"For me naman po, there's no competition. Siya yung top Candy cutie for the past four years. So I have so much respect for him and all the winners. Lahat kami panalo. Yung mapasok lang nga ako sa Top 10 masaya na ako," says Enzo Pineda about four-time Candy Top Celebrity Boy winner Sam Concepcion.

Photo: Noel B. Orsal

Ayaw raw isipin ng 2010 Candy Top Celebrity Boy na si Enzo Pineda na hindi tanggap ng ni Sam Concepcion ang kanyang pagkapanalo. Si Sam ang four-time winner ng Candy Top Celebrity Boy.

May ilan kasing binibigyan ng kulay ang biglang pag-alis ni Sam sa Candy event na ginawa sa A. Venue, Makati City, nung September 2, matapos i-announce na si Enzo na nga ang nasa No. 1 ng listahan ng cute Candy Celebrity Boys.

Sabi ni Enzo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last October 6, sa ibinigay na presscon ng GMA Artist Center sa 17th floor ng GMA Network Building,  hindi daw niya napansin ang pag-alis ni Sam.

"Hindi naman po siguro totoo na nag-walk-out si Sam. Baka siguro tapos na yung number niya kaya umalis na siya. Hindi ko kasi napansin na umalis na siya kasi ang daming tao nung araw na yon," pahayag pa ni Enzo.

Sa tingin kaya niya, hindi tanggap ni Sam ang pagkapanalo niya gaya ng hinala ng ibang nakakita ng pag-alis nito?

"For me naman po, there's no competition. Siya yung top Candy cutie for the past four years. So I have so much respect for him and all the winners. Lahat kami panalo. Yung mapasok lang nga ako sa Top 10 masaya na ako.

"Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga taong sumuporta sa akin. Yung mga taong nandiyan na kahit nasa StarStruck pa lang ako, hanggang ngayon nagpapasalamat talaga ako nang buong puso."

Nang tanungin ng PEP kung nagkita sila ni Sam, sumagot si Enzo na hindi. Pareho raw kasi silang busy sa kani-kanilang dance numbers.

"Tapos after ng number ko umalis na rin kami kaya walang chance na makapag-usap kami," nawika pa ng binata.

"I know naman na ia-approach niya rin ako if given a chance. Yun nga lang pare-pareho kaming artista na may iba pang lakad. Siguro next time na lang. Pero kinongratulate naman ako nung ibang mga winners like sina Ivan Dorscher."

Nakarating kay Enzo na kinarir daw talaga ng mga fans niya ang pag-text at pag-online vote. Todo pasasalamat naman ang binata. Nasa mga kabataan pala talaga ang bulk ng kanyang fans.

 "Oo, at ngayon ko lang nalaman ito. Kaya pala hindi ako nakapasok sa Cosmo [Cosmopolitan Philippines Bachelors list]. Pang-Candy Cutie pala ako," nangingiting wika ni Enzo.

PREPARING TO INTERVIEW PACQUIAO. Ang ama ni Enzo na si Eric Pineda ang business manager ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. May balitang kasama raw si Enzo sa entourage ng Team Pacquiao sa pagpunta nito sa Texas, U.S.A., para sa laban ni Manny against Antonio Margarito. Totoo ba ito?