"Without a doubt, there have been times where I have been maybe a bit careless sa mga binibitiwan kong salita, at maaaring there have been times na kung saan I have been misinterpreted. But after 30 years [in showbiz], I would like to think na mas nagiging conscious ako and it comes with more respect pagdating sa dealing with the members of the press," says Edu Manzano.

Photo: Courtesy of GMA-7

Matapos ang ilang buwang pamamahinga sa showbiz dahil sa kanyang pagtakbo bilang vice-presidential candidate, pero hindi pinalad na manalo, balik-showbiz na si Edu Manzano.

Nagbabalik siya sa pagho-host, ngunit hindi na sa ABS-CBN kung saan siya identified for several years, kundi sa GMA-7 kung saan talaga siya nagsimula. Balik-Kapuso nga si Edu sa pagho-host niya ng bagong game show na Asar Talo Lahat Panalo!, na mapapanood na sa GMA-7 mula Lunes hanggang Sabado, bago mag-Eat Bulaga! Magsisimula ang Asar Talo sa September 18.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa presscon ng Asar Talo kagabi, September 9, sa Annabel's restaurant, T. Morato Ave., Quezon City. Kitang-kita nga ang excitement ni Edu sa kanyang muling pagharap sa entertainment press at sa pagsisimula ng kanyang bagong show.

"Excited na ako!" sambit ni Edu. "Nakapag-tape na kami ng ilang episodes at nakita namin kung saan patungo yung show. Masaya naman."

Nanibago ba siya sa muling pagsabak sa hosting?

"In the beginning," tugon ni Edu. "Kasi nandun yung energy mo, yung timing mo, yung mental alertness mo. Kasi yun nga ang importante sa hosting, yung napapakinggan mo ang lahat ng sinasabi ng mga contestants, ng lahat ng mga nasa paligid mo. Kailangang makapag-react ka rin dun sa kanilang mga sinasabi. I think yung matagal na hindi ako active sa telebisyon, medyo nagkaroon ng konting re-orientation process."

ONE-OF-A-KIND GAME SHOW. Paano laruin ang Asar Talo?

"Game show, ganun pa rin, nagdi-dispense tayo ng mga impormasyon sa mga manonood, pero iba't ibang mga elemento, mga ibang components. Katulad ng pag si Lolit Solis ang guest mo, iba, e, parang babaeng pusit. I mean, meron kaming puwestong tinatayuan, pero umiikot, hinahabol mo, e. And then, may Anjo [Yllana], may Joey Marquez, yung mga revelations tungkol sa isa't isa na I'm sure kahit yung media, hindi alam. Pati ako may nasagap na mga tsismis!" natatawang kuwento ni Edu.

May pagkakahawig ba ang Asar Talo sa Moment of Truth na game show sa U.S.?

"No naman. This is a one-a-kind game show. May mga bukingan dahil sa mga comments nila sa isa't isa. But we're here to entertain, not to insult. Puwedeng mang-asar, puwedeng mang-alaska, pero hindi mo dapat saktan ang damdamin ng mga contestant."

Pero meron na bang napikon sa mga unang contestants na nakasama niya?

"Napipikon, pero good-natured naman, e. Actually, ang ginagawa kasi nung mayroon kaming tinatawag na si Kapitan Kontra, ang ginagawa niya is dini-distract yung contestant. So, after a while, pagkatapos ng tanong, kasi once ko lang babasahin yung tanong, e. And then, 'eto na yung biruan, alaskahan.

"Minsan ang nangyayari sa contestant, pag tinanong ko, 'Ano po yung sagot n'yo sa tanong?' 'Ano yung tanong?' Nakakalimutan. So, yun ang objective ng show. Kung may kontra, may kakampi rin yung contestant, meron siyang Bida's Angel, si Ellen Adarna, plus yung family and friends niya."

Sa tingin niya ba with this show ay may matututunan din siya na magagamit niya sa everyday life niya?