[x]

(From left) Erik Santos, Sarah Geronimo, and Christian Bautista were the top winners in the 2nd Star Awards for Music held last night, October 10, at the Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University (ADMU) in Quezon City.

Photo: Noel Orsal

Top winners sa 2nd Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang ASAP mainstays na sina Sarah Geronimo, Eric Santos, Christian Bautista, Jericho Rosales, at Yeng Constantino.

Kabilang si Christian sa mga host ng parangal, with Jolina Magdangal and Ms. Kuh Ledesma. 

Ginanap kagabi, October 10, ang ikalawang taon ng Star Awards for Music sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Q.C. May telecast ito on October 24, 10 p.m. to 12 midnight, sa cable channel na Net25.

Si Sarah ang nag-uwi ng pinakamataas na parangal bilang Female Recording Artist of the Year para sa album niyang Music and Me ng Viva Records. Ang kanyang counterpart as Male Recording Artist of the Year ay sina Christian at Erik. 

Nag-tie para sa nasabing parangal ang kapwa mahusay na singer-recording artists ng kasalukuyang panahon. Si Erik, para sa ni-record niyang mga awitin ng foreign singer na si Jim Brickman, ang The Jim Brickman Songbook ng Star Records; at si Christian, para sa kanyang revival album ng mga awitin ni Jose Mari Chan, ang Romance Revisited: the Love Songs of Jose Mari Chan, na ni-release ng Universal Records.

Bukod sa nasabing award, nagwagi rin si Erik bilang Male Pop Artist. Katuwang niya as Female Pop Artist of the Year si Nina para sa album niyang Renditions of the Soul mula sa Warner Music.

Napiling Album of the Year ang Lapit ni Yeng Constantino, samantalang nagwaging Song of the Year ang "Pusong Ligaw" na sariling komposisyon ni Jericho Rosales. Kabilang ito sa album ng actor-singer na pinamagatang Change at ni-release ng Star Records. 

Big winner din sa lineup si Piolo Pascual na nag-uwi ng dalawang trophies this year: Decades ng Star Records as Revival Album of the Year and Album Cover Design of the Year.

Si Piolo rin ang napiling Male Star of the Night, katuwang si KC Concepcion bilang Female Star of the Night.

Sa Male and Female Faces of the Night category, nagwagi naman sina Jericho at Sarah, respectively.

OTHER FAVORITES. Sa ikalawang pagkakataon ay nanalo sa kategoryang Female Acoustic Artist of the Year si Aiza Seguerra para sa album niyang Aiza Seguerra Live ng Star Records. Nag-tie sila ni Sabrina for I Love Acoustic Too ng MCA Music, Inc.

Mula naman sa GMA Records, nagwagi bilang Compilation Album of the Year ang The Best of Mga Awit ng Kapuso, at ang Kasiping, featuring La Diva, bilang Music Video of the Year. Ang MTV na ito'y idinirek ni Louie Ignacio.

Ang La Diva rin ang napiling winner sa kategoryang Duo/Group Artist of the Year para sa kanilang self-titled album mula sa GMA Records at Sony Music.

Sa mga kategoryang Rap, Jazz, Novelty, R & B, at Rock Artists and Albums ay hindi nakasipot ang mga winners, kundi man na-late ang mga ito at nagpasalamat na lang when it was their turn to deliver their thank-you speeches bilang presenters.

Tuwang-tuwa ang rapper-comedian na si Andrew E sa una niyang panalo ng Star trophy bilang producer ng rap album na Clubzilla under his Dongalo Wreckords label. Naka-tie nito as Rap Album of the Year ang Chika Lang 'Yon mula sa Alpha Records. Pero hindi personal na natanggap ni Andrew E ang kanyang trophy.