Araw at gabi nang napapanood sa telebisyon si Joey de Leon.
Sa GMA-7, mula Lunes hanggang Sabago ay makikita siya sa noontime show na Eat Bulaga!
Sa hapon naman ng Sabado, ay kasabay niyang hino-host ang showbiz talk show na Startalk with Lolit Solis, Butch Francisco at Ricky Lo.
At sa gabi ng Linggo ay nasa talk show siyang Mel & Joey with Mel Tiangco.
Sa TV5 naman, gabi-gabi ay mapapanood siya sa bagong gag show na Wow, Meganon?! with comic DJ Mr. Fu.
At sa Linggo ng tanghali, bago sumalang ang musical variety show na PO5, ang game show niyang House or Not ang matutunghayan.
COUCH POTATO. Kaya naitanong tuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Joey kung may pahinga pa ba ito.
Sinabi niyang nakakatulog pa rin naman siya.
"Wala akong extra-curricular, e," bungad niyang pahayag. "Wala nga akong golf, wala akong club, walang bar. Biyahe lang ang pinaka-break ko, e.
"TV lang, kaya nga alam ko lahat ng shows, e. Pag-uwi ko ng bahay, anong tawag doon, couch potato. Tinutuhog ko 'yan, mula Tweetbitz, SNN... Juicy... may replay pa nga ang Tweetbitz, e."
Kasama niya ang pamilya sa panonood ng telebisyon, "Kaya nga kuwela, e, nagtatawanan kami sa mga tsismis. Mga anak ko nga pag umuuwi, 'Daddy anong latest?'"
Matagal na siya sa television business. Bakit hindi niya naisipang kumuha ng mga commercial plug at mangumisyon sa mga programa niya?
Sagot niya, "Mahina ako sa business. 'Saka ayoko nang gano'n para hindi ako nakatali. Actually, yun yun, e. Nakatali kang kailangan gawin mo.
"Kaya wala akong exchange deal, e, na kailangang banggitin ko itong, 'Thank you to my..." Kaya ang joke namin ni Vic, pag may tiga-Bulaga na thank you kay gano'n, kay ganito—'Uy, gumastos naman kayo!'"
WILLIE'S PROBLEM. Hindi raw pinagdudahan ni Joey ang nababalitang paglipat ni Willie Revillame sa GMA-7 o sa TV5.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
73 kapams_saks
hoy! tungkol kay joey de leon at kung ano ang masasabi niya ang article na ito.
bakit kung sino sino ang sinisingit ninyo para lang makapanira ng iba? may sarili silang article, dun kayo!!!
para kayong bayaran ni claire at ni ida ha!
72 voiceoflondon
As in grrrrrrrrr.!!!!!!
71 sipsip
70 voiceoflondon
as well as Marian loves EB!!
69 voiceoflondon
Ure a man of Wisdom and Sense., no wonder u never run out of shows from now till then.
U were blessed with a lot if talents, and u never show off to prove ure capabilities.
That is why we love EB solid dabarkads. Pure fun and surprise!!
keep it up!! Long live TVJ
68 Einstein_1
67 Einstein_1
66 MajoBan
65 winklebee
64 ehryle
63 nettyfrau
62 zarahj4
61 onebee
60 loshang
59 leryfabmar
58 Belisema
leisawil
September 12, 2010
05:58 AM
tama nga nmn si Joey.. sana mabasa to ni Marian R. empleyado lng ang artista..walang karapatang magpatanggal..kawawa nmn si katrina halili dati pinatanggal pa. wag ka mag alala katrina maganda ka parin.. mwahah
----------
Nabasa po ito ni Marian. At sa sobrang Gimik ni Katrina...
ito po ang resulta, Katrina umani ng BAD KARMA at ayun pa-careless2 Whisper na lang...
Marian ay umani ng good karma at umani ng tagumpay; maraming endorsment at projects.
See the difference...makikita mo kung sino ang nagsisinungaling...
Hello, Hayden!!!
57 remyr12
56 ching75
55 leisawil
54 Belisema
cris525
September 12, 2010
00:02 AM
huh!!! question lang po?... hinamon na ba ni Marian ang GMA?... kelan yun? tinakot na ba nya ng GMA na mag-qquit sya pag hindi ginawa ang gusto nya?... tanong lang kasi may na-miss yata ako... hehehe....
---
wala! pakana lang ito ni Ida Henares at Claire para mapansin ang kanilang alaga na starlet padilla...
hinamon nila kung ndi maalis si Marian sa GMA ay mapilitan silang paalisin si starlet Padilla at ilipat sa ibang istasyon...kung saan ewan dhil pinalayas na ang starlet na ito sa ABS at TV5 dhil sobrang basura ang ugali!
Kya renew kaagad ng GMA7 ang contract ni Marian ay binigyan kaagad ng ibang project..
more comments