news

Vice Ganda on MTRCB Chief Consoliza Laguardia: "Hindi siya nag-e-exist sa akin."

by Mark Angelo Ching posted on October 5, 2010  STATS: 52007 Views | 225 Comments

 

Vice Ganda told the press that he should not be criticized because he is not the only person who has bad manners.

 

"Aminado ako, meron akong masasamang ugali, meron akong masasamang gawi. Ang tanong ko, sino ba dito ang wala? He who has not sinned, cast the first stone!" he said.

 

Photo By: Noel B. Orsal

Matapang ang mga binitawang salita ng stand-up comedian na si Vice Ganda kagabi, October 4, sa presscon ng Petrang Kabayo na ginanap sa City Best Seafood Garden sa Tomas Morato, Quezon City.

Inihayag ni Vice ang kanyang saloobin sa pahayag ng chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Consoliza Laguardia na dapat mag-ingat si Vice sa mga pagiging hurado nito sa Showtime, dahil minsan ay may double meaning daw ang binibitawan nitong biro.

Nabanggit ni Laguardia ang kanyang paalala kay Vice sa pagbisita niya sa Paparazzi ng TV5 noong Linggo, October 3.

Paglilinaw ni Vice, matagal na raw niyang sinasabi na "walang anumang salita ang marumi."

"Walang masamang salita," paliwanang ni Vice. "Ang nagpaparumi sa isang salita ay isang maruming kaisipan.

"Ako, nagsalita lang ako ng simple, ang nag-isip ng masama ay yung taong nakarinig. So, hindi ako dapat i-monitor niya kundi yung utak niya kasi siya yung nagbigay ng kahulugan sa sinabi kong simple. Di ba?

"Problema niya na 'yon. Hindi ko na problema."

Dagdag pa niya, "Okay lang naman yung sinasabing dapat mag-ingat. Nag-iingat ako dahil may obligasyon din naman ako dun sa mga taong nanonood sa akin."

Aminado si Vice na trabaho nga ng MTRCB ang pag-monitor sa mga programa sa telebisyon. Kaya lamang, ayaw raw ni Vice na parang siya at ang Showtime ang tinututukan nito.

"Yun nga lang, yung sinasabi niyang tinututukan, yun pa lang isang malaking pagpapatunay na pinag-iinitan niya na ako at pinag-iinitan niya na yung programa namin.

"Kasi kapag sinabi mong 'tumutok,' sa amin ka lang tumitingin. E, paano yung ibang obligasyon mo sa ibang palabas? E, di napabayaan mo na kasi pinag-initan niya na?" pahayag ni Vice.

NOT AFRAID. Hindi rin daw siya natatakot kay Laguardia o sa MTRCB.

"Kung natatakot man ako, sa Diyos lang ako matatakot at sa nanay ko. Kay Laguardia, hindi," sabi ni Vice.

"For as long as alam kong... Hindi naman ako gano'n katanga para gumawa ng isang bagay na alam ko nang mali, pero ginawa ko pa. Kung ano yung alam kong tama, yun lang ang gagawin ko sa harapan at hindi sa harapan ng mga tao."

Hindi rin daw natatakot si Vice na masuspinde na naman sa ere ang Showtime. Matatandaang nasuspinde na ang nasabing ABS-CBN program ng 20 araw dahil sa pahayag ni Rosanna Roces, na naging isa ring hurado, laban sa mga guro. (CLICK HERE to read related story.)

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

225 Comments

  • 25  lawrenzo

    10/05/2010 | 03:31 PM
    bwiset din ako kay laguardia, sarap tirisin ng mukha niya. dapat magka simpatiya ako kay vice. pero may pagka mayabang sa akin ang dating.

    kill her softly with your swabeng pagtataray.. di ganyan na mayabang ang dating lol!

    goodluck sa petrang kabayo.. nagustuhan ko ang trailer. sana pumatok ng husto sa takilya.

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  goodlooks

    10/05/2010 | 03:31 PM
    ang may ayaw lang nman k vice yung mga kapusonegro
    maraming followers ang showtime
    isa sa mga inaabangan ko talaga
    yung mga komento ni vice...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  teardropsfall

    10/05/2010 | 03:30 PM
    hahhaha... i love showtime and other absshows..... kaso i just don't have enough time to watch all the tv shows.. kasi work.. house chores.. and personal life.. di ba? life..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  sleepingchild

    10/05/2010 | 03:29 PM
    vice ganda is smart. muka lng tlgang mayabang ang sagot nya dahil un ang natural reaction nya about sa issue.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  lawrenzo

    10/05/2010 | 03:29 PM
    kaya nga dapat ayusin. may paraan ng pagtataray na magugustuhan ka ng tao. ako minsan gusto ko si vice, minsan hindi. kaya dapat medyo ayusin niya.. para din naman sa kabutihan niya ang suggestions natin na medyo hinay hinay lang.

    si john lapuz, may pagkamataray din ang dating.. pero madalas sweet siya kahit galit. parang hindi mayabang ang dating. kay vice.. mayabang talaga ang dating.

    dapat din.. daanin niya sa lambing ang inis niya. kunsabagay.. baka gusto niyang makilalang taray queen.. parang si maricel lol! lovable naman si maricel sa pagtataray niya dati lol!

