ng workshops, nag-attend ako ng Spanish class dahil 1920 nga ito, may mga Spanish dialogues. Ang maganda lang dito sa movie namin, ang damit at buhok lang namin ang 1920s—maaga akong pumupunta sa set, kasi apat na oras po inaayos ang buhok ko—pero ang dialogues namin, modern times na.
"Isa pong liberated woman si Rosario. Kung hanggang paa ang damit ng mga babae sa Pilipinas ng panahong iyon, siya ay naka-mini na, hanggang tuhod ang length ng damit niya. Lumaki at nag-aral sa Amerika. Ang lakas ng appeal niya, lapitin siya ng mga boys, kung ano ang gusto niya nakukuha niya. Marami siyang nakarelasyon at may mga naging anak siya sa iba't ibang lalaki.
"Marami pong sensual scenes dito, siguro mga 30 to 40 percent ng movie, pero ang husay ni Direk Albert. Kapag pinanood mo sa monitor after ng take, hindi siya malaswa, very classy, may taste ang bawat scene."
THUMBS UP FOR DIREK ALBERT. "A very meticulous director," ang pag-describe ni Jennylyn kay Albert. "Pero ang husay po niya, tutok siya sa aming lahat, grabe ang haba ng pasensiya niya. Hindi mo siya narinig na nagalit o nagreklamo. It's an honor for me na naging direktor ko siya. Sana po maging direktor ko siya ulit."
Kasama rin ni Jennylyn sa Rosario sina Dennis Trillo, Isabel Oli, at Yul Servo.
Naitanong kay Jennylyn kung ano ang naging effect sa kanya nang magkaayos na sila ni Patrick Garcia at makita na sa wakas ng dating boyfriend ang anak nilang si Alex Jazz o AJ.
"Mas peaceful na po ang feeling ko, wala na akong iniisip, magaan na ang lahat," sabi ni Jen.
Nagkikita na ba silang madalas ni Patrick lalo na pag kinukuha nito si AJ?
"Hindi na po naman kailangang magkita kami kapag kinukuha niya si AJ. Kahit po naman wala ako sa bahay o kahit pa nandoon ako, ibinibigay naman si AJ ni Mommy Lydia kapag dumating siya sa bahay para sunduin ang bata."
KISSING SCENES. Sa shooting na lamang ba ng Rosario sila nagkikita ni Dennis?
"Hindi naman po, kasi six shooting days lamang si Dennis dito, at tapos na siya. Nagkikita pa rin naman kami kapag wala akong shooting at wala rin siyang taping ng Endless Love."
Ikinuwento namin kay Jennylyn ang pagbibiro namin kay Nadine Samonte sa kissing scene nito kay Dennis sa Endless Love.
- Jennylyn Mercado on almost bumping into ex-boyfriend Dennis Trillo at Golden Screen TV Awards: "Well, medyo may kaba ng konti, pero okay lang."
- Jennylyn Mercado and Luis Manzano almost bumped into Dennis Trillo at the Golden Screen TV Awards
- Jennylyn Mercado on Luis Manzano announcing they're now an item: "Hindi rin ako handa!"
- Jennylyn Mercado admits relationship with Luis Manzano is now "formal"; confirms Patrick Garcia has non-showbiz girlfriend
- Jennylyn Mercado on involvement in rumored separation of Raymart and Claudine: "Nakakahiya, nakakahiya talaga."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Kris Bernal and Mark Herras reunite in afternoon soap
- Nancy Castiglione on Vicki Belo and Hayden Kho Jr. split: "I don't really know what's going on."
- MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares on the new SPG rating for TV
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
- Mikael Daez keeps his shirt on in new series
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
PEP Finder
Sharmaine Suarez says showbiz will always be her home
After seven years, Sharmaine is back to acting.
-
Homes and Family
Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
She says her initial plan was to get pregnant two years after her wedding, but she realizes, "God's time is the perfect time."
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

