Kararating lang ni Meryll Soriano mula sa Pusan International Film Festival (October 7-15) sa Korea.
Isa kasi sa mga entry doon ang pinagbidahan niyang Donor, ang indie film na idinirek ni Mark Meilly. Noong July, nanalong Best Actress si Meryll para sa pelikulang ito sa Cinemalaya Filmfest ng CCP.
"Yes, congratulations sa lahat ng mga nakasama naming pelikula sa Pusan International Filmfest," sabi ni Meryll sa panayam sa kanya ng Paparazzi na ipinalabas kahapon, October 17.
Kabilang din sa mga naitanghal sa Pusan Filmfest this year ang Here Comes The Bride ni Chris Martinez at ang Chassis ni Adolf Alix Jr. na nag-Asian premiere doon.
"Masaya naman," banggit pa ni Meryll. "Well-received ang mga pelikula natin. Nakaka-proud maging Pinoy, in fairness."
After Korea, pupunta si Meryll sa London at sa Brussels, Belgium.
"On October 25, I'm leaving for London, before Brussels. Mag-i-scout ako ng school [sa London]..."
Sa London magpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo si Meryll. Kukuha siya ng kursong Interior Design.
Sa Belgium naman, on the first week of November, ay a-attend siya sa Brussels International Film Festival, also with director Mark Meilly, kaugnay ng pelikula nilang Donor.
BREAKUP WITH JOEM BASCON. Sa desisyon niyang mag-aral abroad, kinailangan ding magpasya si Meryll hinggil sa relasyon nila ni Joem Bascon. Inamin ng aktres na break na sila ni Joem.
Almost two years tumagal ang relasyon ng dalawa, simula noong early 2009 nang magkasama sila sa teleseryeng I Love Betty La Fea ng ABS-CBN.
Two weeks ago ay na-interview rin sa Paparazzi si Joem, at sinabi nitong: "I support [Meryll] sa decision niyang mag-aral [sa London]. Matagal na niya yung plano.
"Right now, hindi pa kami nag-uusap tungkol diyan. We're just happy ngayon na kasi nandun yung moment na happy kami, na na-achieve niya yung goal niya..."
Ganito naman ang naging pahayag ni Meryll: "Okey naman kami. There has been some decisions in my life na kailangan ko talagang gawin right now, na naiintindihan naman niya."
Paano nangyari ang paghihiwalay nila ni Joem?






The Maricelians are behind you all the way.
Hope you fulfill all your dreams in life.
balugababe
October 18, 2010
tga malaybalay ka no?hehehe
And she will swim at her Daddy's Billions of pesos...True??? Unture??? Like??? Unlike???
--------------
At least, hindi naman gagastusin ni Meryll ang pera ng tatay pambili ng kotse, damit o kung ano ano pa. Education, hindi mananakaw ninuman sa kanya iyan. Baka matutunan rin ni Meryll, pag nag aral siya sa London, at nakisalamuha sa mga tao roon, away from the Philippine showbiz environment niya, na there is such thing as a civilized world. Na ang pagiging bastos ang pinakamababang uri ng pagkatao, at maaaring iangat ng isang tao, ang kanyang pagkatao, by learning to respect others, learning an effective way of communication. Can't blame Meryl, maliit lang ang mundo niya, as of now.
--------------
TUTOONG BASTOS. Ayos, inamin na rin mismo ng anak. Kahit in private, BASTOS pa rin si Willie. Mabuti naman Meryll at gamitin mo ang pera ng papa mong multi millionaire, to improve your self. Pabili ka rin ng sarili mong flat sa London, instead na uupa. Investment mo na rin iyon.
badjaobabe
October 19, 2010
14:04 PM
= at least klaro teng lol!
Im happy that finally she's going there! And London, hellooo ang mahal mahal mamuhay doon.
Kung may pera rin lang, go na! Im glad her DAD is investing on her also. Goodluck Meryl!
lawrenzo
of course naman! milyonaryo tatay nya, sa akin magbobote lang, inggit talaga ako!
badjaobabe
October 19, 2010
12:30 PM
== inggitera ka teng? lol!
inquisitive
October 18, 2010
22:36 PM
== na mis interpret mo teng. bastos sa tingin ng iba.. but if you know the person, iba iyon teng. dapat alam yun at wag mong gawing from your mouth as a horse lol!
mabait naman talaga si willie teng no. i know it dahil naging saksi din ako.. kahit malayuan.. marunong siyang makisama sa malilit na tao. nagigng mainitin ang isang tao pag may problema, may pressure at may sakit sa puso. sana ang mga bumabato kay willie, wag dumating ang ganitong sitwasyon sa inyo.
besides laking kanto si willie. lalaking lalaki. di showbiz tulad ng marami lol!