    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  poshpixie

    10/05/2010 | 03:29 PM
    Konting humulity naman diyan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  goodlooks

    10/05/2010 | 03:28 PM
    tama lahat ng sinabi ni vice
    masyadong OA kasi ang MTRCB...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  teardropsfall

    10/05/2010 | 03:19 PM
    di lang refined and pagkasabi ni Vice kasi nga bakla s'ya diba? don't get me wrong i like him... but sometimes the way he expresses his side is harsh ang dating but ibat ibang tao ibat iba ang pag uunawa at dahil d'yan di nag kakaintindihan...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  ultimateikon

    10/05/2010 | 03:16 PM
    parang nayabangan yata ako sa kanya ngayon... malawak ang pang-unawa ko pero hindi ko gusto mga sinabi niya... nagyabang talaga sya... sana naman nagdahan-dahan sya sa pagsasalita... isipin nalang sana niya ang mga taong tumitingala sa kanya... mga taong humahanga sa kanya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  hiramukha

    10/05/2010 | 03:14 PM
    kung ako nasa katayuan niya isang Normal lang na reaksyon yan.....kung kau ba nasabihan ng hindi matino hindi ba kau magrereact sa negatibong aspeto??c Vice ganun din...nag komento lang sya ng saloobin niya....bakit ba hindi pansinin ng MTRCB ang juicy at paparazzi LALO NA C FERMIN NA BRUHITA bakit hindi e censor ung mga pinagsasabi nila....ano to nabayaran ba c laguardia ng TV5...dahil ba ito sa kasong natalo ang MTRCB laban sa Showtime....may puot na namumuo sa loob ng laguardia na ito.....hindi man maayos ang kilay ayan rumarampa na naman sa TV5 baka daw kc madevelop at magka love team din....GO VOCE!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  teardropsfall

    10/05/2010 | 03:14 PM
    hmmm wala bang freedom of speech? bakit mayabang ang dating.. kasi nag eexpress ng feelings n'ya? .. the truth hurts.. but the truth will set you free...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  lawrenzo

    10/05/2010 | 03:05 PM
    hindi naman dapat katakutan si ngetpang si laguardia lol!

    pero si vice, dapat hinay hinay dahil nagiging nega ang dating. may swabeng pagtataray hindi ganyan. ang daming sinabi. dapat one liner lang... wala ka pang masyadong napatunayan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  dyoy19

    10/05/2010 | 03:05 PM
    yabang naman nito. kulang pa rin sa ethics.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  hotmomma29

    10/05/2010 | 03:04 PM
    hindi mayabang si Vice, sinasabi lang nya kung ano ang tunay na nararamdaman nya, ganyan ang normal na tao at nagpapakatao. Never ba sa buhay nyo na nakapagsalita kau ng ganyan ka straight at ganyan ka frank? kasi kung hindi pa ngyari sa buhay nyo yan, KAYO NA! KAYO NA ANG PERFECT! baket kaya ganyan tau mga tao, kung normal na tao ang nagsalita nyan at hindi isang Vice for sure keri lang, normal lang, eh purket si Vice nagsalita nyan, mayabang na? hahay, ang ibang tao may masabi lang talaga...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  hiramukha

    10/05/2010 | 03:01 PM
    I REVIEW DAPAT KC ANG JUICY AY PAPARAZZI,,,lalo na ung mga comments ni Fermin..na mas talagang barubal....tama naman c Vice,,hindi dapat sya matakot kay laguardia dahil wala naman syang dapat ikatakot...tuloy natalo ang MTRCB sa kaso nila laban sa SHOWTIME....good luck petra...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  GMA7AROUNDTHEWORLD

    10/05/2010 | 02:57 PM
    wow ang yabang mo..ang laki ng ulo mo sana maging successful ka...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • brentmania69

    10/05/2010 | 02:55 PM
    whoa!! GRABENG KAYABANGAN naman nyan!
    kala ko, c Willie na ang PINAKA---may mas malala pa pala!
    hay naku, dna talaga sila NATUTO!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gandalng

    10/05/2010 | 02:55 PM
    dahan dahan lng vice masyadong mayabang at mataray ang dating mo..try mong basahin ang mga cnv at ikaw n mismo ang makapagpapatunay n punung puno n ng hangin ang utak mo....ang pera s bulsa dapt ilagay ndi s utak...ang kasikatan pangsamantala lng yan...ngaun ckat k baka bukas makalawa butata kn...konting preno s mga salita...kulangot k plng...saka kn magyabang pag may napatunayan kn....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    10/05/2010 | 02:54 PM
    bkt kya hndi i review ni laguardia anh juicy at paparazzi, khit nevr ko pa napanuod yan, dami ko naririnig jan..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    10/05/2010 | 02:51 PM
    grabe n itong si laguardia!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About