"For me naman po, there's no competition. Siya yung top Candy cutie for the past four years. So I have so much respect for him and all the winners. Lahat kami panalo. Yung mapasok lang nga ako sa Top 10 masaya na ako," says Enzo Pineda about four-time Candy Top Celebrity Boy winner Sam Concepcion.

Photo: Noel B. Orsal

"Opo. Hopefully, ako po yung mag-i-interview kay Kuya Manny, and at the same time, hindi pa rin naman ako nakakapunta sa Texas. [This is] something new for me. Para at least makalibot din ako sa buong mundo at first time ko ring makakasama sa fight ni Kuya Manny.

Anong klaseng interview naman ang gagawin niya kay Manny?

"Interview talaga tungkol sa fight, tungkol sa kanyang paghahanda. Paghahandaan ko talaga ito nang sobra. For me naman, it's something new, dahil ako naman ang mag-iinterview ng tao. Pag-aaralan ko ito nang mabuti," sagot ni Enzo.

COMPARED TO ROCCO AND STEVEN. Kahit tapos na ang StarStruck V, silang tatlo pa rin nina Steven Silva at Rocco Nacino ang pinagkukumpara. Ano ang masasabi niya rito?

"Para sa akin, wala naman akong magagawa dun. Dahil siguro galing kami sa isang reality-based artista search kung saan kami nag-compete. Pero for me, lahat kami magkakaibigan. Siguro kung meron man, it's a healthy competition, dahil lahat kami naghihilaang pataas."

May pakiramdam ba siya na tila mas sikat sa kanya si Rocco o si Steven?

"Para sa akin hindi, kasi we have our own image. May sariling image si Rocco and si Steven has his own image also. So, meron kaming kanya-kanyang daan sa pag-aartista.

"But of course, siyempre, as artists, we have to keep on improving. Hindi lang dapat dito ako, dapat marami akong natututunan. And of course mga bago kaming artista ngayon, what more kaya yung mga bago pang artistang darating. Kaya kailangan mag-level up talaga to prove yourself."

Kakaiba raw ang image na pino-project niya kesa as image nina Rocco at Steven. Ang sa kanya raw ay pang-Candy cutie na image.

Kung mas kilala raw sina Rocco at Steven ngayon, hindi naman siya nagmamadali at darating din ang panahon niya.

"Ngayon happy ako kasi hindi naman ako nagmamadali. Sina Rocco at Steven mga kuya ko na sila," sabi pa ni Enzo.

For now, masaya na siya sa kung ano ang imahe niya, yun ngang pang-bagets.

MORE CLOSE TO ROCCO. Between Rocco and Steven, sino ba ang mas ka-close niya?

"Si Rocco kasi magkasama kami sa Kaya Ng Powers, magkasama rin kami sa Party Pilipinas, pero definitely close din ako kay Steven."

Kung tutuusin magkakabarkada naman daw silang tatlo, pero ito ngang si Rocco ang mas madalas na kasama niya at kalaro pa sa PSP. Dahil sila nga ang laging magkasama kaya sila ang lagi ring pinagkukumpara.