Three months and a half nang buntis ang aktres na si Sunshine Dizon.
Ito ang kinumpirma mismo ng ina ni Sunshine na si Dorothy Laforteza nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kaninang umaga, October 19.
Ayon kay Tita Dorothy, sobrang saya raw ni Sunshine at ng mister nitong si Timothy Tan dahil matagal-tagal na rin nilang gustong magkaanak. Ikinasal sina Sunshine at Tim sa isang intimate ceremony noong March 20 ngayong taon.
"Kaya nga kabado si Sunshine nung na-delay ulit ang kanyang monthly period sa pangalawang pagkakataon," banggit ng ina ng aktres.
"Noong una kasi, inakala niya na buntis siya nung ma-delay ang kanyang monthly period. Pero bigla siyang nagkaroon kaya hindi niya naiwasang malungkot. Kaya nung hindi siya ulit dinadatnan, nagpatingin na sa doktor si Sunshine at doon nga sinabi na buntis siya.
"Kitang-kita ko kung gaano kasaya sina Sunshine at Tim nang malaman nilang buntis na si Sunshine. Siyempre, kung excited sila at masaya, mas doble saya ang lola!"
Dagdag ni Tita Dorothy, "Kaya nga mas pinili ni Sunshine na huminto muna sa pag-aartista dahil yun talaga ang plano nila ni Tim after ng kanilang wedding—gusto nilang magkaanak.
"Kaya nga kahit may offer sa kanya ang GMA na magkaroon ng primetime soap, hindi niya tinatanggap dahil yun talaga ang priority nila, ang magka-baby."
CHANGES. Ano ang mga pinaglilihian ni Sunshine?
"Wala naman siyang pinaglilihian kasi lahat naman kinakain niya," sabi ni Tita Dorothy. "Pero may paborito siya, yung kalabasa. Yun yung gusto niya laging kaiinin. Pero bata pa naman siya, yun na talaga ang lagi niyang gustong kainin."
Hindi ba mahirap maglihi si Sunshine?
"Hindi naman kasi lahat naman kinakain niya. Hindi naman siya yung tipong nagpapabili ng kung anu-ano o nagpapahanap ng kakaibang pagkain."
Ano ang mga napansing pagbabago ni Tita Dorothy kay Sunshine nang malaman nitong buntis siya?
"Naku marami!" sambit niya. "Una, tumaba siya. Pangalawa, hindi na siya pinapayagan ni Tim na magbiyahe nang malayo.
"Like, katulad ng ginagawa niya dati na lumuluwas siya ng Manila para mag-taping. Ngayon, hindi muna siya pinapayagan ni Tim para mas makapagpahinga at maalagaan ang pagbubuntis ni Sunshine."





tili_2death
Galit ba yan or inggit sa katawan? No, you STFU and get over it.
claud.-shine-jolina sa primetime,, sana mgkpatid sila like sa encantadia na story nagtaksil si pirena,, congrats shine.. its a blessing sau ang baby.
ehem wrong info maxene eigenmann ang buntis kapatid ni andi eigenmann at anak ni mark gil hindi si amxene magalona.
congrats sunshine! a baby is always a blessing. you deserve to be happy!
magaling na actress si sunshine dizon. period. kung hindi, e di na sana siya bigyan ng offer ng GMA di vuh?
Excited ang Lola, ganoon siguro talaga.
totoysipa
tama ka, kaya nga naki congrats na ako eh kaso nawindang naman aketch sa pagyayabang ng kanyang mudra hahahah
coricnfa2002
October 20, 2010
10:49 AM DEDMA as if interesadong malaman ng mga tao.
=======================================
dedma peo ngbasa at ng comment kktawa ka ahhaha
I actually have. And it is a SHHHHHURE thing STFU!