news

Arnell Ignacio denies giving Suzuki Sadatsugu expensive cellphone and P250,000 motorcycle

by John Fontanilla posted on September 30, 2010  STATS: 27351 Views | 31 Comments

 

Comedian-host-entrepreneur Arnell Ignacio says he did not give Suzuki Sadatsugu a BlackBerry cellphone and a P250,000 motorbike. Instead, Arnell admitted giving the Japanese-Filipino hunk a toy helicopter. "Kaya nung binili at binigay ko sa kanya, tuwang-tuwa! Sobrang nagpapasalamat. Bumili rin ako ng dalawa. Isa sa kanya at isa sa akin. Ayun, yung sa akin hindi ko pa napapalipad."

Photo By: Noel B. Orsal

Mistulang nasa Cloud 9 nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Arnell Ignacio sa GMA-7 kahapon, September 29. Kinumpirma kasi nito na nakapunta na siya sa bahay  ni Suzuki Sadatsugu, ang  model turned actor na nali-link sa kanya.

Ayon kay Arnell, narating na niya ang bahay ni Suzuki sa Gagalangin, Tondo. Nakilala na rin daw niya ang pamilya ni Suzuki. Mula sa lola, tatay na Hapon at nanay na Pinay, hanggang sa mga tita at kapitbahay ng Japanese-Filipino hunk ay nakaharap ni Arnell. Dinala pa raw siya ng pamilya ni Suzuki sa restaurant ng mga ito, ang Suzuki Japanese Pinoy Food.

 "Pati nga mga tambay sa kanila kinaibigan ko na at nakipaglaro ako ng dart, ha-ha-ha! Kaya mo yun?"

"Pero, no, kidding aside, masaya talaga, kasi hindi ko inakala na iimbitahan ako ni Suzuki sa birthday ng mommy niya. Kaya naman na-touch talaga ako at talagang from MOA (SM Mall Of Asia) pumunta talaga ako ng Tondo. Ha-ha-ha!" kuwento pa ni Arneli.

Hindi ba siya kinabahan o kaya'y natakot na makaharap ang pamilya ni Suzuki, lalo na ngayong kalat na kalat yung issue sa kanilang dalawa?

"Naku, sanay na ako sa ganyan, yung mga nakikilala kong lalaki, sinasabi ko talaga na, 'Pupunta ako sa bahay niyo, ha. Para makilala ko ang mommy at pamilya mo.' Yung lalaki pa nga ang naloloka. Pero sinasabi ko na, 'Bakit, kinakahiya mo ba ako? Kung kinakahiya mo ako, ngayon pa lang maghiwalay na tayo.'

"Sinasabi ko sa kanila na mas maganda nga, maaga pa, alam na nila. Ipakita na natin para hindi na sila masyadong mag-isip ng kung anu-ano. At least alam na kaagad nila.

"Kaya nang pumunta ako kina Suzuki, nagsama pa talaga ako ng interpreter na marunong mag-Hapon. Ha-ha-ha! Kasi hindi ako marunong mag-Niponggo.

"Pumunta naman ako kina Suzuki dahil inimbitahan niya ako sa birthday ng mommy niya at bilang kaibigan. Matalik na kaibigan. Ha-ha-ha!" makahulugan at may diing sabi ni Arnell.

Tuwang-tuwa raw ang daddy ni Suzuki, na hindi makapaniwalang pumunta si Arnell sa Tondo para makilala lang sila nang personal.

"Ambait ng daddy niya. Ang galing magluto. Bale siya yung nagluluto sa restaurant nila at nanghuhula. Titingnan ka lang niya sa mukha mahuhulaan ka na niya. Yun nga lang, hindi kami masyado nakapag-usap kasi nga Hapon at dumadaan pa sa interpreter. Ha-ha-ha!" tawa nang tawa pang kuwento ni Arnell.

GOOD IMPRESSION. Kung okey si Arnell sa daddy ni Suzuki, kumusta naman ang pakitungo sa kanya ng mommy, lola at iba pang kamag-anak ni Suzuki?

"Okey naman, mabait sila sa akin, tsika-tsika. Nahiya nga ako kasi nang pumunta kami dun, sobrang gutom na gutom kami kaya naman lamon yata yung ginawa namin. Pero alam kong natuwa sila kasi kitang-kita nila na nasarapan kami sa pagkain na niluto ng daddy ni Suzuki," sagot ng comedian-host-entrepreneur.

Ano naman ang sabi ng pamilya ni Suzuki tungkol sa isyu sa kanilang dalawa?

