Sa presscon ng Kokey@Ako noong September 15, sinabi ni Toni Gonzaga na isa si Direk Wenn Deramas sa napagsabihan niya ng saloobin tungkol sa lumalalim na tampuhan nila ng kaibigang si Mariel Rodriguez.
Close ang TV host-actress sa direktor ng kanyang pinagbibidahang teleserye, at ayon pa rin kay Toni, si Direk Wenn ang isa sa nagbigay ng lakas ng loob sa kanya upang aminin sa publiko ang tungkol sa kanila ni Mariel.
Sa presscon ng Petrang Kabayo noong September 21—ng pelikulang ipapalabas na sa October 13—nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn at kinumpirma niya ang kanyang mga naging abiso kay Toni.
"Kami kasi ni Toni, we talk a lot. Sa mga isyu na lumalabas, lagi kong sinasabi sa kanya is, 'Dun ka lang sa totoo, wag kang matakot na sabihin sa tao na, "Yes, I'm hurting; yes, may away kami ni Mariel," kasi yun ang totoo," panimula ng direktor.
"'At the end of the day kasi, wala kang ibang puwedeng sisihin kungdi ang sarili mo kasi di ka nagpakatotoo. Pero kung nagpakatotoo ka, di ka nagmalabis sa kapwa mo, at wala kang ginawang masama, wala kang dapat ikatakot.'"
Aminado si Direk Wenn na mas malapit siya kay Toni kaysa kay Mariel, pero ikinalungkot pa rin niya ang naging tampuhan ng dalawa, lalo't alam niya na malalim ang naging pagkakaibigan ng mga ito.
"Siyempre, unfair, kasi di pa kami humahantong ni Mariel sa ganung klaseng friendship. Ano pa lang kami, text-text, hi, hello, bati-bati.
"Kami ni Celestine [Toni] ay iba. Mahal na mahal ko yun dahil nakakita ako uli ng isang kaibigan.
"Parang si Judy Ann Santos 'yan sa akin, na after ng trabaho kaibigan mo pa rin. Hindi man kami magkatrabaho—text, magkikita, magkukuwentuhan, magsasabihan ng loob. At saka hindi showbiz.
"Kami ni Mariel, magkaibigan kami, magkaibigan kami ni Robin. Mas magkaibigan kami ni Robin, nagmamahalan kami niyan.
"Nalulungkot ako sa nangyayari kasi masyadong magkaibigan sila ni Toni at masyado siyang nasaktan. Sabi ko nga kay Toni, maaayos at maaayos 'yan in time. Wag nilang madaliin, wag nilang puwersahin, maaayos din yan."
VICE GANDA. Bilang direktor ng Petrang Kabayo, agad rin siyang tinanong ng PEP kung hindi ba nagkaroon ng problema sa pagitan nila ni Vice Ganda lalo't open ang komedyante sa pagsasabing mayabang siya kahit noon pa.
"Alam mo si Vice, sinasabi lang niya na mayabang siya, na malaki ang ulo niya. Pero kung makikilala ninyo lang ang tunay na siya, malalaman ninyong mali!
"Kasi ako, di ako tutulong kung alam kong impakta ang tutulungan ko.
"Ako kasi nakilala ko si Vice na hindi pa siya sikat. Ako ang kauna-unahang direktor niya sa TV, yung Kokey. Ako ang kauna-unahang direktor niya [sa pelikula], sa Apat Dapat [Apat Dapat, Dapat Apat: Friends 4 Lyf and Death, 2006].






nagparetoke si toni ng nose.
Yung tawa
wala ng mas hihigit pa sa kaflirtahan ng hitad na ito, the only gurl na super sa pagka-flirtina..
di katulad ng iba dyan na BULOK ang PAGKATAO.....
kiko33
Question, paano mo nalaman na sinabi ni Mariel yun kay Toni na dokleng sya?
May problema talaga si Mariel kahit noon pa. Kahit sa PBB house nag BACK BITE SIYA ! Remember what she did to Riza?
Dapat lahat ng mga artista mag ingat kay Mariel. Sa LAHAT NG ARTISTA may sinasabi si Mariel na panlalait kapag nakatalikod na.
Mariel is the BACKBITING QUEEN !
Ang daming pina-ikot ikot sa kasal nila. Pati si Tina Monson Palma sinabihan sila - BAKIT NINYO PINA IKOT IKOT ANG MEDIA TUNGKOL SA KASAL NINYO ?
Dapat talaga ituloy na ng mga Igorot na ipa PERSONA NON-GRATA si Robin at Mariel !
Dapat pati mg MUSIM i ex communicate na si Robin sa mga pambabastos sa Muslim na ginawa niya !
Congrats to Toni, Vhong, Melai, Jason, Direk Wenn and all the cast !
Buti na lang may nakapagsabi kay Toni. Ang tagal na palang pinaplastic ni Mariel si Toni !