news

Eat Bulaga! in Anaheim, California (Part 2): The highlights and sidelights
by Anna Pingol posted on September 26, 2010  STATS: 663 Views | 19 Comments

In Anaheim, there was no sign of tension between Pia Guanio and Vic Sotto, who had seemed to be on the verge of breaking up last July. The relationship, which Pia had described as "under construction," seems to have righted itself. The Eat Bulaga! Dabarkads went to California to stage a show in Anaheim last September 18.

Photo By: Anna Pingol

Ang buong hapon ng Friday, September 17, ay iginugol ng Dabarkads sa rehearsals. By this time ay malinaw na sa lahat na hindi na rin talaga makakahabol sa Anaheim si Tito Sotto.

Bukod raw kasi sa apong si Romino ay pati pala ang nanay nitong si Apple, panganay ni Tito, ay na-dengue rin. Worried si Tito na baka habang nasa malayo siya ay may kung anong mangyari sa mga mahal niya sa buhay.

Samantala, napansin naming nanumbalik na ang pagka-sweet nina Bossing Vic at Pia. Matatandaang noong July ay napabalitang nag-break na ang magkasintahan at inamin later on ni Pia sa kanyang talk show na Showbiz Central na ang kanila ngang relasyon ay "under construction" noong mga panahong iyon.

At bago pa man tumulak pa-America ang grupo ay may ugong din na may hidwaan pa ang dalawa lalo't hindi sila sabay na umalis ng Pilipinas. September 14 lumipad si Pia kasabay ng grupo nina Joey de Leon samantalang September 16 naman si Vic, kasabay nina Jose Manalo.

However, ang tunay na dahilan ng pagka-late ni Bossing ay dahil nagsu-shooting na kasi ito ng kanyang Metro Manila Film Festival entry na Agimat ni Enteng na co-production nila ng co-starring din niyang si Senator Bong Revilla.

THE SWEETNESS IS BACK. Sa Anaheim ay hindi namin nabakas na nagkatampuhan man lang ang dalawa. Bagamat wala sila gaanong bonding moments dahil gahol sa oras ay hindi naman naghihiwalay ang dalawa liban lamang noong araw ng rehearsals noong Biyernes ng gabi doon (Sept. 17) dahil mas maaga ang call time ni Pia sa venue kaysa kay Bossing. In fact, hindi na nga sumama si Pia sa last leg ng meet-and-greet the previous night dahil alam niyang parating na si Bossing sa hotel at gusto niyang asikasuhin ito pagdating sa hotel.

The next day ay sinamahan pa ni Bossing si Pia nang i-meet nito ang ilang kamag-anak niyang nakabase sa California. Dito na rin nila naisingit ang pagkain sa Five Guys burger na sadyang ipinahanap pa ni Bossing kung saan sa Orange County meron nito. Sa East Coast pa raw kasi nag-originate ang burger na ito at nabalitaan daw niyang masarap kaya gustong niyang i-confirm.

Tinanong namin kay Bossing kung okay nga, at oo raw. "Pati fries nila, iba. Fresh. Nakalagay doon, today's fries is from Washington... baka sa iba-ibang lugar galing. May libreng mani pa nga, e."

Sa mga hindi nakakaalam, parehong mahilig sa pagkain at sa pag-try ng iba't ibang restaurants ang magkasintahan. In fact, ang buong EB Dabarkads ay sa pagkain din nagkakasundo kaya nga kapag nasa abroad ay inaalam nila kung saan o ano ang masasarap na kainan at siya nila itong pupuntahan.

Mabalik tayo sa sweetness ng dalawa...

Panay ang biro ni Bossing kay Pia bilang pang-aalaska dito. Halimbawa sa rehearsals ay ginagaya nito ang pagsayaw ng nobya, na aminado namang hindi kagalingang magsayaw.

Sa backstage naman before the show noong Sabado (Sept. 18) ay kinurot pa ni Bossing si Pia sa may bandang kili-kili habang nakatalikod ito at busy sa pagpo-pose à la-model para sa mga camera ng PEP at ni Allan Diones ng Abante Tonite. Natatawang nagalit kunyari si Pia at hinabol ito, sabay malambing na nagbitiw ng, "Ano ba?"

Ayon kay Pia, si Kim Kardashian ng US reality show na Keeping Up with the Kardahisans ang ginayahan niya ng hairdo niya on that day. Favorite daw niya kasi ito at maging hanggang doon ay nakatutok siya sa show kapag nasa kuwarto ng hotel.

