"She never thought na may isa siyang anak na papasok sa showbiz. Kaya she's all out to support me at mas excited pa siyang mapanood ang Tween Hearts kasi ipagmamalaki raw niya sa mga nasa barangay namin," says Derrick Monasterio about his mom, former actress Tina Monasterio.

Photo: Noel Orsal

Pang-matinee idol ang dating ng isa sa miyembro ng Tween Stars ng GMA-7 na si Derrick Monasterio. Kasama ang 15-year-old looker na ito sa bagong tween show ng Kapuso network, ang Reel Love Presents Tween Hearts.

Gaganap si Derrick bilang si Derek, isang campus heartthrob at student leader ng kanilang school. Ang kanyang ka-partner sa show ay si Louise delos Reyes na gaganap naman bilang si Luisa, isang wannabe popular girl na makakalaban ni Derek sa pagiging president ng kanilang class.

Tween Hearts ang first TV show ni Derrick. Makakasama rin si Derrick sa Party Pilipinas kunsaan may sariling segment ang Tween Stars, na kinabibilangan din nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jhake Vargas, Bea Binene, Joyce Ching, at Lexi Fernandez.

Inamin ni Derrick na kinakabahan siya dahil unang sabak niya ito sa pag-arte sa TV. Pero nagpapasalamat siya na nabigyan siya kaagad ng pagkakataon na mapasama sa grupo ng mga kaedad niya.

"Medyo overwhelmed po ako kasi first time ko itong maging artista talaga," sabi ni Derrick sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"But I did commercials noong bata pa ako. I started when I was five years old at yung last commercial ko ay noong 10 years old pa ako.

"So, five years din akong hindi na-expose sa TV and I lived a normal life as a teenager. May mga kumukuha sa akin noon pa but my mom didn't approve. Gusto niyang makatapos ako ng high school.

"Then this opportunity came at nagulat ako na pumayag si Mommy na mag-artista ako. Since 15 years old na raw ako at graduating [high school] student na, okey na pasukin ko na ang showbiz. May tiwala naman po si Mommy sa GMA-7 na maaalagaan nila ako," sabi ni Derrick.

DERRICK'S CELEBRITY MOM. Nasa dugo talaga ni Derrick ang pagiging artista dahil ang kanyang mother ay ang former actress na si Tina Monasterio.

Kasabayan ni Tina sina Alma Moreno, Daria Ramirez, at Jean Saburit na nag-artista rin ang mga anak—Mark Anthony Fernandez, Vandolph, and Wynwyn Marquez for Alma; Keempee de Leon for Daria; and Nicole Anderson for Jean.

Naging paboritong leading lady si Tina ng action stars at comedians noon, tulad nina Fernando Poe Jr. (Bato Sa Buhangin, Kumander Ulupong, Ang Lihim ng Guadalupe, Mahal... Saan Ka Nanggaling Kagabi?), Lito Lapid (The Jess Lapid Story), Chiquito (Mr. Wong and the Bionic Girls), Rudy Fernandez (Hijack '77), Rey Malonzo (Ang Huling Lalake sa Baluarte), Ace Vergel (The Valderrama Case), Bembol Roco (Totoy Guwapo), at Dolphy (Superhand: Shadow of Dancing Master).

Ang father naman ni Derrick ay American na nasa U.S. ngayon. Kaya hindi nakapagtataka na ang height niya ay 5'10" sa edad niyang 15 years old. Nagmana raw siya sa tangkad ng American father niya.

Ayon kay Derrick, parati raw nagkukuwento ang kanyang ina ng buhay nito noon bilang artista. Gusto raw ni Tina na matutunan ng kanyang anak ang pagiging professional tulad ng ginawa niya noong kasagsagan pa niya sa showbiz.

"Maraming kuwento si Mommy about showbiz at ang mga artistang nakatrabaho niya. Very professional daw ang lahat ng artista noon at hindi nagiging sakit ng ulo ng mga director sa set.