Like everyone else, talent manager and TV host Boy Abunda (main photo), was taken by surprise when news broke that his ward, Mariel Rodriguez, married Robin Padilla (inset top) in Baguio City early this week. Boy was also unaware about the rift between Mariel and Toni Gonzaga (inset bottom).

 

"Ngayon, alam na nating lahat. At least, magkakasabay tayo!" he says with a laugh.

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager at TV host na si Boy Abunda sa studio ng SNN kagabi, September 16.

Inamin niyang dalawang beses siyang na-shock sa kanyang alagang si Mariel Rodriguez.

Una, sa alitan nito at ng co-host ni Boy sa The Buzz na si Toni Gonzaga. (CLICK HERE to read related story.)

Pangalawa, ang pagpapakasal nito kay Robin Padilla sa Baguio noong September 13. (CLICK HERE to read related story.)

THE WEDDING. "Actually, natutulog ako nang ipalabas ang TV Patrol," banggit ni Boy tungkol sa report ng ABS-CBN tungkol sa pagpapakasal nina Mariel at Robin.

"Paggising ko, tinanong ako kung alam ko raw bang ikinasal na si Mariel kay Robin. Nasorpresa ako dahil wala akong kaalam-alam.

"Pero yun nga... Over the weekend, mag-uusap na kami ni Mariel.

"Ang statement ko nga diyan, talking about happiness — Mariel deserves that.

"From the beginning, sinabi ko, kung saan siya maligaya, dun ako. Hanggang ngayon, 'yan ang aking pinaninindigan.

"She's 26. Alam na niya kung saan siya liligaya and I will respect that," deklara ni Boy.

Pero hindi makakasagabal sa career ni Mariel ang kanyang pagpapakasal?

"Mali yung phrasing, e," sabi ni Boy.

"Magkakaroon siya ng maraming trabaho dahil sa kanilang dalawa [ni Robin].

"You can also look it that way."