Naging mainit na usap-usapan ang tungkol sa diumano'y pagbi-break nina Gerald Anderson at Kim Chiu, kahit na nga hindi pa umaamin ang magka-loveteam na naging magkarelasyon nga sila.
Sa mahabang panahon, walang narinig na paliwanag mula kina Gerald at Kim tungkol sa isyung ito. May lumabas pa ngang balita na diumano'y umiwas ang dalawa na ma-interview nang one-on-one ng mga press sa isang product launch na dinaluhan nila kung saan sila mga endorser.
SPECIAL RELATIONSHIP. Finally, binasag na ni Gerald ang kanyang pananahimik at nagpa-interview kay Boy Abunda, na ipinalabas sa The Buzz kahapon, September 5. Dito ay isa-isang sinagot ni Gerald ang mga intriga sa kanila ni Kim.
Una munang tinanong ni Boy ay kung ano ba ang namagitan o namamagitan sa kanila ni Kim?
"Sa amin ni Kim Chiu, wow...paano ko ba sasabihin ito? Tito Boy, sa simula pa lang ng career ko, I was always open and vocal ako sa nararamdaman ko para kay Kim. Opo, nagkaroon po kami ng isang special relationship. We cared for each other. We were there for each other.
"Nagkaroon ba kami ng commitment? Hindi po. Hindi po kami boyfriend-girlfriend, but we had a special relationship," rebelasyon ni Gerald.
CAREER OVER LOVELIFE. Inamin ni Gerald na pareho nilang pinili ni Kim na mag-concentrate sa kanilang careers, at ang naging kapalit ay ang itinuring ni Gerald na special relationship.
"Na-realize namin na ang priority namin ngayon is our careers. Trabaho po namin."
Inamin niyang nakaramdam sila ng pressure dala ng malaking expectation ng mga tao sa Kimerald loveteam.
"Na-realize namin na bata pa kami. I'm only 21, si Kim 20. Pero tingin ng iba sa amin, para kaming mag-asawa na. Sabi namin, 'Ha? Sandali lang, sandali lang.' Ang dami pa namin gustong ma-explore, ma-discover, ma-experience na kami lang. Para sa personal life namin, para mag-grow kami. Lahat on TV and behind the camera," paliwanag ni Gerald.
ISSUES ON SEPARATION. Ipinagtanggol naman ni Gerald si Kim sa issue na dahil sa diumano'y breakup nila ay sinaktan daw ni Kim ang kanyang sarili o nag-attempt itong mag-suicide.
"Kilala ko po si Kim. Kayo po, yung mga viewers, mga fans, yung mga audience, kapag napanood n'yo si Kim sa isang interview, nakikita nila isa siyang masayahing tao. Isa siyang bubbly person. Hindi magagawa ni Kim yun [saktan ang sarili]. She has so much to look forward to. Maraming nagmamahal sa kanya. And mahal niya ang mga kaibigan niya. Mahal niya ang career niya. Mahal niya ang pamilya niya. She loves herself."
Ano naman ang comment niya na dahil sa diumano'y paghihiwalay nila ay hindi na sila magsasama sa trabaho ni Kim?
"Imposible yun. Tito Boy, four years po kami," sagot ni Gerald. "'Eto po kami [pinagtabi ni Gerald ang kanyang dalawang kamay bilang simbolo ng kanilang closeness]. Four years po kaming magka-loveteam. Sa mga fans, sobrang faithful po kami sa lahat. Sabihin natin in the future may mga projects kami na hindi kami magkasama. But hindi po ibig sabihin na hindi na kami magsasama."
Sa katunayan nga raw ay mayroon silang pagsasamahang pelikula.






naniniwala naman ako sa balitang gerald-bea. ichineka to sa akin few days ago nagulat pa nga ako..di ko inexpect...oh well, kung saan sila masaya
Kaya move on na lang lahat. Para sa akin din move on na rin ako. Good bye na din Gerald Anderson. Tama na ang drama drama dyan total sikat ka naman na at mayaman na di ba? Focus na lang ulit ako kay Kim Chiu alone!!! Sana nga magkaroon sya ng projects with another actors naman. Go Kim Chiu!!!
at itong si gerald, syempre mag-iilusyon ang mga fans na kayo magkakatuluyan dahil pinaniwala mo silang ganun ang intensyon mo. ngayon at kumita ka na at sumikat, sila pa ang masama sa paningin mo. inilagay mo sila sa balag ng alanganin. ngayon siguradong panay panlalait sa kimeralds ng ibang fans. kawawa naman ang mga fans ngayon siguradong binabakbakan ngayon dun sa pex hehe! Wala naamn masama kung kayo ni Bea. Maganda si Bea, kaya pangatawanan mo sya noh!
Move ON
Move Forward.
Up Up Up KimChiu!
obviously, iba ang aura nilang magkasama kasi napipilitan na lang. For me kim,did something na di nagustuhan ni gerald, baka nagcoconfide yan sa mga executives ng kimerald kaya warfreak na warfreak ang dating ng mga fans ni kim.
Huwag na kayong masyadong magpadala sa loveteam, kaya grabe makareact kung lumabas na ang realidad.Naniniwala ako na naging best of friends talaga yan si gerald at kim, 4 years silang magkaloveteam at they care for each other.
Kung naging magsyota si gerald at kim, imposibling hindi idetalye ni kris aquino.
may lumalabas lang na mga balita na naging magsyota na si kim at gerald ay dahil na rin sa mga fans. ang bilis ng conclusion.