news

Lotlot de Leon: "Pagod na pagod na akong idepensa ang sarili ko."

by Glen P. Sibonga posted on October 6, 2010  STATS: 68639 Views | 67 Comments

 

"Basta ako, mahal ko ang mga anak ko. Ngayon, kung hindi pa rin sapat para sa kanya kung ano yung klaseng pagmamahal na ibinibigay ko sa mga anak ko, there's nothing I can do about that," says Lotlot de Leon about the statements made by her mother-in-law, Pilita Corrales, against her.

Photo By: Noel Orsal

 

Malaki ang pasasalamat ni Lotlot de Leon sa GMA-7 at isinama siya sa cast ng bagong panghapong teleserye na Koreana, na mapapanood na simula Lunes, October 11, pagkatapos ng Trudis Liit.

 

Ginagampanan ni Lotlot ang role ni Josefina, na tatayong nanay-nanayan ng bidang si Jenna, played by Kris Bernal.

 

Hindi na bago para kay Lotlot ang pagganap sa mother role. Nae-excite pa rin ba siya sa role niya sa Koreana?

 

"Oo naman. Every time a role is given to me, nae-excite pa rin ako kasi it's a big challenge for me kung paano gagawing kakaiba ang pagganap ko sa bagong role na ibinigay sa akin compared sa nagawa ko na in the past," paliwanag ni Lotlot nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Koreana kagabi, October 5, sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network Center.

 

Naranasan na ni Lotlot ang mai-launch sa sarili niyang soap at pelikula noong kanyang kabataan. Ano ang advice na puwede niyang ibigay kay Kris Bernal sa first title role nito sa telebisyon?

 

"Kay Kris, pangalagaan niya ang trabahong ibinigay sa kanya. Napakasuwerte niya at inaalagaan siya ng GMA talaga. Lahat ng suporta, ibinibigay sa kanya.

 

"Pangalagaan niya yun. Mas lalo pa niyang pagbutihan at magsipag," pahayag niya.

 

PILITA CORRALES. Pagkatapos ng presscon proper, kaagad nilapitan ng PEP at iba pang press people si Lotlot para hingan siya ng paliwanag sa mga isyung kinakaharap niya. Ine-expect na raw ni Lotlot na kasama ito sa mga itatanong sa kanya.

 

Paano niya ba hinaharap ang bagong "feud" o alitan nila ng kanyang biyenang si Pilita Corrales matapos itong magpa-interview sa Paparazzi at diumano'y ibinigay na raw ni Lotlot ang custody ng mga anak niya sa ex-husband niya at anak ni Pilita na si Ramon Christopher?

 

"Wala naman po akong feud kahit kanino. Sila lang po yata ang may feud sa akin," sagot ng aktres.

 

Ano ang masasabi niya sa mga inihayag ni Pilita on TV?

 

"What am I suppose to say? E, kung ganun na kababa ang tingin sa akin ng isang tao, hindi na rin po ako mag-aaksaya na baguhin yun kung yun ang gusto niyang paniwalaan.

 

"Basta ako, mahal ko ang mga anak ko. Ngayon, kung hindi pa rin sapat para sa kanya kung ano yung klaseng pagmamahal na ibinibigay ko sa mga anak ko, there's nothing I can do about that."

 

May galit ba siya kay Pilita?

 

"Galit is such a strong word. It's more of nasasaktan. Hindi ko ide-deny na nasasaktan ako.

 

"Pero kung yun ang gusto niyang paniwalaan at yun ang sa palagay niyang tama para sa kanya... Kasi pagod na pagod na akong idepensa ang sarili ko, sa totoo lang," sabi ni Lotlot.

 

Nagkaroon ba ng way para makapag-usap sila ng kanyang biyenan?

 

"Nagkita kami sa isang wake," banggit niya. "And I went to her. Sabi ko, 'Hi po, Mamita. How are you?' And you know it's not the proper venue to talk about something as private as yung nangyayari with our family.

