news

Joey de Leon will have no problem working with Willie Revillame on the same network

by Rommel Placente posted on September 7, 2010  STATS: 335 Views | 83 Comments

 

 

"Wala akong magagawa. Desisyon 'yan ng management. Wala akong power para pigilan... Saka hindi ko naman pipigilan, trabaho 'yan, e. Siya [Willie] lang naman ang nagpapaalis ng tao, hindi naman ako!" jokes Joey de Leon about working with Willie Revillame on the same network, if it happens.

Photo By: Noel Orsal

Dalawa na ang bagong shows ng veteran comedian and TV host na si Joey de Leon sa TV5—ang game show na House Or Not at ang gag show na Wow, Meganon?!. Makakasama ni Joey sa Wow, Meganon?! ang comic DJ na si Mr. Fu.

Bukod sa shows niya sa TV5, napapanood din si Joey sa apat na programa ng GMA-7: Eat Bulaga!, Startalk, Mel & Joey, at Spin It! Win It!.

Ipinaliwanag ni Joey na wala siyang kontrata sa Kapuso network kaya naman malaya siyang nakakatangap ng shows sa TV5.

"Alam ninyo sa totoo, hindi ko itinatago, wala akong kontrata sa kahit anong network," sabi ni Joey nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Wow Megonon?! kagabi, September 6, sa Cravings Tomas Morato.

Dagdag niya, "Ang kontrata ko lang ay sa Startalk. Hindi ko pa yata naibabalik yung contract, e! Basta ang kontrata ko lang dun ay hindi ako puwedeng gumawa ng isang chismis show din. At hindi ko alam kung nakasulat din dun na hindi ako puwedeng lumabas sa ganoong klase rin ng show. Hindi ko maalala. Yun lang siguro.

"Hindi ako kumukontrata. Hindi kami sanay mula pa noon ni Vic [Sotto] na nagpapakontrata. Dalawang bagay ang hindi namin ginagawa ni Vic—ang mag-makeup saka magpakontrata!" natatawa niyang biro.

WILLIE REVILLAME. Napabalita noon na kukunin at bibigyan ng show ng GMA-7 si Willie Revillame pagkatapos mawala sa ere ang noontime variety show nitong Wowowee sa ABS-CBN.

Nang makarating daw ito kay Joey ay sumama ang loob niya sa Kapuso network. Kaya nagbalak daw siyang mag-resign dito. Iiwan na raw niya ang mga shows niya rito. Sa isang episode nga ng Startalk ay hindi rin siya sumipot.

Pinabulaanan naman ni Joey na magre-resign siya sa kanyang shows kapag pumasok si Willie sa Kapuso network.

Paliwanag niya, "Natiyempo lang na wala ako sa Startalk. Yun yung time na nagloloko ang tiyan ko for two weeks. Wala akong balak na mag-resign sa mga shows ko. Ang sarap-sarap magtrabaho."

Hindi rin naman natuloy na magkaroon ng show si Willie sa GMA 7. Pero sa TV5 ay tuloy na tuloy na raw ang pagkakaroon niya rito ng isang variety show, ang Wiling-Wili Kami, na mapapanood na raw simula October.

Okey lang naman daw kay Joey na makakasama niya na sa iisang network si Willie.

"Wala akong magagawa. Desisyon 'yan ng management. Wala akong power para pigilan... 'Saka hindi ko naman pipigilan, trabaho 'yan, e. Siya [Willie] lang naman ang nagpapaalis ng tao, hindi naman ako!" biro ni Joey.

Pero kung sakaling bigyan sila ng show together ni Willie sa TV5, tatanggapin ba niya?

"Malabo siguro ngayon kasi ang dami ko nang ginagawa na, e," sagot niya. "Me mga radyo pa nga akong iniisip ngayon, e. Baka mawalan na ako ng time sa ibang bagay. Bumalik muna siya. Mahirap, e, hindi pa nga siya bumabalik, e. Basta walang problema sa akin. Hindi naman ako ganung tao, e."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

83 Comments

  • 83  degdegpogi

    09/14/2010 | 05:45 AM
    k
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  pusotisipmo

    09/09/2010 | 04:26 AM
    wala ng paki ang tao kay wilie san man nya gustong mag work,,kase naging proffesional lang ang abscbn sa pag allow ng kalayaan nya bilang talent nila noon,sabi nga ng abscbn,if wilie wants to return someday sa abscbn as talent,ok lang,kase trabaho iyon at kung gutso nya at kung gusto ng mga tao padin,,yun lang,,work is work but never allowing power tripping at patatanggal ng work ang mga kasamahan,,joey is such a nice at matalinong tao,,mayabang nga pero still,ok ang ugali nya,,sino nga naman sya para pumigil kay wilie in case pumarito sa gma7,pero still,ayaw ng 7 ng sakit sa ulo na star,,kaya they refused him,wahahaha,,,,just work proffesionally po,,maging ehemplo sa tao lalo na yung mga host jan,,,ok,,godbless,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  fecatada

    09/08/2010 | 05:57 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  walau_we

    09/08/2010 | 05:42 PM
    who says pangit ang TFC ngayon... ang NOAH lng ang ayaw q but the rest eh ok nman at kaabang-abang talaga. morning show kaygandang umaga ok dn pati showtime sa tanghali. the rest nililipat q na. nagustuhan nmin ang ruby, agua, rosalka, pati impostor, now magkaribal n idol. kaabang-abang dn un k melai, wansapanataym. but sna un k angel n jl soon to come na rin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  pusotisipmo

