Kaseselebra pa lang nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ng kanilang fourth anniversary bilang magkarelasyon noong September 14, kumalat na ang balitang isang pares ng two-carat diamond earrings ang niregalo ni Derek sa girlfriend.
Sa mga nakaraang okasyon ay niregaluhan niya ang kasintahan ng kotseng Mini Cooper at Hermes bag.
Laging sinasabi ni Derek na hindi raw ang halaga ng mga regalo ang sukatan ng pagmamahal niya kay Angelica, kundi ang malinis niyang intensyon para dito. Pero hindi maiwasang isipin na mahal, in the literal sense din, kung magparamdam ang aktor.
PARENTS HELP CHOOSE EARRINGS. Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Derek noong Wednesday, September 22, sa taping ng Magkaribal, ayaw man niyang banggitin ang presyo ng hikaw ay naging bukas siya sa pagkuwento kung paano nila idinaos ang espesyal na araw na ito ng girlfriend.
"I tried to do something different. I asked her what she wanted to do for our anniversary. Sabi niya gusto daw niyang makakain sa Antonio's, so ang ginawa ko na lang nagpa-book ako sa Antonio's.
"She flew in kasi from the States, pero sinama ko ang parents ko. Pinaramdam ko sa kanya na wala siyang regalo kasi sabi niya yun lang ang gusto niya.
"It was really a good dinner. Even my dad texted me, 'I really enjoyed the dinner.' Kuwentuhan, 'tapos later on, binigay ko yung gift ko sa kanya.
"Muntikan na siyang himatayin, she never expected it. So natuwa naman ako sa reaction niya. From her reaction, I saw that she's really happy I gave her earrings."
Bakit yun ang naisipan niyang ibigay at totoo bang two-carat diamond earrings nga iyon?
"I dunno, kasi hindi ko naman talaga plinano," sagot ni Derek. "Whatever I feel, I just do it... Hindi yung kung ano ang kukunin ko para sa kanya. It's really what I want to get for her.
"She mentioned she wanted a watch, she wanted earrings... Since I've never gotten her earrings before, with a little help from my mom who's the professional—my mom and dad drove all the way from Tagaytay to Manila just to help me choose a set of earrings for Angel...
"Yeah, they're diamonds. She's happy because girls love diamonds. Di ko na lang babanggitin kung ilang carat but they're diamonds."
May nag-Twitter kay Angelica na fake daw ang mga hikaw at mabuting ipa-assess ito sa isang jeweler, bagay na ikina-react ng aktres. Ito naman ang sagot ni Derek:
"Whew! Well, actually... I've learned a lot in the process of buying this gift. Yung parang GIA certificate, yung mga ganun, so kasama ko pa ang nanay ko.
"I don't know where the tsismis came about that they're fake—but fake or real, she's happy with it.






malamang si Claulaw ang nagtsismis na peke yun dahil inggit nanaman sya.. pano naging aso na kse asawa nya.. hihihi..
Ay wait may asawa na pala ako..ahihi..
And in fairness..hindi pacute ang dalawang ito. hindi paligoy ligoy at walang ka ek ekan sa relasyon. they dont have to hurry to get married, bata pa naman sila. enjoy na muna nila yung time nila sa isat isa.
gANNda
September 28, 2010
01:45 AM
Derek is tall, dark and handsome, younger version ni Goma...ang nagsasabing hindi gwapo c derek... malabo ang mata!
----------
sorry but i can oly agree with the first part of your comment. kasi si derek very level-headed at may good sportsmanship, unlike richard gomez na pikon at napaaway sa sporting events dahil nga pikon...nung 1990's pati sa mga basketball games sa makati, like in dasma ang urdaneta village, halos ayaw na imbitahin yan dahil pikon at nakikipag-away...oh well, dati pa naman yun...pero please lang derek is nothing like that, so wag na lang i-compare.
admirable ang mga artista na sa araw araw na lang na nababato sila ng mga intriga, nadadapa man, bumabangon pa rin. tao lang naman sila na nasasaktan din lalo na sa mga detractors na makikitid utak at below the belt na.
4 years din kmi ng asawa ko,tma yong cnbi ni derek jan nu na makikilala ang isat isa f mtagal na kau amp; f deserving yong girl.GODBLESS BOTH OF U ANGEL amp; DEREK..
tumpak.
For sure c Clau ang nagtsismis na fake yun kasi inggitera naman yun eh!