 

"Siguro may sarili siyang opinyon kung ano ang tama at hindi tama o kung ano ang gusto niyang gawin ko. Pero hindi naman yun ang tamang venue to do that.

 

"But when she came out on TV again and said things about me, then I don't think there is something to say after that. I think I've done my part.

 

"I have not said anything in the eight years that I had been separated. Wala akong sinabing negative about Monching, about her [Pilita] and her family. I will never do that. Ayokong gawin yun at hindi ko gagawin.

 

"Kaya hindi ako yung pa-interview nang pa-interview kasi, you know, artista ako. But I don't want to wash my dirty linen in public.

 

"Naiintindihan ko na artista ka, napapansin lahat ng ginagawa mo. But it's also my choice not to answer because I have kids involved, e. And they're the ones that I'm protecting from getting hurt pa.

 

"Kasi, nasaktan na sila nung naghiwalay kami ng tatay nila. Mas masasaktan pa sila ngayon dahil hindi ako okay sa kanilang lola, di ba? So, bakit kailangan pang i-rock yung boat? Hindi na, tapos na, e," mahabang paliwanag ni Lotlot.

 

Ano ang comment niya na patuloy daw kumakayod si Pilita despite her age para masuportahan ang kanyang mga apo?

 

"That is her choice. Kasi ako kumakayod din naman ako para sa mga anak ko," sagot ni Lotlot.

 

FAMILY SETUP. Tungkol nga sa isyu ng diumano'y pagbibigay ng custody sa mga anak niya—na ang pinakamatanda ay 21 years old at 10 naman ang pinakabata—kay Monching, inulit ni Lotlot ang nauna na niyang pahayag sa Startalk na hindi ito totoo.

 

"No, hindi po totoo. Ipinamigay yung mga anak ko? Hindi," diin niya.

 

Ano ba ang setup nila ngayon ni Monching pagdating sa mga anak nila?

 

"Iba kasi yung setup namin, e, ng pamilya namin. And hindi ko na siguro dapat i-explain.

 

"Let's just say it's one setup that we're all okay in whatever situation we're in. And we're still a family. I do my part as a mom."

 

Okay ba sila ni Monching?

 

"Oo, mainam naman kami," maikling sagot ni Lotlot.

 

Yung setup na sinasabi niya, saan talaga nakatira ang mga bata ngayon: sa kanya o kay Monching?

 

"Pareho. Minsan nasa kanya, minsan nasa akin."

 

Gaano kadalas silang magkita ng mga anak niya?

 

"Depende," sabi ni Lotlot. "Like now, I'll be working three times a week. Pero pag weekends, they're with me.

 

"Minsan umuuwi ako sa bahay kahit on a weekday, biglang nandiyan na yung mga anak ko, natutulog doon. Kasi may susi sila ng bahay ko. So minsan, papasok ako ng kuwarto, natutulog na dun."

 

Paano nagre-react ang mga anak niya sa isyung ito?

 

"You know my eldest is 21. Pag pinag-uusapan natin yung mga anak ko, parang ang edad nila, e, two years old. And, hindi na ganun.

 

"My children are all grown up. Yung isa magtatapos na ng kolehiyo.

 

"So, para pag-usapan na ipinamigay, parang too late for that, di ba? Kahit na yung ganyang salita is not true. Some of my children are of age na to decide for themselves."

 

Natural lang daw na masaktan tungkol sa isyu ang mga anak nila. Ano ba ang sinasabi ng mga bata sa kanya?

 

"Wala na lang. Huwag na nating pag-usapan yun," iwas niya.

 

"Basta nag-uusap naman kami. There is really nothing they can do about it. You can't stop naman people from saying things about another, kung yun talaga ang pinaniniwalaan niya, di ba?"

 

Nagsasawa na raw siya sa pang-iintriga sa relasyon nila ni Monching, pati na rin ang relasyon niya sa mga anak niya.

