news

Kris Lawrence on Elmo Magalona: "Nakuha niya yung galing ng daddy niyang mag-rap at kumanta, napaka-talented na bata!"

by John Fontanilla posted on September 25, 2010  STATS: 13603 Views | 18 Comments

The 12-cut album of Elmo Magalona [inset], says album producer Kris Lawrence [main photo], will have: "Variety—may rap, ballad, at dance, para iba-ibang flavor—pero ako na ang magsasabi sa 'yo na ang galing mag-rap ni Elmo."

 

Photo By: Noel Orsal

Mula sa pagiging magkaibigan ay nagsanib na sa iisang negosyo ang tatlong sikat na mangaawit ng bansa na sina Billy Crawford, Jay R, at Kris Lawrence.

Binuo nila ang "3 Stars Productions," kung saan ang kanilang hangarin daw ay magbigay ng pagkakataong magkaroon ng sariling record album ang mga Pinoy na may angking talino sa pag awit.

At para sa kanilang unang proyekto, ipo-produce nila ang album ni Elmo Magalona, ang anak ng yumaong Philippine King Of Rap Francis Magalona.

Sabi ni Kris Lawrence nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa gazebo ng GMA network noong September 24, balak nilang i-release ang album bago matapos ang taon o early next year.

Pero bukod daw sa album ni Elmo ay magkakaroon din ng sari-sariling album sina Billy at Jay R sa 3 Stars Productions.

 

Pagsisiwalat ng mahusay na singer, "Bale ang magiging unang album na gagawin namin ay ang album ni Elmo. Sobrang galing kasi ng batang yan, kaya kami nina Jay R at Billy, sobrang suporta talaga sa magiging album ni Elmo.

"Isa sa kantang nakapaloob sa album ni Elmo, kasama kaming tatlo, pero all in all siguro mga 12 songs ang magiging laman ng album ni Elmo."

Sa ngayon ba ilang kanta na yung nare-record ni Elmo?

"Isa pa lang yung kasama kaming tatlo, medyo busy kasi ang schedule ni Elmo, pero hopefully makakakuha rin kami ng time para mai-record niya yung mga songs sa kanyang 1st album."

Ano ang magiging laman ng album ni Elmo?

"Variety—may rap, ballad, at dance, para iba-ibang flavor—pero ako na ang magsasabi sa 'yo na ang galing mag-rap ni Elmo.

"Tsaka, katulad ng daddy [Francis M.], ang galing-galing din ni Elmo. Nakuha niya yung galing ng daddy niyang mag-rap at kumanta, napaka-talented na bata!"

Kailan ilalabas ang album ni Elmo?

"Siguro bago matapos ang taon o kaya early next year. Masyado kasing busy si Elmo, kaya hindi pa siya masyadong makapag-record ng mga songs para sa kanyang album. Sobrang dami kasi ng show niya."

Wala ba kayong balak nina Billy at Jay R mag-record ng album sa sarili niyong 3 Stars Productions?

"Defintely meron! May kanya-kanyang album din kami nila Billy at Jay R. Bale sabay-sabay naming ilalabas yung mga album namin kasabay ng album ni Elmo."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  Fr_UK

    10/04/2010 | 04:30 PM
    Can't wait to hear his music!!! Kung may justin fever mania, meron naman elmofever mania na. May Elmo fever na ako!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  tiu_tiuseco

    09/27/2010 | 09:41 AM
    grabe ang RED MASK 3 nakakaloka!

    MOOOOOOOOOOOOOOOOOOOORE!!!!!!!!!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  loizislost

    09/26/2010 | 07:27 PM
    sana magduet din sila ni julie ann san jose sa album..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  totoysipa

    09/26/2010 | 02:13 PM
    Elmo Magalona is over-rated.

    The boy has potentials but they have yet to be uncovered.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  certified_orig1

    09/26/2010 | 12:33 PM
    Medyo hindi nga bagay kay Elmo yung slow na songs.

    Bagay sa kanya ang rap.

    Ang ganda ng opening number ng Party Pilipinas..

    Stage pa lang may class na!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  Einstein_1

    09/26/2010 | 11:19 AM
    napapanood ko naman c elmo, at first hindi ako bilib pero pagtagal, magaling at mabilis pala xa mg rap.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  kupalmilyucks

    09/26/2010 | 09:59 AM
    Kinabog, nasapul mo. Maganda talaga ang productions sa Party Pilipinas. Walang sinabi ang ASAP.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  oneglobal

    09/26/2010 | 07:09 AM
    go go go elmo..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  oneglobal

    09/26/2010 | 07:06 AM
    i salute the three of you guys for having time to put up your own record company for young generation like elmo...sure this one will be a hit...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • eraser2010

    09/26/2010 | 04:44 AM
    saka ang layo pa ni elmo sa papa francis nya...si elmo malamya lalo na sa performance kulang pa sa PR ang batang ito siguro after 10years yan pwede na sabihin kayulad sya ng tatay nya...yan ay kung tatagal sya sa showbiz hekhek!!!! wag lang matulad sa ate maxene nya naglaho ang career sa gma7!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • eraser2010

    09/26/2010 | 04:41 AM
    nabibigyan daw ng justice ang productions? kaya pala lastweek sinira ni elmo yon kanta ni justin beiber...wala sa tono ng kinanta nya sa PP sabe nga sa writeup naMURDER ni elmo magalona yon kanta ni JUSTIN!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • girlblue

    09/26/2010 | 02:35 AM
    It's in his genes... anak ni Francis Magalona at apo nina Tita Duran and Pancho Magalona! He cannot help it. May pedigree ang bata.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • firebird

    09/25/2010 | 11:54 PM
    elmo is not magaling, anak lang sya ni francis!

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • canreadu

    09/25/2010 | 11:43 PM
    Way to go Elmo! I know your dad is happily watching over you.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • spicytalks

    09/25/2010 | 11:33 PM
    Ay nice naman. Sana magiging successful yung productions niyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ampm

    09/25/2010 | 11:18 PM
    this is great news! will buy elmo's first album for sure.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • voiceoflondon

    09/25/2010 | 06:29 PM
    Correct ka dyan kinabog!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kinabog

    09/25/2010 | 04:39 PM
    wow ang mga hinahangaan kong mga young and talented singers nagsama sama.

    nakakalungkot lang na ang isang Billy C nasa ASAP na walang ka kwenta kwentang show.

    ang productions nila Elmo, Kris at JayR sa Party Pilipinas ay nabibigyan nila ng justice.

    si Billy ok naman ang performance kaso nahihila sya pababa ng mga walang kwentang performers sa kabila.

    Billy if I were you lipat ka sa may quality at world class show party pilipinas. Isama mo si Gary V dahil hindi kayo nababagay dyan.

    ang cheap ng ASAP.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About