Bukod sa pagiging regular party jock ng Party Pilipinas sa GMA-7 at isa sa mga host ng showbiz-oriented talk show na Tweetbiz sa Q-11 (sister channel ng GMA-7), may isa pang show si Tim Yap, ang Trends By Tim Yap, na napapanood naman sa Channel V.
"We just finished our first season with Trends," masayang simula ni Tim sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "We're shooting na the second season. Airing of the show is three times a week—Sundays, Saturdays, and one weekday. It's in the afternoon, 1:15, 2:30, 3:30. Three times a day on Channel V."
Bukod sa pagiging busy host, panay rin ang pag-a-abroad ni Tim, pag-aasikaso ng kanyang charity works at iba pang social events. Kung kaya't minsan ay napabalitang may sakit siya sa lalamunan.
Mismong si Tim na ang nagkuwento ng kanyang current health condition.
"I have a cyst on my throat. It's a sakit ng mga host. Nagsimula ito, I guess because of my lifestyle. I speak loud in clubs. I host. I talk a lot. You know, lahat ng mga yun. So, baka minsan, naa-abuse ko rin ang sarili ko, ang ngalangala ko, sa kakasalita!" tawa niya.
Dagdag niya, "Lately, namamaos ako sa mga shows ko. Pagkatapos kong mag-host, namamaos ako. Nagugulat ako kung bakit ako namamaos. Hindi kasi usual, e. Kahit natutulog naman ako nang mabuti, namamaos pa rin ako," sabi niya.
May pain ba siyang nararamdaman minsan?
"Walang pain. Namamaos lang ako magsalita. Medyo hirap magsalita. Paos lang, gano'n, pero hindi naman painful, hindi naman. Hanggang sa pina-check-up ko na, kasi I feel I needed to na. So, nung pina-check ko, nalaman ko ngang there's something there."
Ano ang sabi ng doktor niya?
"Sabi ng doctor, I need to have an operation. But right now, I feel so good, I feel so okay, so I don't...it's not an urgent thing. I don't need to have an operation immediately. When I have the time, paplanuhin ko yun. Magpi-pre-tape ako ng mga segments, aayusin ko ang schedule ko."
So, hindi naman pala gano'n kagrabe ang sitwasyon ng kanyang throat?
"Hindi naman," sagot ni Tim. "The cyst is there lang. But the cyst is still an aberration, hindi ba? There's a cyst. So, mas maganda na ang maagapan bago pa may mangyari."
Manageable ba ang kundisyon niya?
"Yes, manageable siya. Actually, si Kris [Aquino], may ganito ring sakit minsan. Si Oprah [Winfrey]. We have this thing. Sakit siya ng mga host!" tawa ni Tim.
So, umiinom ba siya ng medications?






talaga? tsk tsk tsk. Basta Tim don't mind that Z-lister wannabe. wag mo na lang patulan yang baklang impokrita na yun.
Kung tutuusin nga eh mas ka-lait lait siya no! para siyang aso ni vicky belo. hala grabe kung bumuntot. Na-li-LIBRE daw kasi siya ni Lola Vicky eh. LMAO
Si DJ MO na lalaki kuno eh daig pa ang bakla sa panlalait. At least yung mga bakla, like Vice Ganda, pang-comedy lang yung panlalait. Itong si Mohan Gumatay, maninira ng kapwa makaasenso lang siya.
hmp!