 

"Kaya nga nasasabi ko, pagod na pagod na ako. Mag-iisang dekada na kaming hiwalay ni Mon. Ang pinag-uusapan natin, parang kahapon lang.

 

"And yun ang parang naa-amaze ako kasi nakapag-move on na kami, e. Okay na kami.

 

"So, hindi ito isang bagay na nangyari lang kahapon. We should not talk about it anymore."

 

Sa paglabas ng mga ganitong issue, hindi ba nagbabago ang pagtingin sa kanya ng mga anak niya?

 

"I would like to think so. Kasi nakikita ko pa sila. Siguro kung hindi ko na nakikita yung mga anak ko, siguro tama siya [Pilita]," sabi ni Lotlot.

 

NORA AUNOR. Hindi rin nakaligtaang itanong ng mga press kay Lotlot ang tungkol sa kanyang inang si Nora Aunor. Kumusta na ba ang Superstar?

 

"Ayun, medyo hindi maayos after nga nung mawala ang boses niya. But si Mommy pa, I'm sure kakayanin niya yun. She will be okay."

 

Naitanong ba niya sa mommy niya kung itutuloy nito ang pagdedemanda sa isang clinic sa Japan na nagsagawa ng surgery at enhancement sa kanyang mukha, na napaulat nga na nakaapekto diumano sa boses nito?

 

"Alam n'yo po, ayoko pong pangunahan ang mommy ko. Kung meron man po siyang gagawin, mas maganda po siguro na sa kanya manggaling, hindi sa akin.

 

"Kung anuman po yung sa tingin niya ay tamang gawin niya, basta kaming mga anak niya, nandito lang para suportahan siya."

 

Matutuloy pa ba ang pag-uwi ng mommy niya sa Pilipinas?

 

"Sana, sana. Malapit na... surprise," sabi ni Lotlot.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

67 Comments

  • 67  coricnfa2002

    10/10/2010 | 06:47 PM
    sira siya ng sira sa iyo pero ang anak niyang babae hinde rin naman ayos ang buhay may asawa pero wala siyang comment.Bakit porke ba babae ang kanya?Magtigil siya baka nga hanggang ngayon mayroon pa siyang kkludadang na bagets e.ayusin niya muna ang mga dumi niya bago ka niyya punain.ang pangaralan niya ang anak niya na sunodsunuran sa kanya na kala mo matino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  coricnfa2002

    10/10/2010 | 06:38 PM
    hinde mo kailangang depensahan ang sarili mo lalo na kung ikaw ang agrabyado.ang tanong ayos ba ang naninira sa iyo?nakailang lalake ba ang nakasama niyan?matino lang yan sa publicity pero sa totoong buhay mas matino ka diyang di hamak. Hanggang ngayon ba naman ensecure pa yang mga iyan sa inyo epinabagsak na nila si nora aunor na totoong sikat sa lahat na walang manipulation.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  pusotisipmo

    10/10/2010 | 05:59 AM
    mahalaga lot,,nagagampanan nyo ni monching ang pagiging mabuting parents,,wag mo ng patulan si pilita ,,shut up kanalang para di humaba,,nakakaapekto sa mga bata iyan,,mahlaga ok kayo ni monching at ng mga anak nyo,,ganyan tlaga kapag tumatanda na!!..wahaahha,,bumabalik sa pagka bata,wahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  pusotisipmo

    10/10/2010 | 05:55 AM
    we love u lot,,alam ng dyos na mabuti kang tao,babae,at ina,,o anak,,kaya mahal ka ng tao din,,wag ng patulan at better gawin mo ang responsiblidad mo bilang ina,mahalaga maayos ang relasyon ng mga anak nyo,.at lumaki silang maayos,may breeding,may edukasyon,may values,at may dyos,,mabuting parents sina lot at monching noon at now kahit maglkahiwalay na sila,,kulang yata sa pansin si pilita,,ano kaya sa kanya ang mabuting ina??aber!!sige nga!.sana mag usap sila at maging tao,matatanda na sila,at para sa apot anak jila ang pagaayos nila,mas maganda maging gitna o bridge si monching diba,,.i gues,ok naman si lot at monching,,siguro,tumatanda na tlaga si pilita,wahahahha,,,,we love u lot,,focus sa work,sa mga anak mo,at sa dyos,,yun ang mahalaga jan,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  totoysipa

