[x]

 

Vice Ganda told the press that he should not be criticized because he is not the only person who has bad manners.

 

"Aminado ako, meron akong masasamang ugali, meron akong masasamang gawi. Ang tanong ko, sino ba dito ang wala? He who has not sinned, cast the first stone!" he said.

 

Photo: Noel B. Orsal

Matapang ang mga binitawang salita ng stand-up comedian na si Vice Ganda kagabi, October 4, sa presscon ng Petrang Kabayo na ginanap sa City Best Seafood Garden sa Tomas Morato, Quezon City.

Inihayag ni Vice ang kanyang saloobin sa pahayag ng chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Consoliza Laguardia na dapat mag-ingat si Vice sa mga pagiging hurado nito sa Showtime, dahil minsan ay may double meaning daw ang binibitawan nitong biro.

Nabanggit ni Laguardia ang kanyang paalala kay Vice sa pagbisita niya sa Paparazzi ng TV5 noong Linggo, October 3.

Paglilinaw ni Vice, matagal na raw niyang sinasabi na "walang anumang salita ang marumi."

"Walang masamang salita," paliwanang ni Vice. "Ang nagpaparumi sa isang salita ay isang maruming kaisipan.

"Ako, nagsalita lang ako ng simple, ang nag-isip ng masama ay yung taong nakarinig. So, hindi ako dapat i-monitor niya kundi yung utak niya kasi siya yung nagbigay ng kahulugan sa sinabi kong simple. Di ba?

"Problema niya na 'yon. Hindi ko na problema."

Dagdag pa niya, "Okay lang naman yung sinasabing dapat mag-ingat. Nag-iingat ako dahil may obligasyon din naman ako dun sa mga taong nanonood sa akin."

Aminado si Vice na trabaho nga ng MTRCB ang pag-monitor sa mga programa sa telebisyon. Kaya lamang, ayaw raw ni Vice na parang siya at ang Showtime ang tinututukan nito.

"Yun nga lang, yung sinasabi niyang tinututukan, yun pa lang isang malaking pagpapatunay na pinag-iinitan niya na ako at pinag-iinitan niya na yung programa namin.

"Kasi kapag sinabi mong 'tumutok,' sa amin ka lang tumitingin. E, paano yung ibang obligasyon mo sa ibang palabas? E, di napabayaan mo na kasi pinag-initan niya na?" pahayag ni Vice.

NOT AFRAID. Hindi rin daw siya natatakot kay Laguardia o sa MTRCB.

"Kung natatakot man ako, sa Diyos lang ako matatakot at sa nanay ko. Kay Laguardia, hindi," sabi ni Vice.

"For as long as alam kong... Hindi naman ako gano'n katanga para gumawa ng isang bagay na alam ko nang mali, pero ginawa ko pa. Kung ano yung alam kong tama, yun lang ang gagawin ko sa harapan at hindi sa harapan ng mga tao."

Hindi rin daw natatakot si Vice na masuspinde na naman sa ere ang Showtime. Matatandaang nasuspinde na ang nasabing ABS-CBN program ng 20 araw dahil sa pahayag ni Rosanna Roces, na naging isa ring hurado, laban sa mga guro. (CLICK HERE to read related story.)