news

Cherie Gil postpones New York vacation to play wicked stepmother in Grazilda

by Ruel J. Mendoza posted on September 9, 2010  STATS: 15454 Views | 25 Comments

 

"Masyado lang ako na-identify sa ABS-CBN. Noon pa naman may offer ang GMA-7 sa akin. Nagkakataon lang na kapag may role sila for me, natanggap ko na ang offer ng Dos. Minsan naman, wala ako sa bansa kaya they have to get somebody else," says Cherie Gil.

Photo By: Noel Orsal

Palipad na sana patungong New York City ang aktres na si Cherie Gil para bisitahin ang kanyang mga anak na nag-aaral doon at para ipagamot na rin ang kanyang lalamunan. Pero biglang dumating ang offer sa kanya na gumanap bilang wicked stepmother ni Glaiza de Castro sa bagong fantaserye ng GMA-7, ang Grazilda, kaya na-postpone ang kanyang pagpunta sa New York.    

Kuwento ni Cherie sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "I told myself na after Rubi sa ABS-CBN, last series ko muna 'yon kasi naka-set na ang lahat para sa bakasyon ko. But I finished pa my other commitments, like yung stage play na Master Class for a month. After no'n, tuloy na ako sa New York. I need na rin kasi na magbakasyon and to have my throat treated.

"But then this offer came and it was really so hard to give up. Maganda ang role, e. Kahit na kontrabida, which is always the case, may magandang twist ang Grazilda.

"So, I had to check with my doctor kung okey lang na ma-postpone muna ang pagpapagamot ko because I have to do this series. For one season lang naman. Mga three months. Pinayagan naman niya ako and he just gave me medicines to take. Nag-promise naman ako na after the series, aasikasuhin ko na ang throat ko."

SECOND SOAP WITH GMA-7. Ito pa lang ang second time na gumawa ng series si Cherie sa Kapuso network. Ang una ay ang Now & Forever Presents Dangal (2006) with Jennylyn Mercado and Dennis Trillo.

Bakit tinanggap niya ang role bilang Veronna dito sa Grazilda?

"Bakit naman hindi?" natatatawa niyang sabi. "Masyado lang ako na-identify sa ABS-CBN. Noon pa naman may offer ang GMA-7 sa akin. Nagkakataon lang na kapag may role sila for me, natanggap ko na ang offer ng Dos. Minsan naman, wala ako sa bansa kaya they have to get somebody else.

"This time, wala pa namang bagong offer ang ABS-CBN sa akin kaya I accepted Grazilda. Gusto ko naman na makatrabaho ang mga artista dito sa Kapuso network, di ba? For a change lang naman. I want to have this experience with GMA-7.

"I love working with new actors," sabi pa ng award-winning actress. "Mga aggressive kasi sila. They know na trabaho ito at natutuwa ako na very professional silang lahat. We all had fun doing the series.

Natuwa rin daw si Cherie sa script ng Grazilda. Akala nga niya ay makakasama siya sa fantasy world kunsaan naka-costume ang cast. Yun pala ay sa present world inilagay si Cherie.

"I thought kasi ako yung wicked stepmother sa mundo ng Fantasia. Kay Rio Locsin pala ang role na 'yon. Sa present world pala ako magiging wicked stepmother.

"Anyway, nag-request nga ako kay Direk Dominic [Zapata] na sana mabigyan ako ng chance na makapagsuot ng costumes. Titingnan daw niya kung paano magagawa 'yon.

WORKING WITH HER NEPHEW. First time ding makakatrabaho ni Cherie sa Grazilda ang kanyang pamangkin na si Geoff Eigenmann, na anak ng kapatid ni Cherie na si Michael de Mesa.

"In this series, hindi kami magkadugo ni Geoff. He protects Grazilda (Glaiza) na inaapi ko.

"Pero isa lang ang hiling ko, na hindi ko sasaktan physically ang pamangkin ko sa show. I can never slap Geoff. Hindi ko magagawa 'yon sa kanya. Puwede ko siyang sigawan or tarayan, but I can never make sampal.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

