Tuloy na tuloy na ang pangarap ni Meryl Soriano na mag-aral sa London.
Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktres kamakailan, dinetalye niya ang lahat ng may kinalaman sa kanyang pag-aaral ng Industrial Design sa London.
"I'm applying sa Central St. Martins [College of Arts and Designs] or sa Camberwell College of Arts. Sister schools naman sila," bungad ni Meryll sa mga London schools na gusto niyang pasukan.
"Yung first year, Foundation Studies of Art and Design, 'tapos Industrial Design. Design lang lahat ng gamit. Design ng cellphone, plato...lahat. Kasi nga gusto ko lang, ang target ko, magkaroon ng Muji sa IKEA. Yun ang gusto kong pag-aralan, yun talaga ang gusto ko, e."
Ang Muji (short for Japanese Mujirushi Ryohin or "no brand quality goods" in English) ay ang sikat na line of products (from stationary, bags, clothes to furniture) na kilala sa simple at minimalist na mga disensyo na walang tatak na brand, habang ang IKEA naman ay ang sinasabing "largest furniture retailer in the world."
"Mag-i-start yung klase, 2011 pa. 'Tapos two years kong pag-aaralan yung course ko. Pupunta ako doon, a-attend ako ng open days. Yung parang inquiry about sa requirements ng mga international students. Kasi ang vague kasi no'ng mga sites, e. And maganda na, nandoon na ako para makita ko yung itsura ng mga universities.
"Aalis ako ng October 25, after ng opening ni Papa [Willie Revillame's show, Willing Willie sa TV5]. Pagkatapos no'n pupunta ako ng Brussels [Belgium] for the Film Festival. Tatawid lang ako para sa Donor, yung pelikula ko with Mark Meily," kuwento ni Meryl.
Kasali ang Donor at isa pang 2010 Cinemalaya film na Sigwa sa 37th Brussels International Film Festival na gaganapin sa Brussels,.Belgium on November 2 to 7. (CLICK HERE to read related article.)
FINANCIAL SUPPORT FROM PAPA WILL? Ayaw pa munang magsalita ni Meryl tungkol sa financial support na ibibigay sa kanya ng kanyang amang si Willie para sa nasabing pag-aaral niya.
"Alam mo, hindi ko pa alam. Kasi ayaw niya akong paalisin, e. Ako naman, kasama na sa pag-alis ko yung pag-i-inquire ng mga grants, scholarships. Kasi titingnan ko how it works. Kung mas makakatipid, mas maganda yun," sabi pa ni Meryll.
Bakit kailangang magtipid samantalang mayaman ang kanyang Papa Willie?
"Kasi ayoko namang humingi sa kanya nang humingi ng pang-doon... Ewan ko! Wala lang," may pagkailang na banggit ni Meryll.
Hindi ba nag-offer ang papa niya na ito na lang ang tutustos sa pag-aaral niya sa London?
"Hindi naman," mabilis na tugon ng indie films actress. "Ang in-offer niya, sagot raw niya lahat ng film festivals. Lahat ng tickets ko [airfare] pag film festival. Tuwang-tuwa naman ako dahil pangarap ko rin yun. Hello! Mag-gown kaya?" excited niyang sabi.
Aminado naman si Meryl na may kamahalan ang magagastos niya para sa kanyang pag-aaral abroad.






Grant? anong grant ka dian? Ang grant lang na posibleng makita mo dito indai ay si Hugh Grant! hahaha
magaling siyang artista.. mas magaling sa may mga hitsura at sikat na sinasabi niyo. eh nasa dugo ang pagiging artist niya.
wala siyang inaapakang tao. iyon ang improtante sa mga soriano. mga hunghang na ito. mga bulag. lol1
iba na ang may daddy na bilyonaryo, lol
sana makapasa ka sa st. martins para hindi nakakahiya na ipinamalita mo na kaagad e sa planning stages pa lang pala. good luck.