    09/08/2010 | 03:39 PM
    e di ngayon nakita nyo na,,na dapat wag nyong ikumpara si joey kay illie,,sa attitude,talents at pagiging maayos na tao o buhay ay magka iba po sila,,,kaloka kayo,,ang layo ng agwat nila,,,mabuting tao si joey kahit may pagka mayabang magsalita,totoo syang tao kahit may pagka taklesa din,heheh,,hes asmart,proffesional at di sya nag popower tripping sa showbiz,,oo nga naman,bahala ang mgmt jan,basta sa kanya trabaho lang at dun lang iyon,,walang anupaman,,wala syang paki sa kung sinong ilalagay jan o ano,,keber!we all need work diba,,si wilie mayabang na namemersonal,mayabang na nakakasakit ng tao,mayabang na ewan,,mababaw na kayabangan,mayabnag man po si joey ,maayos naman pamilya nya at sarili nya o mga anak nya,,e si wilie??aber!!kayabangan sa materyal,dapat lang na palayain sya ng abcbn,,sakit sya ng ulo tlaga,,,kaloka,,just work proffesionaly po,,yun lang naman e,,...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  dulcinea

    09/08/2010 | 03:25 PM
    i've always admired joey's witty answers, super talented pa ...

    kung pagsasamahin man sila, naku may pikon lagi nyan! at malamang magre-rate ito, aabangan lagi ang patutsadahan o asaran nilang dlawa.

    hehehe ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  mpemason

    09/08/2010 | 01:29 PM
    Laki talaga ng difference nina Mr. Joey de Leon at willie. Dito pa lang kita na natin na pinagiisipan ni Mr. de Leon ang bawat sagot niya hindi tulad nung isa na mas mabilis magsalita kesa mag-isip. Again I am making an appeal to GMA 7 please spare yourself from future headache -- WAG KUNIN NA TALENT SI willie. YUN LANG!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  delightful15

    09/08/2010 | 01:13 PM
    Thank you FOXYPNAY for correcting ALVINDEL, he's misleading the other pepsters.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  noelle214

    09/08/2010 | 12:54 PM
    naawa ako ke willie,pero kasalanan nya masyadong mapagmataas, sana man lng nakuha kahit 1/4 ng pagiging witty at humble ni pareng joey de leon!!! lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  noelle214

    09/08/2010 | 12:52 PM
    idol tlga si joey de leon yahoo!!!! galing sumagot, matalino me lalim.......forever EB fanatic, panahon ko pa yan nagsimula, now ive an 8 y/o daughter, sya naman ang big fan ng EB....hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  foxypnay

    09/08/2010 | 12:24 PM
    Alvindel....

    Speak for yourself!!! What do you mean us here in US are still for Willie? If you are in love with that arrogant bastard then go ahead and shove him up your a.s.s. But don't ever claim that everyone in the US are dying to have him back because WE DON'T!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  alvindel

    09/08/2010 | 10:43 AM
    For us here in the US, FOREVER Willie pa rin kami.. At pag sa TV5 siya paano na kaya kaming mga taga dito sa ibang bansa hindi namang kasing yaman gaya ng dos at siyete ang singko...Mga taga Pinas please lang iparating sa TV5 na magkaroon na rin ng via satellite para mapanood namin ang aming IDOL na si Willie in fairness ang dami damin niyang fans dito dahil sa kaniyang kakaibang personality mayabang pero with sense naman siya eh.. Gets niyo ba mga haters....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  myrth

    09/08/2010 | 10:01 AM
    GRABE. BASTOS COMMENT NG NO.54.grabe.pwede namang magalit nagcomment ng ibang choice of words.BASTOS.PAGING TAGA PEP.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  Janiska

    09/08/2010 | 09:19 AM
    Guys watch muna kayo ng live stream ng GLEE at post kayo comments sa FB link nyo.... Parang di pa namention si Charice. Nasa Red Carpet sila at in interview live ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  stella28

    09/08/2010 | 09:14 AM

    Gosh Joey grow up ! Both of you and Willy are already that old/mature enough to indulge on such lowly antics of your stature.

    Bottom line .. learn to shut your mouth !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  rosazona

    09/08/2010 | 09:05 AM
    ok lang yan joey...di na maaabot ni willie ang narating mo...5 years lang yung dati nyang show back to square 1 na naman sya...ang isip nya revenge/return with a vengeance..masama yun

    di naman pagpapasaya ng tao iniisip nya e...kahit sya yun ang paniwala nya sa sarili nya..kasikatan ang iniiisip nya at the expense of poor people...

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  joanncabale

    09/08/2010 | 08:57 AM
    kaya ka love namin joey kasi matalino ka, talented pa.

    if i were GMA..wag kunin si willie..
    from GENERAL SANTOS CITY and proud kapuso
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  uno_ocho

    09/08/2010 | 07:42 AM
    yan ang tunay idolo :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  butlog

    09/08/2010 | 07:28 AM
    Mas gugustuhin ko na si Kris kesa kay willie na bastos. I am enjoying watching pwnw. Nagiimprove na minsan nga nabibitin ako. Solid tfc pa din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  Janiska

    09/08/2010 | 07:13 AM
    dakilangina: korek ka jan. Willie R. pa rin ang gusto kong mapanood sa noontime variety show. as of now, di kami nag wa watch ng local shows.... si willie r. ang hinahanap namin. Kung TV5 sya, okay lang... maski saang network sya, panunuorin namin si willie r.

    Prohibited: bleeeeeeeeeeh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About