news

Edu Manzano explains decision to return to GMA-7 and leave ABS-CBN

by Glen P. Sibonga posted on September 10, 2010  STATS: 92181 Views | 64 Comments

 

 

"Without a doubt, there have been times where I have been maybe a bit careless sa mga binibitiwan kong salita, at maaaring there have been times na kung saan I have been misinterpreted. But after 30 years [in showbiz], I would like to think na mas nagiging conscious ako and it comes with more respect pagdating sa dealing with the members of the press," says Edu Manzano.

Photo By: Courtesy of GMA-7

Matapos ang ilang buwang pamamahinga sa showbiz dahil sa kanyang pagtakbo bilang vice-presidential candidate, pero hindi pinalad na manalo, balik-showbiz na si Edu Manzano.

Nagbabalik siya sa pagho-host, ngunit hindi na sa ABS-CBN kung saan siya identified for several years, kundi sa GMA-7 kung saan talaga siya nagsimula. Balik-Kapuso nga si Edu sa pagho-host niya ng bagong game show na Asar Talo Lahat Panalo!, na mapapanood na sa GMA-7 mula Lunes hanggang Sabado, bago mag-Eat Bulaga! Magsisimula ang Asar Talo sa September 18.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Edu sa presscon ng Asar Talo kagabi, September 9, sa Annabel's restaurant, T. Morato Ave., Quezon City. Kitang-kita nga ang excitement ni Edu sa kanyang muling pagharap sa entertainment press at sa pagsisimula ng kanyang bagong show.

"Excited na ako!" sambit ni Edu. "Nakapag-tape na kami ng ilang episodes at nakita namin kung saan patungo yung show. Masaya naman."

Nanibago ba siya sa muling pagsabak sa hosting?

"In the beginning," tugon ni Edu. "Kasi nandun yung energy mo, yung timing mo, yung mental alertness mo. Kasi yun nga ang importante sa hosting, yung napapakinggan mo ang lahat ng sinasabi ng mga contestants, ng lahat ng mga nasa paligid mo. Kailangang makapag-react ka rin dun sa kanilang mga sinasabi. I think yung matagal na hindi ako active sa telebisyon, medyo nagkaroon ng konting re-orientation process."

ONE-OF-A-KIND GAME SHOW. Paano laruin ang Asar Talo?

"Game show, ganun pa rin, nagdi-dispense tayo ng mga impormasyon sa mga manonood, pero iba't ibang mga elemento, mga ibang components. Katulad ng pag si Lolit Solis ang guest mo, iba, e, parang babaeng pusit. I mean, meron kaming puwestong tinatayuan, pero umiikot, hinahabol mo, e. And then, may Anjo [Yllana], may Joey Marquez, yung mga revelations tungkol sa isa't isa na I'm sure kahit yung media, hindi alam. Pati ako may nasagap na mga tsismis!" natatawang kuwento ni Edu.

May pagkakahawig ba ang Asar Talo sa Moment of Truth na game show sa U.S.?

"No naman. This is a one-a-kind game show. May mga bukingan dahil sa mga comments nila sa isa't isa. But we're here to entertain, not to insult. Puwedeng mang-asar, puwedeng mang-alaska, pero hindi mo dapat saktan ang damdamin ng mga contestant."

Pero meron na bang napikon sa mga unang contestants na nakasama niya?

"Napipikon, pero good-natured naman, e. Actually, ang ginagawa kasi nung mayroon kaming tinatawag na si Kapitan Kontra, ang ginagawa niya is dini-distract yung contestant. So, after a while, pagkatapos ng tanong, kasi once ko lang babasahin yung tanong, e. And then, 'eto na yung biruan, alaskahan.

"Minsan ang nangyayari sa contestant, pag tinanong ko, 'Ano po yung sagot n'yo sa tanong?' 'Ano yung tanong?' Nakakalimutan. So, yun ang objective ng show. Kung may kontra, may kakampi rin yung contestant, meron siyang Bida's Angel, si Ellen Adarna, plus yung family and friends niya."

Sa tingin niya ba with this show ay may matututunan din siya na magagamit niya sa everyday life niya?

"Nakikita ko yung sarili ko rito. Marami akong matututunan. Nagiging sensitive din ako sa mga tao. Natutunan ko rin na may mga dapat hindi tanungin kahit gusto mo nang itanong. Dito, gumigitna ako. Halimbawa, [pag] nakikita kong hindi na masyadong maganda yung pinupuntahan nung biruan, ng alaskahan. At lagi kong nire-remind sa kanila na dito, talaga walang personalan, asaran lang."

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

64 Comments

  • 24  kinabog

    09/10/2010 | 11:45 PM
    ang daming asar talo na mga kapamilya.

    LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  PinkButterfly

    09/10/2010 | 11:26 PM
    ang pagkatalo sa politika ay hindi indikasyon na hindi ka mabuting tao, gaya ng hostage incident, that doesnt mean lahat tayong pinoy masasama... dapat bang wala nang gawin si edu dahil natalo sya??? hay naku, magisip isip nga ang makikitid ang kaisipan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  asar_talo_0_2

    09/10/2010 | 11:16 PM
    ayan oh! olats na naman ang mga kapamilya. lose na lose na talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  Arnold_The_Governator

    09/10/2010 | 10:18 PM
    I don't know why you guys are making a big deal out of this. Edu Manzano wants to go back to showzbiz so let him.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  Clara Pastor

    09/10/2010 | 10:16 PM
    marami pa rin asar kay edu dito,pero goodluck sa bago mong show marami mag-aabang nyan kung sino madali maasar lalo na siguro kung mga celebrity guest.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  Arnold_The_Governator

    09/10/2010 | 10:13 PM
    Mga bitter Kapamilya... LMAO....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  kalika

    09/10/2010 | 09:18 PM
    mali atang sabihing sa gma sya nagsimula. baka magalit nyan si ariel ureta na nagdiscover sa yo. baka sa gma ka naunang nabigyan ng sariling show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  agi07

    09/10/2010 | 08:31 PM
    I THOUGHT EDU WAS SMART. BUT WHEN HE RAN FOR VICE PRESIDENT DURING THE LAST ELECTION, I LOST INTEREST IN HIM.

    Panu pumasok sa isipan niya na may chance sya manalo???? ha ha ha ha.

    Akala niya siguro malaki ang makukuha niya ung malaking campaign fund kundi man sya manalo. ha ha ha ha ha.

    Nagkamali ang Eduarda.

    Ang Pinky lukaret din, eh bata pa cya noh. eh si Edu wrangler na ha ha ha.

    Ang mga taga GMA naman taga salo mga tinapon na na ABS ha ha han
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  solidaridad

    09/10/2010 | 08:05 PM
    I feel so sad for Pinky Webb,masyadong desperate. Binalikan uli si Edu na talunan dahil wala ng makuhang ibang mas mabuti pa kay Edu. Very sad case si Pinky Webb.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  solidaridad

    09/10/2010 | 08:02 PM
    Hindi ba hush hush yong pagiging vice president running mate niya kay Gibo noon. Pati yong ka live in girl friend niyang si Pinky for five years at ang anak niyang si Luis hindi niya sinabihan. At definite yong proklamasyon niya na pag natalo hindi na siya babalik sa show biz. Dahil palagay ko mayroon silang niluto nina Arroyo, Puno at Gibo na sila ang mananalo kaso nabulyaso. Akala talaga niya sure thing na ang pagiging Vice President niya at hindi na niya kailangan ang trabaho at si Pinky Webb. Ngayon talunan kaya walang trabaho pero hindi na siya makabalik sa ABS dahil hindi niya kayang kainin yong mga sinabi niya. May natitira pang kahihiyan. I do not think na magtatagal itong show niya sa GMA. Konsepto na lang nakaka asar talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  red_radiance

    09/10/2010 | 06:55 PM
    galing GMA? kelan? parang di ko naalala. mas sumikat ksi sya sa abscbn. malalaos ka na ng tuluyan. love pa naman kitang host ng PGKNB?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  pep_dropper

    09/10/2010 | 06:05 PM
    8
    saywhatyouwan
    t
    September 10, 2010
    17:09 PM

    sinungaling ka edu.... alam na alam ng lahat ang sinabi mo na wala kang babalikan na alinmang show!!!!

    buti hindi ka nanalo or else alam na ng madla ang kulay mo SINUNGALING!!!

    ]Kung nanalo ka siguradong corrupt ka!!! salita mo pa lang di na pwedeng pagkatiwalaan MUKHA mo pa kaya!!!

    kapal mo!
    --------------

    ala-Kris Aquino
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  ProhibitedUseOfAnyUserName

    09/10/2010 | 05:53 PM
    mga ampalaya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  contessa

    09/10/2010 | 05:41 PM
    Edu isa kang Etchuserang Palaka!
    bagay ka nga sa GMeewww
    isang Talunan !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  magsasaka

    09/10/2010 | 05:28 PM
    Pinili ni Edu bumalik sa GMA7, kasi kahit papaano meron konting maniniwala sa sinabi nya dati. kaysa naman bumalik uli sa ABS, na kung saan dun nya sinabi ng pamamaalam sa showbiz, kina Julius at Tintin sa DZMM. lalu lamang syang masisira sa ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shobizaddict

    09/10/2010 | 05:15 PM
    meron nga syang sinabi about not coming back in showbiz but not one hundred percent sure kasi natandaan ko naman na binanggit nya na hindi na bagay sa kanya sumayaw at his age.
    pero gusto ko yung idea na babalik sya sa talk show, he is very good at hosting talaga. i love his very witty, no nonsense approach, not too showbiz questions style.
    sana ipalabas sa Pinoy TV.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • saywhatyouwant

    09/10/2010 | 05:09 PM
    sinungaling ka edu.... alam na alam ng lahat ang sinabi mo na wala kang babalikan na alinmang show!!!!

    buti hindi ka nanalo or else alam na ng madla ang kulay mo SINUNGALING!!!

    ]Kung nanalo ka siguradong corrupt ka!!! salita mo pa lang di na pwedeng pagkatiwalaan MUKHA mo pa kaya!!!

    kapal mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Neneng001

    09/10/2010 | 05:00 PM
    LAOS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spicytalks

    09/10/2010 | 04:48 PM
    Good luck. Papanoorin ko to..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gferna

    09/10/2010 | 04:45 PM
    It was not a qualified statement when he said that he was not going back to showbusiness. Everybody saw it in the news. Instead of all these hulabaloos, why doesn't he just say that he was wrong for saying so.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About