[x]

(From left) Erik Santos, Sarah Geronimo, and Christian Bautista were the top winners in the 2nd Star Awards for Music held last night, October 10, at the Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University (ADMU) in Quezon City.

Photo: Noel Orsal

Young singer-performer Charlie Green, on the other hand, was nowhere nang tawagin siyang winner bilang Jazz Artist of the Year para sa A Friend Like You ng Viva Records.

Wala rin sa venue ang Novelty Artist na si Blakdyak who won for Sino Ba? ng Viva Records. Ang kanyang misis ang tumanggap ng parangal on his behalf. 

In full force naman ang grupong Masculados Dos sa pagtanggap ng parangal para sa kanilang self-titled novelty album.

Kung si Andrew E ay humabol sa awards night, ang R&B winner namang si Jay-R ay isa sa pinakamaagang dumating kasama ang kanyang girlfriend na sa Krista Kleiner. Pero wala na rin siya nang tawaging winner sa kategoryang R&B Artist of the Year para sa Jay-R Sings OPM ng Universal Records.

Significant ang pananalo ng rock album na In Love and War dahil ito'y huling kolaborasyon ng former Eraserheads vocalist na si Ely Buendia at ang yumaong Master Rapper na si Francis Magalona. 

As Rock Artist of the Year, nagwagi naman ang Slapshock para sa album nitong Cariño Brutal under PolyEast Records.

Sa mga baguhang singer-recording artists ay nagwagi sina Rhap Salazar (New Male Recording Artist) para sa self-titled debut album niya under Star Records at Princess Velasco (New Female Recording Artist) para sa Addicted to Acoustic 1 ng Vicor Records. 

EVENING WITH PILITA. Pinakatampok na bahagi ng Star Awards for Music ang pagkakaloob ng Lifetime Achievement Award sa isang institusyon sa larangan ng musika, si Ms. Pilita Corrales.

Nauna rito ang pag-awit ng La Diva ng medley of Pilita's well-loved songs, tulad ng "A Million Thanks To You," "Kapantay Ay Langit," "Usahay," among others.

Sa kanyang talumpati, nagpahayag ang tinaguriang Asia's Queen of Songs ng pasasalamat sa PMPC dahil naipagkaloob sa kanya sa unang pagkakataon ang parangal na ugnay sa kanyang propesyon sa daigdig ng musika. 

"In the past, I have been receiving awards for the other things I do or other Lifetime Achievement awards, but this is the first time I am receiving an award for music. So I am greatly honored.

"Music is my life. My life is singing and learning songs. This is an important award that I will forever cherish," saad ni Ms. Pilita.

Nasa gabi ng parangal ang tatlong kaibigan ni Pilita: sina German Moreno, Freddie Aguilar, at ang sekretarya niyang si Ester bilang presenters. Hindi nakadalo ang dalawang anak ni Pilita na sina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher, pero masayang-masaya si Jackie Lou sa kanyang mga ipinahayag sa VTR tribute for her mom, kasama sina Kuya Germs at Ricky Reyes.

Ugnay rin sa temang "Celebration of OPM Music and Artists" ang pagpupugay sa mga mang-aawit na nagdulot ng karangalan sa bansa sa kanilang larangan, tulad nina Lea Salonga at Charice Pempengco.

Tumagal ng mahigit tatlong oras ang taped-as-live na pagtatanghal ng 2nd Star Awards for Music sa pakikipagtulungan ng PMPC at cable station Net-25.