news

Alfred Vargas reveals the ring on his finger is "a symbol of our unending commitment, inspiration and love"

by Rose Garcia posted on October 10, 2010  STATS: 11774 Views | 19 Comments

Alfred Vargas (right) is seriously in love. Nanggaling ito ng Italy at namanhikan na raw sa pamilya ng kanyang girlfriend na si Yasmien Espiritu (left).

Photo By: Paul Mata

Kahit busy sa panunungkulan bilang City Councilor ng Quezon City, tuloy pa rin si Alfred Vargas sa kanyang showbiz career, at hindi niya naise-set-aside ang personal life — lalong-lalo na ang kanyang love life.

In fact, Alfred is taking his love life so seriously na kailan lang, nanggaling ito ng Italy at namanhikan na raw sa pamilya ng kanyang girlfriend na si Yasmien Espiritu.

Ayon kay Alfred, sa panayam rito ng Startalk yesterday, October 9, "Very positive, very, very positive at saka, sobrang tuwang-tuwa ako. I'm a new man. I'm a very inspired person ngayon."

Tinanong si Alfred kung pamamanhikan lang ba ang nangyari or nagpakasal na sila?

Aniya, "Sabihin na lang natin na ginawa ko na ang lahat ng puwede kong magawa para hindi na siya makawala sa akin.  Basta, hindi na siya puwedeng makawala sa akin."

Ikinuwento pa niya na magaganap ang kasal nila ng non-showbiz girlfriend sa Pilipinas.

"Ang kasalan namin ay dito sa Philippines... either next year or 2012."

Hindi maiwasang magduda ng mga taga-Startalk na posibleng may kasalan nang naganap nang magpunta ng Italy si Alfred dahil kapansin-pansin ang suot na singsing ni Alfred noong ini-interview nila.

Natatawa namang sagot ng actor-politician, "No, ano lang 'yan, it's a symbol... of inspiration and commitment."

Wedding bond ba daw ito?

"It's a symbol of our unending commitment, inspiration and love," pilit niya.

May naging pahayag pa rin sa bandang huli ng interview si Alfred na tila nagpapahiwatig na may special event nga na naganap nang magpunta siya ng Italy.

"It's a very romantic event na present yung aming mga very loved ones. Very, very private na kami-kami lang talaga."

Mahabang tawa ang isinagot ni Alfred nang tanungin kung civil wedding ba ang naturang event.

Then he said, "Very wonderful occasion yung pagpunta namin do'n.  Sarap ng pagkain. Sarap ng luto. Natutuwa ako. Siyempre, mahal na mahal ko siya at kahit nasaang parte siya ng mundo, mahal na mahal ko siya."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  rllaine

    10/17/2010 | 06:44 AM
    malamang nga kasal na yan...eh andito na nman sa italy eh....hindi ko lng napansin kung kasama niya yung quot;wifeyquot; nia d other day....ang nakita ko lng na mga kasama nia ay ung mga taga consolato din
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  gareen

    10/11/2010 | 01:17 PM
    bakit ayaw pang aminin na kasal na? halata namang ganun na nga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  abel_pinoy

    10/11/2010 | 11:59 AM
    Arte nito. As if sikat siya. Feeling may magtatampong mga fans pag inamin nyang may asawa na siya.

    Next
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  sleepingchild

    10/11/2010 | 11:17 AM
    lol dami pang paligoy ligoy d nalang sagutin ung tanong ng diretso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  genetophile

    10/11/2010 | 11:09 AM
    ahahaaayy papa alfred! kahit tumaba ka love na love ka pa din namin ng federacion.. ang cute cute cute mo.. ahahahaaay!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  totallyfab

    10/11/2010 | 09:50 AM
    OA nito= ano ba ang prob kung kinasal ka? sino ka ba dong? may love team ka ba kaya ayaw mong umamin. ganda ng girl eh-ipagmalaki mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  winged_angel

    10/11/2010 | 08:51 AM


    Bakit ayaw umamin na kasal? Kung kasal di kasal! Ang arte naman. Ano ka matinee idol? Kalurkey.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kawawa

    10/11/2010 | 07:14 AM
    ang arte..lalaki ka pa naman lols!
    Congratulations!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  lanalang08

    10/11/2010 | 05:29 AM
    ang oa naman nitong si alfred naging councilor lang ay nagmadali nang mag-asawa. ayaw pang umamin na nag-asawa na siya para ano pa at naglagay siya nang wedding band na sa left finger pa nakalagay. ano ang ibig sabihin noon eh di kasal na siya. kung eternity ring or whatever pang ring iyon dapat ay nasa right finger pa lang kaso obvious na obvious na gusto niyang makitang he's a very much married man na dahil nga nasa left finger ang ring. sana sa pagiging councilor mo ay matupad mo ang plataporma mo at di ka maging katulad nang iba diyan na sarili lang nila ang concern nila at di ang pangako nila sa taong bayan. at hwag maging corrupt.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  budlatmata

    10/11/2010 | 01:32 AM
    daghan ap- ap sa likod si alfred i met him sa guyam island sa siargao pero sobrang bait naman friendy kaya okay nalang din hehe di pa sha sikat when i met him sa pangako sayo pa nun extra sha or parang ka love triangle ni ina hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cougarish

    10/11/2010 | 12:26 AM
    Who cares?? Ang drama mo naman dong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    10/11/2010 | 12:05 AM
    kung kasal eh di kasal..bat itanggi pa!! who cares basta masaya kau paki ng tao?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • penshoppe

    10/10/2010 | 08:32 PM
    Robin-Mariel part 2???

    Arte mo Alfred!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Ornusa

    10/10/2010 | 08:26 PM
    Anong problema kung kasal na kyo? Dami mong pa echos! Corny ng labas mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winged_angel

    10/10/2010 | 08:18 PM

    His favorite word is quot;VERYquot;. haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikadora17

    10/10/2010 | 07:43 PM
    mga artista talaga ke aarte...simpleng sagot lalagyan pa ng maraming palabok...maging totoo nman kayo sa iba kesa nman obvious na e me pasakalye pa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kusinaqueen

    10/10/2010 | 05:59 PM
    dami pa echos! yes or no lang naman yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fanhan

    10/10/2010 | 05:20 PM
    wwwwwweeeeee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sinned21

    10/10/2010 | 03:40 PM
    ang daming arte nito.nagpakasal na kayo bat di mo pa sabihin ng diretsahan?.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About