"Imagine, despite her busy schedule now, yung career niya, ang dami pa niyang project, may bago pa siyang billboard. That's her. She will take time to visit me here, if her schedule permits her. She's very, very supportive and, like I said kanina, parang hulog ng langit," says Ilocos Sur Congressman Ronald Singson about rumored girlfriend Lovi Poe (inset).

Photo: Noel Orsal

Sinadya ng Showbiz Central co-host na si Raymond Gutierrez si Ilocos Sur Congressman Ronald Singson sa Hong Kong para sa isang exclusive interview. Ipinalabas ang naturang interview kahapon, September 26.

Patuloy pa rin ang pagdinig sa drug trafficking charge kay Ronald sa Hong Kong.

Matatandaang naaresto ang kongresista at concert producer noong July 11, 2010 pagkatapos siyang mahulihan ng cocaine sa Hong Kong International Airport. (CLICK HERE to read related story.)

Kinumusta muna ni Raymond ang kalagayan ni Ronald. Kilalang malapit na magkakaibigan ang mga magulang ni Raymond na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez sa ama ni Ronald na si Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

"Okay naman. Honestly, okay naman. Given the circumstances, mabuti naman ang kalagayan ko ngayon. But of course, mas gusto ko naman na nasa Pilipinas din ako. Nami-miss ko rin yung...I miss home," sagot ni Ronald.

SURETY BOND. Mahigit tatlong buwan nang nasa Hong Kong si Ronald at kasama na rito ang ilang linggong pananatili niya sa isang correctional facility.

Pansamantala siyang nakalaya pagkatapos niyang mag-post ng bail. (CLICK HERE to read related story.)

Nilinaw ni Ronald na hindi siya naka-house arrest.

"Hindi, hindi...I'm on bail. Which means, I'm on temporary liberty," sabi niya.

Nilinaw rin ni Ronald ang tungkol sa kanyang bail.

"Yung bond doon... Actually, yung bail ko do'n, yung two million [Hong Kong dollars] na sinasabi, actually, yung bail ko ro'n is one million. Then, 500,000 Hong Kong dollars for each surety ko."

Ang "surety bond, ayon sa www.co.bannock.id.us, "is an agreement made between one or more persons and a bond agent where the bond agent agrees to post the necessary bail so that a defendant can be released from jail."

Pagpapatuloy ni Ronald, "So, yung dalawang pamilya na kaibigan namin dito, 500,000 [Hong Kong dollars] each and then one million. But all of it, yung total bail bond, after this case, makukuha rin namin yun or makukuha rin nila. Hindi ho gastos yun."

LOOKING BACK. Sumunod nito ay tinanong ni Raymond si Ronald kung ano ang naging pakiramdam niya noong nasa Hong Kong International Airport siya at nangyari ang mga nangyari.