"Nagulat talaga ako sa balitang 'yan. The truth is we are not sure yet if Lian is pregnant. Malalaman namin 'yan next month pa siguro. Ayaw naming mag-assume kasi nga it's too early to tell," says Paolo Contis about reports that partner Lian Paz is pregnant again.

Photo: Courtesy of GMA-7

Wala pang confirmation si Paolo Contis kung buntis ang kanyang girlfriend na si Lian Paz sa ikalawa nilang baby.

Nagulat na lang daw si Paolo at may mga nagku-congratulate sa kanya dahil buntis na raw ulit si Lian at magkakaroon na ng kapatid ang panganay nilang si Xonia Aitana.

"Nagtaka ako kung bakit may mga nagku-congratulate sa akin. Akala ko because of the show Little Star. Ako naman, 'Thank you!' Yun pala, dahil buntis daw ulit si Lian. Gano'n?!" natatawang sabi ni Paolo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Little Star.

Gusto lang linawin ni Paolo na wala silang pinapalabas na announcement na buntis ulit si Lian. Hindi raw sa kanila galing 'yon.

"Nagulat talaga ako sa balitang 'yan. The truth is we are not sure yet if Lian is pregnant," sabi ng aktor. "Malalaman namin 'yan next month pa siguro. Ayaw naming mag-assume kasi nga it's too early to tell.

"Puwedeng oo at puwedeng false alarm lang. Hindi naman siguro kaila sa lahat na may complications si Lian sa katawan niya. She's taking these medications for her hormonal imbalance. Nagpapa-check up din siya for that.


"Kaya we want to be sure bago kami magsabi. So, next month na lang ang announcement kung ano nga ba."

Naisip ni Paolo na baka nagsimula ang balitang buntis si Lian nang may mga makakita sa kanila sa St. Luke's Medical Center. Sinabi ni Paolo na nandoon sila dahil may regular check-up ang anak nilang si Xonia sa pediatrician nito.

Kuwento niya, "Nandoon kami for Xonia kasi regular na check-up 'yon. Kung napapansin nilang medyo mataba si Lian, normal lang 'yon kasi nga hindi naman na siya sumasayaw. Hindi na natatagtag ang katawan ni Lian unlike before."

Sabi ni Paolo, sabay tawa: "Gusto nga niyang pumayat, tapos buntis na naman?"

Pero ayon kay Paolo, wala namang masama kung mabuntis ulit si Lian. Gusto na raw kasi nilang magkaroon ng kasunod si Xonia.

"Siyempre, gusto rin namin talaga. Mabilis lumaki si Xonia. Baka nga next week nag-aaral na siya!" tawa ulit ni Paolo.

"Gano'n sila kabilis lumaki ngayon. Kaya kung magkaroon ng next baby, why not? Blessing 'yan mula kay God, di ba?

"But we want to be sure first, kaya wala pa kaming official announcement tungkol diyan. Wait na lang nila sa November kung true or false ang balita."

NEW HOUSE. Ang totoo raw ay may bagong bahay nang lilipatan ang pamilya ni Paolo. Four-bedroom house daw ito na tamang-tama sa kanila.

Pinapaayos na lang daw ni Paolo ang ilang bagay sa bahay at namimili na sila ng mga gamit.