Mr. Fu asks for prayers for his ailing father; gets emotional send-off from Tweetbiz co-hosts

Glen P. Sibonga
Saturday, September 25, 2010 @ 08:25PM  |  120 views

Comic DJ Mr. Fu's heart felt doubly heavy yesterday. On the same day that he was saying good-bye to Tweetbiz, his father had suffered a stroke in Riyadh. "I cancelled some rehearsals...sa radyo lang ako. Kasi sa radyo...kaya kong i-acting yung masaya. Sa TV medyo mahirap... Yung tatay ko nasa ICU ngayon sa abroad. Napaka-helpless ko kasi, parang ayoko sanang magtrabaho."

Photo By: Glen P. Sibonga













Dobleng kalungkutan ang nararamdaman ni Mr. Fu dahil kasabay ng kanyang pamamaalam sa Q-11 showbiz program na Tweetbiz kagabi, September 24, ay may mabigat din siyang problemang kinakaharap kaugnay ng amang nasa Riyadh.

Napaulat na na-stroke daw ito kamakailan. Muntik na tuloy na hindi pumunta ang comic DJ sa last day niya sa Tweetbiz.

Pero sumipot din siya at malungkot niyang inilahad, "I cancelled some rehearsals, I cancelled some appointments for this week, sa radyo lang ako.

"Kasi sa radyo hindi naman halata, kaya kong i-acting yung masaya. Sa TV medyo mahirap.

"Pero sabi ko, since last day ko, kailangan kong pumunta. Pero supposedly, magpapaalam ako, sasabihin ko hindi ako darating.

"Because alam naman natin na yung tatay ko nasa ICU siya ngayon. Although nasa abroad siya. Napaka-helpless ko kasi, parang ayoko sanang magtrabaho.

"Parang gusto mong huwag na munang magtrabaho, 'tapos hintayin mo na lang na maging okay siya, 'tapos saka ako babalik sa trabaho. Pero sabi nga ni Kuya Germs, 'The show must go on...'"

Ang tanging request niya lang daw sa mga tao ay ipagdasal ang kanyang tatay.

"Sabi ko nga, never akong namroblema nang ganito. I don't like negative things.

"Pero ngayon ko lang na-realize na iba pala pag pamilya. No amount of success can replace your family.

"So, kung kukunin siya, sana kunin na siya. Kasi nahihirapan na yung tao.

"Pero I wish him well na sana maging okay na. So, yun lang yung hiling ko pati sa mga taong nanonood, dasal para sa tatay ko.

"Yun lang, prayers for my dad."

LEAVING TWEETBIZ. Gaya na ng nasabi ni Mr. Fu rati, ayaw niya sanang umalis sa Tweetbiz dahil ito ang first regular TV show niya.

Una kasi siyang nakilala bilang DJ sa radyo. Pero mas lumawak ang kanyang career sa pagdating ng Tweetbiz sa buhay niya.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name