Rita Avila on doing love scenes with a 20-year-old actor: "Medyo nanibago ako..."

Ricky Calderon
Tuesday, September 21, 2010 @ 07:08PM  |  55 views

 

"Funny talaga kasi never ko na-imagine na I will be working with a 20-year-old guy. Kaya noong shooting namin, iniiwasan ko siyang tawagin na anak. Baka itrato ako nang may paggalang, e, hindi na kami makaarte," says Rita Avila about working with leading man Edgar Allan Guzman.

Photo By: File photo













Nagandahan sa script ng Magdamag ang aktres na si Rita Avila kaya tinanggap niya ang indie film project na ito na idinirek ni Joven Tan from the Palanca award-winning script of Jerry Gracio. Mapapanood na ito sa mga sinehan simula sa September 22.

Ito ang ipinahayag ni Rita nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Magdamag na ginanap sa isang kuwarto ng isang branch ng Sogo Hotel.

Kuwento pa ng aktres, noong binabasa niya ang script ay tawa siya nang tawa kaya ang akala tuloy ng asawa niyang direktor na si FM Reyes ay comedy ang indie film na kanyang gagawin. 

"Basta nakakatawa ang mga situations at mga conversations. Tapos, after kong basahin ang script, tinanong niya ako kung nagustuhan ko ba ang script at kung gusto ko itong gawin. 'Yeah,' I told him, 'kaya lang nakakanerbiyos ang mga bold scenes!'

"Tinanong ko siya kung gusto niyang basahin ang script. Siyempre gusto ko na alam niya kung ano ang gagawin ko.

"Sabi naman ng husband ko, he trusts me. If I like it, then do it. Although ikinukuwento ko sa kanya kung ano ang laman ng script.

"Then he asked me what if may compromise pagdating sa mga love scenes, would I agree to do it? Yes, I told him, I liked it very much.

"Tapos, si Direk Joven pa ang director whom I've worked before. Tapos, si Noel [Ferrer, one of the producers] is a family friend of my husband. So, parang family na rin. I can trust na I am good hands," wika ni Rita.

Nagkaroon ba siya ng hesitation na tanggapin ang movie after she read the love scenes na kailangan niyang gawin?

"Yes, kasi grabe talaga ang description ng mga eksena. Pero they were kind to me na kung ano lang ang kakayanin ko, iyon na lang ang gagawin namin," sagot ni Rita.


RITA'S LEADING MAN. Wala rin daw idea si Rita kung sino si Edgar Allan Guzman na ka-partner niya sa May-December story na ito. Noong gagawin na finally ang movie, nag-meet sila ni Edgar a night before the shoot.

"Noong nakita ko siya [Edgar], para akong may disbelief. 'My gosh,' sabi ko, 'ang bata-bata naman ng partner ko!'" natatawang kuwento ni Rita.

"Funny talaga kasi never ko na-imagine na I will be working with a 20-year-old guy. Kaya noong shooting namin, iniiwasan ko siyang tawagin na anak. Baka itrato ako nang may paggalang, e, hindi na kami makaarte.

"The shooting went on smoothly. Maganda ang rapport namin sa isa't isa.

"Ang mahirap kasi sa isang two-character film tulad ng Magdamag, kailangan nagkakasaluhan kayong dalawa. Pag pumalpak ang isa, palpak din yung kasama.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name