Isang solo presscon ang ipinatawag ng Regal Films nung September 20 para sa young actress-TV host na si Megan Young.
Kasama si Megan sa cast ng upcoming horror film, White House, na pinagbibidahan ni Gabby Concepcion. Ayon kay Megan, may temang reality show ang White House.
"Bale ako kasi, broken-hearted ako dito. So, parang dahil do'n, naisipan ko na sumali sa reality show.
"Alam na namin na haunted yung bahay. Ang mangyayari, e kung sino yung makakatagal, yun ang matitira," paglalarawan niya sa istorya ng pelikula.
Masaya si Megan na naging part siya ng White House. In real life, hindi niya magagawa yun dahil matatakutin siya.
INVESTMENTS. At the age of 20, marami-rami na rin palang investments si Megan, mostly lupa.
"Actually, I'm not comfortable talking about money or my investments. Wala lang," nakangiti niyang sabi.
Ang daddy raw niya ang adviser ni Megan pagdating sa finances.
"My dad kasi is an accountant. So, alam niya where to put money.
"Ako naman, I really like to invest in land. Kasi, feeling ko, we're overpopulated na, parami nang parami ang tao.
"So, everyone will have a need for land or a place to build. So, yun, meron akong na-invest sa Subic, sa Zambales," banggit ni Megan.
Ang ibang kapatid daw niya ay may sarili na ring investments.
CHANGING COURSE. Megan is still in school. Nag-transfer siya from Trinity College to La Salle.
"Dati kasi, ang course ko, MassCom, but I decided na mag-shift na lang to Digital Film para mas may focus. Kapag Masscom kasi, masyadong broad yung scope.
"I want to work in the industry. I want to work with a network. Puwedeng behind the camera naman."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
18 chizzymo
17 popeye_the_sailor_man
16 moised
15 newyorker1969
14 kapams_saks
hindi siya pwede mag-inarte sa La Salle... pare-pareho lang studyanteng nag-aantay... so it's not unusual noh...
13 flow246
12 meangenesnoopy
11 GMEbaduuy
laki ng improvement mo when it comes to acting
lalo na sa bety la fea
cguro kng nasa GMA ka pa now bano ka parin cguro umarte
Good decision ang pag lipat mo.
VJ ka pa pala sa channel V sowsyal
davah
10 beyond_words
9 abscbn14344
8 ladygossip
7 gemjustine
6 yacinth
5 abscbn14344
4 abscbn14344
3 Gemski
2 abscbn14344
1 abscbn14344