"Natutuwa ako kasi kinu-consider din nila yung magandang ginawa ko in the past bilang artista nila. Happy ako na binibigyan nila ng importansiya ang ginagawa ko.
"Nakikita nila kung gaano ko kamahal yung craft. At the same time, iniintindi rin nila yung duty ko as councilor sa Dagupan."
Hindi naman apektado si Maybeline kahit mother role na ang ibinibigay sa kanya.
"No, hindi naman ako nasa-sad. This one, I'm very excited.
"Kami ni Camille Prats, normal na sa amin yung maging nanay. Kasi sa edad namin, normal na yung may anak. I'm 28, so okay lang.
"Siguro magtatanong yung iba kasi ang laki na ng anak ko rito, si Elmo. It's a big challenge for me to look more mature, to act more mature.
"Kasi may back story naman siya kaya ko tinanggap. May back story na nabuntis ako ng 15 or 16 years old kaya okay lang na malaki na ang anak ko, keri pa."
May pagkakontrabida raw ang role niya rito?
"Kontrabida nga, at least mas maganda. Mas may outlet ngayon ako, di ba?"
Hindi ba makakaepekto ang role niya rito as pabayang ina sa image niya as a politician?
"Hindi naman po siguro," sagot niya. "Kasi kilala naman ako ng mga taga-Dagupan na kalog, na puwede mo akong hatakin kahit saan. Matatalino na naman ang audience natin. They know it's just a role."
How is it working with Elmo?
"I haven't done a scene with him yet. Magte-taping pa lang kami. Yung characters namin, papasok sa second week pa.
"Pero I've worked with his sister, si Maxene. And yung mommy niya, sobrang bait ni Ate Pia [Magalona].
"Si Elmo, magalang na bata. Sa storycon pa lang namin magalang na siya, puro 'po.' I'm sure wala akong magiging problema sa kanya."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
12 i_am_a_kapamilya
11 kapams_saks
good luck sa show at sa pagiging councilor!
pagbutihin mo lang...
10 prettyasian
9 TrueColours
8 megan_mia
7 homemaker
naman talaga ang batang ito.
6 atay
5 a027007252
ibig sabihin, hindi gaano importante role mo kaya afford nilang wag kang icall ng mondays! heheheh
feeling ka naman.
4 rhoroe
3 marvenz
2 Vhlyz
1 redinvain