Nagulat kami nang makita namin si Raymond Bagatsing sa taping ng Paparazzi kahapon, September 25, sa Visual Lights Studio sa Makati. Wala kasing balita na nasa bansa na pala ang award-winning actor.
Ilang taon din siyang namalagi sa Amerika at naging kontrobersyal nang malamang nagpakasal siya sa 60-year-old U.S.-based Filipino columnist na si Cora Pastrana.
Hindi pa rin nauubusan ng sorpresa si Raymond. Laking gulat uli namin nang ipakilala niyang girlfriend ang kasama niya sa taping ng Paparazzi, na si Ilka Cortes, isang Mexican-American.
MARRIED FOR LOVE. Kaya ang tanong namin sa kanya, what happened to his marriage with Cora?
"Past is past," nakangiti naman niyang sabi. "Wala na, tapos na."
Diretso na naming sinabi sa kanya na nang mabalitaan ang pagpapakasal niya kay Cora, nagdulot ito ng iba't ibang ispekulasyon at komento. Karamihan ay nagsasabing baka "marriage of convenience" lang ang nangyari sa kanila ng kolumnista.
"Yun ang tingin nila...," ang sagot ni Raymond.
Pero para sa kanya, "You marry people because of love.
"Of course!" tahasan pa niyang sinabi. "Why would you marry someone if it's not because of love?"
Marami kasing kumuwestiyon kung talagang posible raw bang na-in love siya sa isang babaeng doble ang edad sa kanya?
"Posible, posible! Sabi ko nga, e, age doesn't matter. If you don't mind, then it doesn't matter."
Ayon kay Raymond, na isang green-card holder na mula Disyembre 2009, nag-divorce sila ni Cora less than a year after their wedding. Pero maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay.
"Good friends... we're good friends," sabi nga niya.
Isang buwan na pala siya sa bansa pero hindi raw muna siya nagpapaka-visible sa showbiz.
"Siyempre kasi, uunahin ko ang pamilya ko. Four years kaming hindi nagkita, so, hindi ko inuna ang showbiz, hindi ko inuna ang interview. Na-miss ko ang Pilipinas, na-miss ko ang pagda-drive sa Pilipinas.






Very well said! Two weeks ago, I've decided that I've had enough of the American life and so I am homeward bound - for good - in a year. Fifteen years of living and learning here has equipped me to start my career over in my home country.
Best wishes Raymond! Find your self. Find your happiness.
May iba dyan, binabayaran yung Amerikano para maging asawa ng Pinay para lang makapunta sa Amerika.
Hahahaha.... shame.. shame...
D po sinabing Ilka Cortez is popular sa US. Popular yung mga artist na ginagawan niya ng song. She is mostly behind-the-scenes pero known na rin siya na composer.