Efren Peñaflorida relinquishes his title as CNN Hero of the Year

Rommel Gonzales
Wednesday, October 20, 2010 @ 05:21PM  |  27468 views

 

"Marami akong nami-meet na mga bayani talaga, na sabihin na nating minsan nga, talagang mas greater pa yung ginagawa nila dun sa ibang tao," says 2009 CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida.

Photo By: File photo













Isang taon na pala ang nakalipas mula nang hirangin ang Filipino educator na si Efren Peñaflorida bilang CNN Hero of the Year. Sa susunod na buwan nga ay may bago nang tatanghaling winner at ito ang dahilan kung bakit lilipad si Efren patungong U.S. sa October 26.

"Actually, I was invited by different States for talks. Aside from that, ang main reason din kaya naman ako pupunta ng States is to attend  the CNN Heroes Awards Night and Tribute Show sa November," banggit ni Efren sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap namin si Efren sa pictorial niya para sa cover ng Songs For A Better World CD-album na ginawa kaninang tanghali, October 20, sa Print Mode Studio sa Timog Avenue, Quezon City.

Ayon kay Efren, may sampung finalists na para sa 2010 CNN Hero of the Year, pero walang pumasok na Filipino this year.

Hindi ba nalungkot si Efren na walang finalist mula sa Pilipinas ngayong taon?

"Hindi naman sa nalungkot. Pero siyempre, parang hoping and praying na sana meron ulit na Pinoy na bigyan ng parangal dun sa ginagawa niyang selfless deeds.

"Well, actually, ang dami naman kasing... Based sa experience kasi, I'm hosting yung Ako Mismo [TV5 show], e. So, it's actually parang type ba na CNN Heroes din na looking for ordinary people doing extraordinary things. So, parang ganun.

"So, dito naman [Ako Mismo], ang hinahanap namin yung mga unsung heroes talaga ng bansa natin sa mga sulok ng Pilipinas. We're searching for heroes na talagang magiging inspirasyon sa bayan natin.

"Marami akong nami-meet na mga bayani talaga, na sabihin na nating minsan nga, talagang mas greater pa yung ginagawa nila dun sa ibang tao," saad niya.

Sa tingin ni Efren, bakit walang nakapasok sa Top 10 ng CNN Hero of the Year mula sa ating bansa ngayong taon?

"Hindi ko alam, e. Hindi ko alam kung paano sila mag-search."

Pero sinabi ni Efren sa amin na nag-submit siya ng possible nominees.

"Meron, oo. May sinabmit kami, may mga ni-nominate kami. Sa personal, siyempre, yung mga kilala naming mga luminaries and advocates.

"Hindi ko alam kung paano yung judging nila, e. Even yung pagkapasok ko, hindi ko rin naman alam kung paano ako napilli, kung paano nila ako pinili."

Ang tatanghaling CNN Hero of the Year ay tinitiyak sa pamamagitan ng online voting.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

17 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name