    10/09/2010 | 07:23 AM
    Itong si iza marian, laging out of topic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  iza_marian7

    10/08/2010 | 09:33 PM
    Sa 6 na huling araw ng ENDLESS LOVE, ang mga nakakaiyak na moment sa patuloy na panghihina sa cancer ni Jenny! Magkakasundo na ba silang lahat? Magpaparaya na nga ba si Andrew? VERY IMPRESSIVE SHOW! Love it! The ENDLESS LOVE FINALE on Oct. 15!
    Ganda ng GRAZILDA! Kakaiba ang story! Fave na din namin eto ngayon with moral lessons. Galing nina Glaiza, Geoff and Yasmien.
    KOREANA, ang naiibang papel ni Kris Bernal this Oct. 11 after TRUDIS LIIT!
    Beauty Queen by Iza will replace ENDLESS LOVE as the latter will have it's finale on Oct. 15, Friday!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  BETCHA68

    10/08/2010 | 10:56 AM
    Ang aga kasi nilang nag asawa. Hindi man lang nakapag tapos ng pag aaral kaya nung wala nang project si Monching doon na nag umpisa ang problema nila sa pera. Siguro, hindi makaya ni Lotlot na makitang magugutom sila na walang ginagawa ang asawa niya na umaasa lang sa nanay niya. Pag financial problem na ang dumating sa mag asawa, unti unting mawawala ang respeto ng babae sa lalaki dahil hindi napanagutan ng lalaki ang buhayin ang pamilya niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  rickydave

    10/08/2010 | 08:54 AM
    TV5 magising kayo hanggang maaga. Hihilahin ang image nyo pababa ng bastos na Cristy Fermin na yan! Isinuka na yan ng ABS-CBN nilunok nyo pa! Sana nakikinig advertisers!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  rickydave

    10/08/2010 | 08:51 AM
    Nagsimula ang lahat sa pang-iintriga ni Cristy Fermin. Si Cristy walang magawang matino sa buhay. Sa halip na makatulong sa pagsasama ng isang pamilya lalo pang nanggugulo. Kung anong pangit ng ugali ni Cristy lumalabas sa mukha niya.

    Di naman puwedeng di sumagot si Lotlot kung tinatanong ng press. May obligasyon siyang sumagot.

    Sa tingin ko walang problema between Lot and Monching. They have both moved on. Successful sila sa pagpapalaki ng maayos sa kanilang anak. Graduating na sa college ang panganay. Prangka lang si Mamita na ginatungan ni Cristy na masama ang ugali na kinukunsinti ng network na TV5.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  mandersnork

    10/08/2010 | 03:56 AM
    tama naman cia let it be na lng matagal na silang hiwalay si pilita naman parang bata..sana hayaan na lng nya ung anak nya at apo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  snowsheen

    10/07/2010 | 03:13 PM
    basta bumilib lang ako kay lotlot ngayon kasi sinabi niyang ayaw niyang gawin at hindi niya gagawin ang magsalita ng hindi maganda laban ke pilita at sa pamilya niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  badjaobabe

    10/07/2010 | 11:14 AM
    ...gumaya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  badjaobabe

    10/07/2010 | 11:11 AM
    yaan mo na la lotlot...di naman alam ng karamihan ang paninirang sinasabi mo eh. pag ngawa ka ng ngawa baka mas maraming makaalam ng puno't dulo ng awayan nyo ng biyenan mo at hiwalayan nyo ni monching

    wag kang gumawa kay claudine, limang tao lang nakaalam sa tsismis sa kanya, nag tatatalak sa twitter, nabroadcast tuloy sa milyon milyong pinoy

    hanggat di pa trending ang topic ng paninira sa yo sa barber shop ni Mang Badong at parlor ni Erika, easy ka lang muna.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  totoysipa

    10/07/2010 | 11:08 AM
    45 brsd peet

    Hahaha, isisi ba kay Kuya Germs!

