Ronnie Liang defends himself against negative issues


 
"As far as I know, wala po akong natatandaang naging mahirap po akong kausap. As far as I remember rin, naging professional ako sa lahat ng work ko," says Ronnie Liang about rumors that he has an attitude problem.

Ronnie Liang defends himself against negative issues

Mell T. Navarro

Rating

Kamakailan lang ay nagbago na ng business manager ang balladeer singer na si Ronnie Liang. Mula sa former manager niyang si George Roca, ngayon ay under ALV Talent Circuit na siya kunsaan president si Arnold L. Vegafria.

 

Sa isang pakikipanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ronnie, inalam namin sa singer kung ano nga ba ang nangyari sa paghihiwalay nila ng landas ni George, at papaano naganap ang paglipat niya kay Arnold.

 

"Si Kuya George, ang dati kong manager, ay magpo-focus sa pagpo-produce niya ng indie films, kaya gusto niya akong i-transfer ng management. Si Kuya George din ang nag-transfer sa akin sa ALV and nag-consult siya sa Universal Records. Hindi na niya ako mabibigyan ng attention. Siyempre, malungkot dahil mula pa noon, bago pa ako napunta sa PDA," paliwanag ni Ronnie.

 

Kinumpirma naman ito ni George sa text message na ipinadala niya sa PEP: "I turned over the management of Ronnie to Arnold Vegafria peacefully, kahit until February (2011) pa ang contract niya sa akin. It is the best way for both of us so we can move on nang maayos."

 

Si George ang nasa likod ng success ni Ronnie from his roots sa isang singing contest sa GMA-7 hanggang sa pagpasok nito sa Pinoy Dream Academy (PDA) ng ABS-CBN.

 

INTRIGUES & ISSUES. Madalas, kapag umaalis ang singer o artista sa kanilang manager, laging may kaakibat itong intriga. In Ronnie's case ay naba-blind item pa siya. 

 

Marami ring negative issues na lumalabas tungkol kay Ronnie, gaya ng minumura niya raw ang dating manager. Ano ang masasabi niya rito?

 

"Yun pong sa pagmumura, hindi ko po siya minura. Kung sino man po ang tinutukoy nila. Alam ko po nagmumura ako, pero hindi ako nagmumura pertaining to somebody. Ang pagmumura is like a figure of speech. 

 

"Parang minsan, nakakapagmura ka sa situation, maybe because of the pressure... Nakakapagsalita ka ng hindi maganda but it doesn't mean na tinutukoy mo yun sa isang tao," paliwanag ni Ronnie.

 

Isa pang isyu kay Ronnie ay kapag daw may show siya at kapag humingi pa ng isang song at wala yun sa usapan ay sinisingil niya ito sa former manager niya. Totoo ba ito?

 

"As far as I remember, wala po akong natatandaan na nangyaring ganyan. As far as I remember, full support ako sa clients and producers, I help as much as I can para ma-entertain ko ang audience ko.... Let's move on na lang," sabi niya.

 

Anu-ano nga ba ang mga bagay na hindi nila napagkasunduan ni George upang humantong sa hiwalayan ang matagal nilang pinagsamahan?

 

"As far as I know, wala kaming hindi napagkasunduan ni Kuya George. Pero of course, sa isang relationship o sa isang samahan, sabi nga natin, wala naman pong perfect. Meron po talagang hindi pagkakaunawaan and naiintindihan ko yun, and I'm sure naiintindihan din yun ni Kuya George."

 

Totoo bang nag-try si George na ayusin ang problema nila, pero wala na talagang nangyari? Sa tanong kasi namin kay George kung ano talaga ang matinding dahilan ng hiwalayan, heto ang reply ng dating manager ni Ronnie: "There were things na hindi na kami nagkakasundo. I tried to patch up since May pa, kaso talagang wala nang pag-asa. Please, sa amin na lang sana ang detalye, para wala nang masaktan. Sa ngayon, we're moving on na."

 

Paliwanag naman ni Ronnie, "No, kasi like nung mga nakaraang linggo, nung tinurnover niya ako kay Sir Arnold, nagyakapan kami and we're okay... We're very okey. Meaning, magkaibigan pa rin kami. Sabi nga niya, kapag may kailangan ako sa kanya, tawagan ko lang daw po siya. Pag may kailangan daw po ako, 'wag daw akong mahiyang humingi ng tulong sa kanya.

 

"And at the same time, nagpapasalamat po ako kay Kuya George dahil without him, wala pong Ronnie Liang. Saan man po ako mapunta and ano man ang mangyari, hindi ko pa rin makakalimutan ang utang na loob ko sa kanya."

 

Paano niya lilinawin sa kanyang fans ang mga isyu sa kanyang may attitude problem daw siya at mahirap kausap?

 

"As far as I know, wala po akong natatandaang naging mahirap po akong kausap. As far as I remember rin, naging professional ako sa lahat ng work ko," sagot ni Ronnie.

 

Paano niya hina-handle ang issues laban sa kanya?

 

"This is showbiz, and nangyayari talaga yun," sabi ng singer. "Tao lang tayo na nasasaktan din, pero what's important is how we handle the issues."

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  3  4  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
25 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement