Sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Mariel Rodriguez na si Boy Abunda sa dressing room nito sa showbiz talk show na The Buzz kahapon, September 19.
Kinuha namin ang reaksiyon ni Boy sa mga pahayag ni Robin Padilla na wala raw kasalang naganap sa kanila ni Mariel sa Baguio City noong September 13.
"Hindi ko alam," mabilis na sagot ni Kuya Boy nang tanungin namin kung may alam ba siya sa likod ng pagtangging ito ni Robin.
"Si Robin sent a statement that we were supposed to read on The Buzz, na babasahin ko sa SNN for Monday [Sept. 20].
"Ako talaga, wala akong masasabi except to defer to the statement of the couple. I am not the official spokesperson...
"Alam mo, 'eto nga ang ina-adjust ko, is it bad or good not to know everything?
"I am not supposed to know everything about... Ako dapat, kapag mayroong kinalaman lang sa karera.
"Ngayon, kapag mayroong mga bagay na nangyayari, may tanong po ang aking mga artista na may apekto ngayon sa karera, doon ako papasok lang.
"But that is a privilege that is given by an artist to a manager."
CONVERSATIONS WITH MARIEL. Sa huling panayam ng PEP kay Boy ay sinabi niya maging siya ay nagulat nang malaman niya ang report na nagpakasal sina Mariel at Robin noong September 13. (CLICK HERE to read related story.)
Sabi pa ng talent manager ay mag-uusap sila ng kanyang alaga. Nagkausap na ba sila ni Mariel?
"Oo, nag-usap na kami, paunti-unti. Pero hindi pa namin napapag-usapan ang lahat-lahat," sagot ni Boy.
"Kasi nga, nagkita kami sa isang restaurant, na hindi ko naman alam, napakaraming tao. I had a meeting with her in a restaurant.
"Friday evening, akala ko'y makakapag-usap kami.
"But, nakakapag-usap naman kami. Anong tawag doon? Pahapyaw, panaka-naka...ayun.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
71 abc
70 angelforeverako
69 topengga
68 topengga
67 mylamaloka
66 voiceoflondon
the three of you deserves each other!!!
Puro kalokohan alam gawin haist...
65 pepato
64 shidax
63 laosdos
62 happygolucky
won't you guide my sleigh tonight?
Then how the reindeer loved him,
as they shouted out with glee...
61 happygolucky
Panaka-naka kaya kitang sabunutuan, Boy... ay, di pala pwede.
60 happygolucky
59 skywalker81
58 kurtney
Question is, until when?
Haaay sayang ang batang ito..
57 bisdak_ako
56 qazx
ikaw manager hindi mo alam ang nangyayari sa alaga mo? ikaw manager hindi mo alam na pang show DAW pala yung kasalan kuno sa Baguio?
55 magsasaka
54 chikang_daldal
skyward
September 20, 2010
20:07 PM di cla nag-uusap nag-sign language lang LOL!
========
hahahaha at kaya pala sbi ni boy putol putol ang pag uusap nila kasi nga slow masyado si mariel, mahina mag pik up hahahaha
53 skyward
52 dulcinea
aminin lang sana nila ang totoo -- para maging masaya ang lahat para sa knila.
more comments