25 Comments

  • 25  pusotisipmo

    09/12/2010 | 12:35 AM
    we love her,,kase she knows how to carry herself at ang life nya,,siguro nga ,nadapa sya sa marriage nya pero sabi nya nga,,focus na lang sya sa mga anak nya now,,gusto ni cherie mas mlalim na relasyon sa dyos sa edad nyang yan,.at mapaayos ang paglaki ng mga anak nya,,trabaho lang tlaga sya kahit san pa mang network iyan wala syang paki,yan din ang advantage kapag matagal ka ng star sa showbiz,,kahit san pwedi kana,subok kana baga,proven kana lalo na sya magaling syang umarte tlaga,,shes smart,sensible,maayos,at hindi rin pashowbiz,simpleng babae,,.kaya nga noon medyo nairita sya sa mga kapatid nya kase daming naanakan,,buti nalang,lumaking mabubuting tao at magagaling ang mga pamangkin nya kina michael at mark,,diba,,lalo na si mark,,,we love u cherie,,,stay wid god,,at be a role model sa lahat,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  oneglobal

    09/11/2010 | 05:31 AM
    AND HOPE PINOY TV WILL AIR SURVIVOR PHIL TOO SO WE CAN WATCH IT TOO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  oneglobal

    09/11/2010 | 05:30 AM
    HOPE THE TIMESLOT HERE IN HAWAII WILL BE OK SO WE CAN BE ABLE TO WATCH IT EVERYDAY AND ALWAYS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  oneglobal

    09/11/2010 | 05:28 AM
    GRAZILDA IS A GENIUS JOB FOR FINE ACTRESSESS.THIS WILL SURELY TOUCH THE HEARTS OF FILIPINOS WORLWIDE...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  tuberong_tagalog

    09/10/2010 | 05:29 PM
    congrats sa cast and crew ng grazilda... all out ang promo ng GMA, even sa QTV 11 me plugging sila. pag di pa naman nag-rate nang todo-todo yan. welcome kay cherie and rio... finally, mapapanuod ko na kayo dito sa kapuso channel
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  idontknowmuch

    09/10/2010 | 09:27 AM
    12
    beall

    class A = ampalaya

    class b = bitter!

    lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  balluganggalla

    09/10/2010 | 07:03 AM
    I like her so much. Magaling na artista. Mataray kaya karesperespeto!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  chipie1187

    09/10/2010 | 03:13 AM
    wow katakot, haha... break a leg ms cherrie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  puckerlips143

    09/10/2010 | 01:52 AM
    naku magiging kawawa si grazilda nito ang galing pa naman maging kontrabida ni cherrie gil wicked pa naku po haha duguan nito si grazilda lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  wallflower

    09/10/2010 | 12:55 AM
    I love Cherie. Di kumukupas, magaling umarte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  kapusoglobal

    09/10/2010 | 12:03 AM
    GMA, gawa ng ng script as early as now.

    ipagsama sa isang soap sina.
    1. CLAUDINE
    2. MARIAN.
    3. MARICEL
    4. RICHARD GOMEZ
    5. CELIA RODRIGUEZ
    6. EDDIE GARCIA
    7. CHERRIE GIL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  kapusoglobal

    09/10/2010 | 12:02 AM
    maganda sana sa next soap nya after GRAZILDA..ipagsama ng GMA sa isang soap sina MARICEL SORIANO, RICHARD GOMEZ, CLAUDINE, MARIAN, CHERRIE GIL, EDDIE GARCIA, CELIA RODRIGEZ AND MARIAN RIVERA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kapusoglobal

    09/09/2010 | 11:16 PM
    nasa GMA na ang mga the best contravida in showbiz.

    1. eddie garcia
    2. cherrie gil
    3. jean garcia
    4. celia rodriguez
    5. katrina halili
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  beall

    09/09/2010 | 08:46 PM
    Class A na pala sa lagay na yan ang ABS?hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pabima

    09/09/2010 | 08:44 PM
    Si Cherie Gil hindi tumatanda.paseksi ng paseksi paganda ng paganda.Goddess talaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  robbiethompson

    09/09/2010 | 06:14 PM
    Buti naman GMA got CHERIE and RIO, ksi akala ko si JEAN at EULA na naman ang kontrabida sa GRAZILDA.

    Nice casting si Cherie at Rio in fairness sa GMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • abscbn14344

    09/09/2010 | 05:40 PM
    sayang lumipat siya ng gma kasi kaming class A kapamilya hindi na makapanood sayo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rmel_kapuso

    09/09/2010 | 05:15 PM
    at certified orig... i-recalled an interview na siya pala mismo nagdagdag ng sequence na yan sa movie nila ni sharon na bituin walang ningning...astig di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rmel_kapuso

    09/09/2010 | 05:13 PM
    I agree with everyone.... Ultimate Kontrabida...Kontrabida with Class... tingin pa lang nya parang lalamunin ka na..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ordinaryblue

    09/09/2010 | 05:06 PM
    The Legendary Kontrabida...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About