Pero biniro siya ni Allan Diones na hindi si Kim Kardashian ang naging kamukha niya kundi si Kim Chui, kaya naman nang lambingan namin sina Pia at Vic na kuhanan ng picture together, humirit naman si Allan kay Bossing, na siya naman si Gerald Anderson.

Pero dahil gaya ng buddy niyang si Joey de Leon na updated sa mga showbiz happenings sa Pilipinas, humirit din si Bossing: "'Wag na 'yon, break na sila, di ba? May Bea [Alonzo] na si Gerald?"

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  jhe_tinkerbell

    12/10/2010 | 07:11 PM
    wala talagang makakatalo sa eat bulaga..Number 1 pa rin kahit anong itapat..go go go eat bulaga..!!!don't stop experimenting new games..The best..God Bless..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  Syete

    09/28/2010 | 03:25 AM
    sana punta din sila sa canada..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  1standten

    09/27/2010 | 09:05 PM
    hanggang ngayon ba pinag aawayan n'yo parin ang eat b at wowowie? mga GUNG GONG AT MGA BAKLANG GUNG GONG, mag si tigil na kayo. kung wala kayong magawa, matulog na lang kayo !!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  sasha19

    09/27/2010 | 06:12 PM
    Si Vic at Pia..walang kagimik gimik sa katawan. I admire this couple. Nasa ayos. hindi pacute at direct to the point. Walang paligoy ligoy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  rubyanjel07

    09/27/2010 | 03:33 PM
    walang pakialaman sa article ng may article. if you want a more quot;sensefulquot; article, then make your own, stupid.

    and hello, mas naunang mag-exist ang eat bulaga sa wowowee so why would it be extinct kung nageexist pa ang quot;favorite show moquot; na wowowee? ayun, sundan mo papu mo sa tv5, wag dito sa pep.


    i like the details! i just wonder what the other dabarkads were doing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  magsasaka

    09/27/2010 | 03:06 PM
    Hindi lang nawala ang wowowee, pati host nagwala na dahil sa walang kwentang wowowee, kaya walang-wala sila sa EB.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  ichigo510

    09/27/2010 | 01:36 PM
    me naligaw na isang comment dito...
    di matanggap ang pag kawala ng paborito niyang show. LOL!

    eat bulaga! the unbeatable, unstoppable! kahit ano pang show ang itapat sa kanila. bumaba man ang rating di parin matitinag ng ibang show.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  ching75

    09/27/2010 | 12:09 PM
    hindi pa pinapanganak ang tatalo sa Eat Bulaga...Long Live TVJ!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  kcprettyangel

    09/27/2010 | 11:45 AM
    Magsaya kayo dahil nawala ang Wowowee.
    Kung hindi wala ang eatbulaga ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kadabarkads

    09/27/2010 | 08:34 AM
    good job dabarkads...nilampaso ang da tetay show sa kabila. wlang ka kupas kupas, pero sana si Pia guanio da pangitz na duling mwala na dyan pra ala nang maarte na feeling mganda sa EB
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinaysausa

    09/27/2010 | 07:36 AM
    wow!.. we really enjoyed the show!!! clap! clap!... special mention: ALLAN K!!! grabeeee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ICUM2U

    09/27/2010 | 06:49 AM
    Sana pumunta rin sila dito sa Bay Area para makapanood ng EB....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • leryfabmar

    09/27/2010 | 04:09 AM
    NICE DABARKADS cguro dito nmn next time s NEW YORK kitakits
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jjjohn

    09/27/2010 | 03:24 AM
    WALANG DATING. WALANG KWENTANG ARTIKULO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Petite08

    09/27/2010 | 01:46 AM
    Well detailed at parang ma picture out mo kung anong nangyayari... Hope they will televise the show! :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bears

    09/27/2010 | 01:00 AM
    ang ganda ng samahan ng nga dabarkads...saludo ako kay mr.tuviera..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cornedbeef

    09/27/2010 | 12:22 AM
    to ms. pia, laging namumulsa kahit walang bulsa, parang mannerism na, di po maganda, pls get rid of this mannerism.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iluvkapuso_68

    09/27/2010 | 12:03 AM
    sweet nla pia and bossing. bgay na bgay!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tatoyadik

    09/26/2010 | 06:07 PM
    nice pep detalyado tlga ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About