It's a baby girl para sa ikalawang panganganak ni Vicky Morales, ang Saksi anchor at Wish Ko Lang host ng GMA News and Public Affairs.
Second childbirth pa lamang ni Vicky, pero ikatlong anak na ang kanyang bagong sanggol, dahil kambal ang panganay nitong cute boys, na sina Leon at Pipo, na two-and-a-half years old na ngayon.
October 9, 2010, Sabado ng umaga nang isilang ni Vicky sa The Medical City hospital sa Pasig City ang healthy baby girl niya.
Ganoon na lamang ang tuwa ng mabait nitong mister na si Atty. Alfonso "King" Reyno III (ng Reyno Tiu Domingo and Santos Attorneys-at-Law), dahil muli silang biniyayaan ng anak na may weight na 7 lbs and 6 oz.
Matatandaang anim na taon, mula nang sila'y ikasal, ang paghihintay ng mag-asawa bago sila ma-bless ng twins. Ngayon ay kasama pa ni Vicky sa TV commercial ng baby diapers ang mga ito.
Ayon sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan kay Vicky, muntik-muntikan nang matupad ang "wish" ng asawang si King na manganak ang misis noong 10-10-10 (October 10, 2010). Once in a century nga naman ang ganoong petsa, at isang araw na lang ang diperensiya, pero gusto ng baby ang 10-9-10.
"Pasensiya na ha, hindi kita nabalikan agad sa text mo dahil hindi ko na ma-distinguish ang araw sa gabi dahil kinakarir ko na ang round-the-clock breastfeeding sa aming bagong baby," masayang bungad ni Vicky sa pamamagitan ng mobile phone.
Ang buong pangalan ng "little princess" ng mag-asawang Vicky at Atty. King ay Daniela Simone Morales Reyno, na isinilang ng lady anchor via Caesarean section performed by Dr. Anthony Ancheta's team.
"Gusto talaga ni King na I give birth on 10-10-10. In fact, pina-reserve na niya sa hospital ang delivery room at ang suite, when we found out that I was pregnant. But Daniela couldn't wait, gusto na niyang lumabas sa mundo!"
FIRST GRANDDAUGHTER. Ayon kay Vicky, ang new baby niya ay ang kauna-unahang apong babae sa both sides nilang mag-asawa, kaya ganoon na lang ang tuwa ng kanilang family members.
"First female grandchild siya on both sides, kaya ang parents ko at ang in-laws ko, sobrang thrilled sila. Para ngang party araw-araw sa condo namin, dahil ang mga kamag-anak, they visit our little princess almost every day!"
Kung first granddaughter si Daniela sa pamilya on both sides, ilang lalaking apo na ba meron sa bawa't side?
"Apat na lalaking apo sa side namin, at tatlo sa side ni King. Kaya thrilled na thrilled ang lahat!"
Hindi rin daw masyado matagal at mahirap ang pagle-labor ni Vicky.
"Nag-start akong mag-labor nang gabi ng October 8, and nanganak ako nung umaga ng October 9."






mabuhay ang serbisyong totoo.
at congrats to the new addition to othe family. i know how they waited for their first children and then they are blessed with another one. God is good!
comment ko lang sa mga biyenan, wag na sana silang makialam sa names ng mga apo nila kasi nagkaroon na sila ng chance na mamili ng names ng mga anak nila.
Very lucky ng anak nyo for having you and Mr. King as parents.
Congratuations to Vicky and King. Ideal kayong couple.
anyways..again God bless miss vicky!
Baby is so cute. May she grow up to be a beautiful, health lady.
God bless you amp; stay happy.
mga abnoy kac ung presidente nila eh..
may pinagmanahan talaga..
olala90
sinabi mo!
abs - the abno station! kaya nga maka-abnoy!
wala ka palang pake eh..bat ka andito sa article ni Vicky..basta kapamilya talaga mga ABNO...