    Ke may RH Bill o wala, nasa tao rin kung nag-iisip ng kinabukasan ng pamilya.

    kadabarkads

    Okay iyang linya mo, mag-asawa'y di biro, TV show nina Lotlot at Monching noon.

    Maganda iyong point ni aiveec na since wala namang trabaho itong si Monching, sya na lang nag-aalaga ng mga anak nila.

    Dapat siguro ipa-manage kay Annabel Rama itong si Monching, tutal stepson niya naman, at nang maka-raket kahit sa TV5. Malakas siya dun di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  sleepingchild

    10/07/2010 | 10:02 AM
    sana isettle nlang nila ang issue para wala nang hard feelings. sandali lang ang buhay ng tao kaya dapat mag bati bati na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  laquitaGuillen

    10/07/2010 | 09:34 AM
    hay naku Lotlot, huwag mo na lang patulan, gusto lang nila ng kontrobersyal at ikaw lang ang pwede nilang idamay dahil sikat ka raw... thanks to them.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  mountaindew2010

    10/07/2010 | 09:20 AM
    madali lang solution sa issue mo lotlot pag tinanong ka no comment or next question pls.... ganun lang kita mo sasusunod di ka na tatanungin... sagot ka kasi ng sagot eh....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  aiveec

    10/07/2010 | 08:56 AM
    Well, Lotlot needs and wants to work to support her kids.

    Monching is not working nor doing anything so mind as well babysit their kids.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  rhapsody123

    10/07/2010 | 08:55 AM
    Pwede namang magtrabaho si Lotlot kahit nasa poder niya ang kanyang mga anak?Bakit sagabal ba ang kanyang mga anak sa kanyang trabaho? Isa pa, sabi ni Lotlot, iniwan niya kay Monching ang mga anak dahil hindi sila magugutom sa poder ni Monching at kay Mamita. See, umaasa pa rin kayo kay Pilita , dahil iniwan mo ang mga anak mo kay Monching. Ayaw kung maghusga, pero ang daming mga asawang iniwan at nakipaghiwalay sa asawa, pero ang mga anak nasa ina pa rin. Lotlot, hindi excuse ang pera kung bakit iniwan mo ang mga anak mo. Sa hirap at ginhawa, ang mga anak dapat nasa poder ng ina. Gusto mo lang sigurong magbuhay dalaga kaya wala ang mga anak mo sa iyo. Yon lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  tili_2death

    10/07/2010 | 08:49 AM
    Prove to your Mamita that you make it! Prove it to your Mother that you can make it! I am sure hindi lang si Mamita Pilita ang nagbibigay ng financial support, kaya siguro nasa States si Mama Nora at kung anu anong concert at ginagawa para lang magpadala ng tulong. Both Mamita and Mama Nora should be enjoying the fruits of their labor! Sa katagal tagal nila sa showbiz it's about time they enjoy life already rather than feeding their kids and extented families. Deserving ba 'to? Lotlot time to work, reality bites, you have 5 kids to feed and support. Pabayaan mo na si Monching pag ayaw niyang gumalaw. Never nagsalita ng nega si Mamita about Jackie Lou or Ricky because both are working steady hosting and acting I am sure they never ask a single centavo from Mamita. On the other hand Mama Nora still has to support your other single siblings too di ba? Take your Mamita's vent with a grain of salt, afterall mas nakakatanda siya and has experience. Besides, she raised Jackie Lou and Monching on her lonesome. Work w
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About