"Wala naman, sabi ko sa kanila ganun talaga sa showbiz. 'Tsaka sabi rin naman ng parents ni Suzuki na hangga't hindi ka gumagawa ng masama, walang problema dahil tsismis lang naman yun.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

31 Comments

  • 31  abel_pinoy

    10/02/2010 | 02:16 AM
    This article has no relevance at all. Isang laos at isang unknown. pakitanggal na.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 30  concerndsom1

    10/01/2010 | 10:40 PM
    In love sya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  zama_jap

    10/01/2010 | 05:04 PM
    27
    skyward
    October 1, 2010
    14:28 PM
    -------
    pati words na pagtawa or laugh di na rin pwede..nakakanis na ang PEP masyado na OA..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  badjaobabe

    10/01/2010 | 02:45 PM
    27
    skyward

    oo no. it took me ages to figure out anong banned na word sa comments ko kya pinag hiwawalay ko para ma filter ko kumbaga...kainis ang PEP, di man lang tayo inotify ano yung banned na words ng di tayo napapakamot ng ulo kahit wala naman tayong kuto!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  skyward

    10/01/2010 | 02:28 PM
    naloka ako sa pep, banned word ang B.A.D.I.N.G???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  skyward

    10/01/2010 | 02:23 PM
    c susuki mahilig sa bad-ing, una c justin ferrer ngayon arnel ignacio na nmn..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  abel_pinoy

    10/01/2010 | 10:26 AM
    hindi raw si suzuki sadatsugu ang ka-on ni Arnel, yong isang japanese na halos pareho sila ng name. Model din yong guy and I think ang name niya is Suzumi Sagadzubu.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  totoysipa

    10/01/2010 | 09:36 AM
    Natatawa ako sa comments dito.

    Imagine, magka-level na pala sina Arnelli at Mariel? Level sa pagka-kilig at in-lab-in-lab-an kuno.

    Feeling daughter-in-law si Arnell, hahaha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  zama_jap

    10/01/2010 | 07:53 AM
    Just be smart gurl..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  prettysophia

    10/01/2010 | 07:23 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  badjaobabe

    10/01/2010 | 06:32 AM
    'siempre flattered ka thinking na Sabel this must be love na nga ang drama nyong dalawa...hanggang sa tuluyan ka ng mainlab, nasa cloud 9 ka na, ayaw mo ng bumaba. sa sobrang pagkahuma-ling mo, di mo na namalayang nailipat mo na pala sa pangalan ng iyong papa ang titulo ng kotse, bahay at lupa!

    gaya ng sabi ni happygolucky: 'proceed with caution' na lang...like pa naman kita.'
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  badjaobabe

    10/01/2010 | 06:32 AM
    'that way mahuhulog ang loob mo sa kanya. You will be so proud of him at ipag yayabang mo ito sa mga friendships na halos lahat ng raket at delihensya pinapasukan masustentohan lang ang bilmoko boyfriends...'
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  badjaobabe

    10/01/2010 | 06:28 AM
    'masyadong naive naman tong si mama arnelli...siempre di yan tatanggapin agad ni suzuki ang mga una mong binibigay sa kanya para isipin mong naiiba sya at hindi material na bagay lang ang habol nya sa yo...'
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  loshang

    10/01/2010 | 04:38 AM
    Gross! Bow.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  earls88

    10/01/2010 | 04:17 AM
    KALORKY ka arnel...

    natikman na ni arnelie ang luto ng tatay ni suzuki...

    Kabog nga si mAriel dito..
    hahahaha





    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  spicytalks

    10/01/2010 | 01:57 AM
    Ay, wala na ba sila nung asawa niya? In love na in love si Arnel. haha.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  palengkera

    10/01/2010 | 01:53 AM
    kayHABA ng hair ni kumareng Arnel. Well, my only piece of unsolicited advice to arnel: work lang nang work, para may may-i-give lang nang give kay Papa Suzuki!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  Blood_Orchid

    10/01/2010 | 01:43 AM
    Good for you Arnell, at least di nyo tinatago at dini-deny to death. There is nothing wrong with that, kung kami mga straight we flaunt our love affairs you have the same right to express what you feel. Thumbs up!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  r2kin2

    10/01/2010 | 12:49 AM
    ang haba ng hair ni arnel . sana mag kwento sya ng experience nya after kung sila na.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  shidax

    10/01/2010 | 12:42 AM
    Feeling nasa cloud 9 si arnel.......aminin e ano naman kung nagbigay ka pera mo naman yan?basta kaibigan lang ang turing ha...nakakatawa talaga itong baklesh na to.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About