Veteran comic Joey de Leon has two new shows with TV5, but the talk of the town is Willie Revillame's program on the Kapatid network. The House or Not host says he has no problem with that, but demurs, "Kunwari sasadyain nung istasyon [na] iba-back-to-back kayo. E, siguro sa parteng yun, to be honest, medyo teka muna... parang ang pangit naman, di ba?"

 

Photo: Noel Orsal

Araw at gabi nang napapanood sa telebisyon si Joey de Leon.

Sa GMA-7, mula Lunes hanggang Sabago ay makikita siya sa noontime show na Eat Bulaga!

Sa hapon naman ng Sabado, ay kasabay niyang hino-host ang showbiz talk show na Startalk with Lolit Solis, Butch Francisco at Ricky Lo. 

At sa gabi ng Linggo ay nasa talk show siyang Mel & Joey with Mel Tiangco. 

Sa TV5 naman, gabi-gabi ay mapapanood siya sa bagong gag show na Wow, Meganon?! with comic DJ Mr. Fu.

At sa Linggo ng tanghali, bago sumalang ang musical variety show na PO5, ang game show niyang House or Not ang matutunghayan.

COUCH POTATO. Kaya naitanong tuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Joey kung may pahinga pa ba ito.

Sinabi niyang nakakatulog pa rin naman siya.

"Wala akong extra-curricular, e," bungad niyang pahayag. "Wala nga akong golf, wala akong club, walang bar.  Biyahe lang ang pinaka-break ko, e. 

"TV lang, kaya nga alam ko lahat ng shows, e.  Pag-uwi ko ng bahay, anong tawag doon, couch potato. Tinutuhog ko 'yan, mula Tweetbitz, SNN... Juicy... may replay pa nga ang Tweetbitz, e."

Kasama niya ang pamilya sa panonood ng telebisyon, "Kaya nga kuwela, e, nagtatawanan kami sa mga tsismis.  Mga anak ko nga pag umuuwi, 'Daddy anong latest?'"

Matagal na siya sa television business. Bakit hindi niya naisipang kumuha ng mga commercial plug at mangumisyon sa mga programa niya?

Sagot niya, "Mahina ako sa business. 'Saka ayoko nang gano'n para hindi ako nakatali.  Actually, yun yun, e. Nakatali kang kailangan gawin mo. 

"Kaya wala akong exchange deal, e, na kailangang banggitin ko itong, 'Thank you to my..." Kaya ang joke namin ni Vic, pag may tiga-Bulaga na thank you kay gano'n, kay ganito—'Uy, gumastos naman kayo!'"